Chapter 31
Nagising ako na tila parang namamasa ang buo kong katawan. Tumingin ako sa paligid, isang magandang kwarto ang syang tumambad sa akin. Iginala ko ang paningin ko, ang kulay abo na pintura sa pader agad ang napansin ko at ang ilang malalaking frame na disenyo ng bahay ang mga nakasabit sa bawat gilid ng pader.
I noticed the large room, and I also noticed the big bed I was occupying. The surroundings were clean and well-lit, with a masculine scent in the air.
On one side, there was a set of sofas and a TV, creating a cozy lounging area. On another side, there was an office table neatly arranged with a laptop and some papers, suggesting a workspace. Beside the office table was a large sliding door, leading out to what seemed like a balcony, where natural light filtered in, brightening up the room even more.
Naalis ang tingin ko roon nang bumukas ang pintuan ng kwarto. Tumambad agad sa akin si Mama at si Lienzo na ngayon ay nakasuot ng kanyang unipormeng pang doctor.
Nang namataan nila ata na gising na ako ay nagmadali agad si Mama na lapitan ako.
“Ma.” Mahinang bigkas ko sa kanya, nawawalan pa ng lakas.
Agad itong umiyak at hinaplos ang pisngi ko, marahan lang ang ginawa niyang pag haplos. Naramdaman ko din kasi na masakit iyon, dulot siguro ng sampal na natamo ko sa mag ina.
Pagkatapos kong mawalan ng malay ay hindi ko na alam ang nangyari, dahil nagising na lang ako sa kwarto ito.
“Tita, I'll just check her for a while.” Si Lienzo sa gilid ko.
May ilang proseso siyang ginawa para sa check up ko, hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa, pero napansin ko dahil iyon sa nangyari, nawalan ako ng malay at masakit ang katawan ko.
Pagkatapos nang check up ay nag paalam na ito sa amin ni Mama. Nag thank you pa ako sa kanya bago nilingon ang Ina ko.
“Isang araw kang nawalan ng malay anak, sobrang nag-alala ako sa'yo.” Aniya na hinawakan ang kamay ko.
Tumingin ako sa kamay ko, umakyat ang tingin na iyon sa braso ko. Napansin ko ang ilang pasa roon, dulot ng paghampas ng bag ni Tita Calla.
“Hindi ko mapapatawad si Calla dito! Wala siyang karapatan na tratuhin ka na parang hayop!” Galit niyang ani.
Tiningnan ko siya, pagod ang mga mata kong tumingin sa kanya.
“Ma… lalaki pa ang gulo.” Namamaos na sabi ko.
“Hindi anak, inaasikaso na ni Drake ang lahat. Mag sasampa siya ng kaso kay Clara at kay Calla.” Determinadong sabi ni Mama na nagpatigil sa akin.
“Po?!” Bulalas ko sa gulat. “Ma! Bakit niyo hinayaan? Lalaki pa ang gulo Mama! Isa pa alam ko namang may kasalanan ako dito–”
“Wala kang kasalanan.”
I was taken aback when I saw Drake walking seriously towards us. As he got closer, the serious look in his eyes changed to one of concern. He sat down on the edge of the bed and looked at me intently.
"You have a lot of bruises from what happened. What they did to you was harassment. At wag mong isipin na kasalanan mo ang nangyari, you didn't do anything wrong. You didn't steal me from anyone." he reassured me, reaching for my hands.
I saw his eyes filled with worry as he looked at my arms. He gently touched the bruises there, his fingers moving with such care and tenderness.
Nilingon ko si Mama na nasa gilid at pinagmamasdan kami. Tipid niya akong nginitian, dahil bakas parin sa kanyang mga ngiti ang pag-aalala.
BINABASA MO ANG
Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)
RomansaChanel confronted herself with the frightening truth of her past that unexpectedly resurfaced, grappling with the choice of facing her painful memories or simply surrendering by burying them in oblivion and not looking back. Ngunit paano kung ang al...