"Eat with us, hija." Aniya matapos akong pagbantaan. Parang wala lang dito ang sinabi niya sa akin kanina."Pero ku---" Hindi ko na tinapos pa ang sasabihin ko dahil sa biglang pagtalim ng titig niya sa akin.
Mukhang sinisimulan niya ng alamin kung totoong gagawin ko ang gusto niya at kontrolin na din ako. Kahit na busog pa ako dahil isang oras pa lang ata noong matapos akong maghapunan.
Kumuha lang ako ng kaunting pagkain. Nasa aktong pagsubo na ako nang makitang nilagyan pa ni Zagan ng pagkain ang pinggan ko.
"Eat more." Aniya sa nag-uutos na tono. Gusto ko sanang sabihin na busog pa ako at hindi ko naman iyun makakayanang ubusin pero hindi ko na naituloy dahil napansin kong nakatingin sa amin si Mrs. Adaillah.
"Maybe, you should call me Tita." Nakangiting sabi nito. "Mukhang close ka naman sa mga pamangkin at anak ko especially to Z."
Nagpapalit palit pa ang tingin niya sa aming dalawa ng anak niya. Hindi ko gusto ang nakikita ko sa mga mata niya.
"You actually look cute together." Isa sa mga hindi ko inaasahang lalabas na salita ang 'cute' sa mga labi niya pero heto siya at ginamit niya pa iyun sa aming dalawa ng anak niya.
I suddenly felt shy sa hindi malamang dahilan. Hindi ko dapat nararamdaman 'to lalo na sa harap pa nilang mag-ina.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain kahit na pakiramdam ko ay hindi na iyun tatanggapin ng tiyan ko dahil sa kabusugan. Habang kumakain ay ngayon lang pumasok sa isip ko ang katanungang bakit sila lang dalawa ang madalas na kumain ng magkasama? Parang sa tatlong beses na napadpad ako ay dalawang beses ng sila lang ang nakita kong sabay na kumain.
Halos sa buong durasyon ng hapunan ay tumatango lang ako sa sinasabi nila. Para kasing nahihirapan akong umiling o hindi sumang-ayon lalo na kapag nakikita ko ang tingin sa akin ni Mrs. Vladmir na tila sinasabing um-oo lamang ako.
Natapos ang hapunan ng hindi man lang nabanggit o napag-usapang muli iyung nangyari kahapon sa restaurant. Kung ako nga ang tatanungin ay parang isang hudyat ang dinner na ito para sabihing nasa mabuting lagay na muli ang tingin sa akin ni Mrs. Vladmir. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mag-alala sa mga mangyayari sa susunod na mga araw o linggo. Naputol ang pag-iisip ko ng kung ano-ano ng tawagin niya ako.
"Ava, hija, why don't you stay for the night?"
"Huh?"
"Masyado ng madilim at baka kung mapaano ka pa." Pahayag niya na kunti na lang ay aakalain ko nang talagang nag-aalala siya sa akin.
"Uhm, may trabaho po kasi ako bukas. Atsaka ilang araw na din po akong absent baka masesante na ako." Simpleng tanggi ko sa alok niya and personally ayaw kong manatili pa dito ng mas matagal o ang matulog dito.
"I will talk to Beau. Pwede ka naman sigurong kahit malate lang bukas." She suddenly became this soft and pure Tita pagkatapos na bahagyang pag-usapan ang nangyari kahapon.
"H-hindi na po. Dala ko din naman ang sasakyan ko." I convinced her for the last time pero mukhang wala sa bokabolaryo nito ang matanggihan. Akala ko ay titigil na siya pero nagkakamali ako.
"You're the first person who keeps on saying no to me. Alam mo naman na ayokong hindi nasusunod ang gusto ko at mabilis ding umiinit ang ulo ko---" Hindi ko na siya pinatapos dahil alam kong iba na ang pinapahiwatig ng salita niya.
"Okay po. Pero uuwi na din po ako ng 6 am." Ang ipinagtataka ko na lang ay bakit parang gustong gusto niya akong patulugin dito? Don't tell me, may hidden agenda siya kaya niya ito ginagawa?
"Great! Zagan lead her to the guest room." May kakaibang kinang ang mga mata niya ng sabihin iyun. For a moment, parang tunay ang kislap at tuwa sa mga mata niya. Ganoon ba siya kasayang dito ako matutulog?
BINABASA MO ANG
Warden (COMPLETED)
VampireThey are the people who are willing to do anything to protect their people, their race. -- Happy 1k Reads! Started: July 15, 2020 Finished: Jan. 14, 2021