It's okay to meet with a friend or meet with someone who is close to you kaya wala naman sigurong malisya na makita si Inna kasama ng tatay nina Cillian, 'di ba?Pero bakit dito? Bakit sa labas ng Wardein? I mean, pwede naman silang magkita sa isang resto sa loob ng bayan o kung saan pero... dito? It kinds of giving me a malicious feeling.
Hindi ko na dapat pa itong pansinin. Personal na buhay nila iyun at wala akong karapatang panghimasukan iyun.
Mas pinabilis ko na lamang ang aking pagdadrive. Nang papalagpas na ako sa pwesto nila ay lumingon muli ako. Bahagya pa akong nawindang nang makitang nakatingin na sa akin ang ama nina Cillian. Alam kong kita niya ako mula sa windshield ng sasakyan pero hindi ko alam kung nakikilala niya ba ako. May ngiti pa sa mga labi niya habang nakatingin sa akin at nang nasa tapat na nila ako ay nakita ko pa ang kaniyang bahagyang pagkaway habang nakatitig lang sa sasakyan si Inna.
Iniwas ko na ang tingin sa kanila at inalis na din ang isip mula sa kung anong ginagawa o pinag-uusapan nila sa lugar na iyun. Nang tuluyan akong makalabas sa lupain ng Wardein ay napabuntong hininga na lang ako. Akala ko ay makatatahimik ang isip ko kahit ngayong araw lang pero may dumagdag pa sa mga isipin kong iyun.
Nadaanan ko pa ang waiting shed na minsan na naming tinambayan. Para mas matahimik at matigil ang utak ko mula sa pag-iisip ng kung anu-ano ay nagpatugtog na lamang ako.
Ilang oras na din akong nagdadrive pero hindi ko alam ngunit hindi ako nakakaramdam ng pagod kahit na halos mga punong kahoy lang naman ang mga nadadaanan ko at bibihira lang ang mga establisyemento o kahit mga bahay. Nadaanan ko na din ang patungo sa bayan kung saan kami nakipag-fiesta noong nakaraan.
Habang nagdadrive ay sumasabay ako sa malakas na tugtog. I smiled while glancing outside. Masyadong mainit ang panahon ngayon pero wala namang problema dito sa sasakyan dahil may aircon naman. Pero kita ko mula sa iilang mga taong nakikita ko sa tuwing susulyap ako sa gilid ng daan na sobra silang naiinitan dahil sa panahon. I even saw a mother outside their house, holding a baby on her hands habang pinapaypayan ito upang hindi na mainitan. I can see the annoyance on their faces but who wouldn't be kung ganito kainit at kahit ang electric fan ay hindi kayang papreskohin ang kanilang nararamdaman.
Better days will come at sa pagdating ng mga araw na iyun ay hindi na natin kailangan magreklamo o maghirap pa. Mas lumawak ang ngiti ko sa naisip. I hope dumating na ang araw na iyun.
I turned my car left when I saw a signage, it says, 'Welcome to Maiui City'. Nakita ko na sa mapa ang bayan na ito noong nagreresearch ako kagabi. Ini-search ko na din kung anong mga pagkain ang sikat dito. Masarap daw ang mga Pansit dito at talagang ipinagmamalaki ng bayan, at marami pa silang masasarap na delicacies na ma-i-i-offer.
Sumalubong agad sa akin ang mga kabahayan. Mas maliliit ang mga establisyimento dito at sa tingin ko ay mas malaki din ang Wardein kaysa sa bayang ito but that's fine. Kilala ang mga tao dito bilang mababait at sa magiliw nilang pagtanggap sa mga turista o bisita dito sa bayan nila. At balita ko din ay walang kahit na anong bilang ng krimen dito sa bayang ito na sobrang nakakatuwa at nakakamangha.
Mas maaliwalas din ang paligid at ang tahimik. Masasabi kong mapayapa dito sa bayang ito. Para itong isang baryo.
Hindi magkakadikit ang mga gusali at maraming mga halaman at mga puno. May mga taong napapatigil at minsan ay napapatingin sa sasakyan tapos ay ngingiti. Alam kong hindi nila ako masyadong nakikita mula sa labas but I truly appreciate the smiles they are giving me.
Tumigil ako sa tapat ng isang gusali. Sa unang tingin ay aakalain mong isang bahay lang ito. Kung hindi lang sa isang maliit na signage sa labas nito ay hindi ko malalamang isang kainan iyun. The eatery gives off a homey feeling.
BINABASA MO ANG
Warden (COMPLETED)
مصاص دماءThey are the people who are willing to do anything to protect their people, their race. -- Happy 1k Reads! Started: July 15, 2020 Finished: Jan. 14, 2021