Chapter 16
"I will talk to your Tita, Ryan." sabi ni Lola Immavel.
Naririto sila ngayon sa unit namin. Si Tito Marlon, si Mama at si Lola Immavel. Nagtungo sila dito para makausap ako, at para malaman nila ang nangyayari.
"She can't do this. My granddaughter was also the victim of the accident. If she doesn't stop the case, I will also file–"
"La." pigil ko. "Huwag na po, mas lalo lang pong lalaki. Pwede kong kausapin ang Tita ni Ryan, baka kalmado na sya ngayon." sabi ko.
"Anak hindi, nagpapunta sya ng mga pulis dito para gumawa ng masama sa'yo. May karapatan lamang ang lola mo na mag sampa ng kaso." si Mama.
"Sinabi ni Drake na mga suwail na pulis ang nakuha ng Tita ni Ryan." sabi ko upang hindi na mas lumaki pa ang gulo.
"Sumasang ayon po ako kay Chanel, Lola. Pahuhupain po muna natin ang nararamdaman ni Tita Eden. Bago mo sya kausapin Chanel." si Ryan.
Tumango ako, iyon ang magandang gawin. Iyon ang dapat na gawin. Hindi kami pupwedeng magpadalos-dalos tulad ng ginawa ng Tita ni Ryan na basta na lang akong ipapahuli sa mga pulis.
"Nakikiramay kami, Ryan." si Tito Marlon pagkatapos ng usapan tungkol sa mangyayari.
"Naiintindihan ko ang sitwasyon ng Tita Eden mo, nawalan sya ng kapatid at ngayon ay comatose ang anak niya. Pero hindi dapat sya nagpapadalos-dalos sa mga nangyayari."
Pinakatitigan ko ng mabuti si Ryan, kitang kita sa mga mata nito ang pagod. Dumagdag ako ngayon sa problema nya. Imbes na nasa Mommy nya sya, ay naririto sya ngayon sa akin at iniintindi ako. Sinisisi ako ng Tita nya sa pagkamatay ng Mommy nya, at siguro iniisip nya din iyon.
"Kakausapin ko po si Tita, ayokong malagay sa alanganin si Chanel."
Hindi ko alam kung bakit ganito sila sa akin, kung bakit mas inaalala niya pa ako kesa sa mommy nya. Kung pwede naman na lang nya akong pabayaan na lang kina Marcus. Alam kong nasasaktan pa sya sa mga nangyayari at heto ako, na imbes na tulungan sya ay gumawa pa ng rason para dagdagan ang isipin niya.
"Pupunta po ako kay Mommy ngayon, naroroon pa po si Rj." si Ryan na nag paalam sa amin.
Hindi ko gusto ang nangyayari ngayon na nakikita ko syang nahihirapan, wala pa syang pahinga alam ko, magdamag din syang nagbantay kay Eric. At ngayon ay pupunta naman sya sa Mommy niya, inaasikaso pa niya ang kaso ko. Kung hindi siguro ako bumalik dito sa Pilipinas, kung hinayaan ko na lamang na mas magpatuloy kami sa Korea ay hindi mangyayari ito. Inalisan ko ng masayang buhay si Ryan.
Nag paalam na din si Lola at Tito Marlon. Naiwan na lang kaming apat nila Mama dito sa unit. Nag paiwan si Mama upang samahan ako, kaya may dahilan na ako para paalisin si Drake.
Nasa sala lamang ako, nag iisip ako kung pupunta ba ako ng pastry ngayon para tingnan kung anong balita na doon. Pero iniisip ko din na baka nag pakawala pa ng ibang pulis ang Tita ni Ryan at bigla na lamang akong dakipin.
"Kumain ka na muna, anak."
I turned to the side, I saw Mama with a tray of food. She placed it on the table.
"Salamat po." sabi ko at kinuha na iyong pagkain na naroroon.
Kanina pa din ako nakakaramdam ng gutom, wala man akong gana ay hindi maatim ng sikmura ko na hindi kumain.
While I was busy eating, I saw Marcus come out of the kitchen. He was holding a key and was about to leave the unit when I stopped him.
"Where are you going?" I asked him.
BINABASA MO ANG
Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)
RomansChanel confronted herself with the frightening truth of her past that unexpectedly resurfaced, grappling with the choice of facing her painful memories or simply surrendering by burying them in oblivion and not looking back. Ngunit paano kung ang al...