Chapter 41
Halos isang linggo na simula noong nalaman ko na buntis ako. Isang linggo na din akong nag tatrabaho sa CNL Celestial Hotel at tinutulungan ko si Drake. Si Sassy ang siya munang namahala sa pastry ko pero pag minsan ay pinupuntahan at binibisita ko iyon.
Nagpaalam ako kay Drake na tanghali na lamang ako papasok sa CNL Celestial Hotel, katwiran ko ay dadaan ako sa pastry pero ang totoo ay tumungo ako sa OB para magpa check up at para malaman ko na din kung ilang months na akong buntis. Nagpa book naman na ako ng appointment sa isang kilalang OB kaya hindi naman na ako nahirapan pa.
“Congratulations Mrs. Mendez, you're 4 weeks pregnant.” Masayang sabi ni Dra. Narciso noong na check up niya ako.
“Kamusta naman po ang lagay ng baby ko, Doc?”
“Normal naman ang pagbubuntis mo Mrs. Mendez, normal din si Baby, may mga kailangan ka nga lang na sundin bilang isang first time Mom. Iwasan po natin ang pagkain ng mga junk foods, kailangan po healthy ang mga kinakain niyo para na din kay baby. Iwasan din po natin na ma stress, o mag isip ng mga bagay na maaaring mag dulot ng sistomas sa baby niyo.” Paalala ni Dra. Narciso sa akin.
Nakangiting hinaplos ko ang tiyan ko. Iingatan kita baby ko, magiging mabuting ina ako sa'yo.
"By the way, where is your husband? In our upcoming sessions, he should be present so that he knows how to take care of you and the baby."
I was taken aback by that. I didn’t know when I should tell Drake. But I've been thinking about it since this morning, gusto kong malaman niya na mamaya na buntis ako at magkaka anak na kaming dalawa.
Pagkatapos kong magpa check up ay kumain na muna ako, sa isang malapit na restaurant nga ako nag stay para kumain dahil gutom na ako. Nag order lang ako ng pasta at vegetables salad. Tulad ng sinabi nang Doctora ay kailangan healthy ang kinakain ko, para kay baby.
“Chanel.”
Nag angat ako ng tingin sa tumawag sa akin. Nakita ko nga si Tita Eden kasama ang anak niyang si Eric. Malawak ang ngiti ko na tumayo at sinalubong silang dalawa.
“Hello po, magandang tanghali po.” Sabi ko sa kanila at nilingon si Eric na nakangiting nakatingin sa akin. “Hi. Kamusta ka na?”
“I'm fine. You? How are you?”
Ngumiti ako dito. “Okay lang din. Maupo po muna kayo.” Iginiya ko sa kanila ang bakanteng upuan sa tapat ko.
Nakangiting nakatingin sa akin ang Mommy ni Eric. Pinagmamasdan niya ako.
“Bakit ikaw lang mag isa hija?” Tanong niya sa akin.
“Nasa work po ang asawa ko Tita. May dinaanan lang din po ako malapit dito.”
Tumango-tango siya. “Kamusta pala ang kasal mo? Hindi na kami nakapunta at nagpapagaling pa si Eric.”
“Okay lang naman po Tita, naiintindihan ko po.” Ngumiti ako dito at nilingon si Eric. “Bumalik na ba ang alaala mo?”
Umiling siya. “Pero may ilang naaalala ako. Unti-unti naman ng bumabalik kaya hindi na ako mahihirapan pa.”
Masaya akong marinig iyon, kahit papaano ay nakakaalala na siya.
Umorder na sila ng pagkain nila, kaya noong natapos akong kumain ay nanatili na muna ako doon para makipag kwentuhan sa mag ina.
"I'm going to France to undergo more surgeries and to help speed up the recovery of my memories," Eric said, which surprised me a bit.
"But what about your job here?" I asked him, puzzled.
“Mayroon naman syang leave hija. Babalik din siya kapag nabuo niya na lahat ng alaala niya. Sabi ng doctor sa kanya ay mas makakabuti iyon, dahil kapag napalayo siya maaaring mas mapabilis ang pagbalik ng alaala niya.” Paliwanag sa akin ng Mommy ni Eric.
BINABASA MO ANG
Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)
RomanceChanel confronted herself with the frightening truth of her past that unexpectedly resurfaced, grappling with the choice of facing her painful memories or simply surrendering by burying them in oblivion and not looking back. Ngunit paano kung ang al...