20

77 5 0
                                    

Matapos ang ilang oras na biyahe pabalik naman ngayon sa Wardein ay naka-uwi naman kami ng ligtas. Inihatid din nila ako sa mismong bahay. Nagpasalamat ako bago bumaba ng sasakyan at hinintay ko muna silang umalis bago ako pumasok sa bahay.

Pagpasok ng bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto. Ibinaba ko na lang din ang bag ko sa may gilid ng kama at pabagsak na nahiga sa kama.

"Hay." I sighed before closing my eyes. Pero ilang segundo lang ay binuksan kong muli ang mga mata ko.

Tumayo na din ako at pumasok ng banyo para magbihis. Mag-a-alas-onse na at ang kailangan ko naman ngayong ihanda ay ang tanghalian.

Napili kong magprito na lamang ng isda para mabilis na lamang lutuin pero baka mamaya ko na lamang iyun gawin at maglaba na lang muna ako. Pwede namang pagkatapos kong maglaba atsaka ako kumain.

I suddenly remembered my Mom. Kung nasa Armain ako, paniguradong hindi niya ako hahayaang kung anong oras na kumain at baka mapagalitan pa ako noon. My thought suddenly shifted from my mom to our business and to the possibility na maaaring malaman na nila ang existence ng mga bampira. Mahal ko ang mga magulang ko at kahit alam kong mali ang negosyong pinasok nila ay hindi ko pa rin sila kayang makitang masaktan o madisappoint. I am worried that they might instantly regret it kapag nakilala nila si Mrs. Adaillah. Matutuwa pa sana ako kung si Mrs. Vladmir ang magiging dahilan kung bakit ititigil nina Papa ang illegal na negosyo nila at baka ako pa mismo ang gumawa ng paraan para maka-usap niya ang mga magulang ko pero mas papalalain niya lang ang sitwasyon. Mas iisipin lang nina Papa na tama ang naging desisyon nilang pasokin ang illegal na negosyo na iyun.

"Ugh!" I groaned. Just thinking about it puts me in a bad mood.

Imbes na mag-isip ay nagtungo na lang ako sa harapan ng sala kung nasaan ang estante. Nagpatugtog ako at nilakasan ko na din ang volume pero hindi naman gaanong malakas na nasa point na makakabulabog na ako ng kapitbahay. Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang mga labahin ko. Naisipan ko na ding maglaba ng mga kurtina kaya isinabay ko na tutal wala na din naman akong gagawi buong maghapon at baka bukas na din ako makapasok sa café.

Halos alas dos na din ng matapos ako sa paglalaba. Naisampay ko na din ang lahat ng mga nilabhan ko atsaka ako pumasok muli sa loob ng bahay. Magpiprito naman na ako ng gayon ng isda para makakain na din ako ng tanghalian at mamaya ay baka lumabas ako para mamili ng groceries. Ubos na ang stocks ko dito at wala na din akong ilang mga sangkap na kailangan sa pagluluto. Mayroon din akong kailangan bilhin para sa isang putaheng gusto kong lutuin at first time ko din iyung lutuin.

Pagkatapos kong magprito ng isda ay kumain na din ako. Sa sala ko napiling kumain para makapanood din ako. Masyado kasing magiging tahimik ang pagkain ko kung sa kusina ako kakain, dito sa sala ay at least mayroong TV na magpapa-ingay ng paligid ko.

I was on the middle of eating when the door opened. Nakita ko si Cillian na humahangos na pumasok sa loob ng bahay. Sumandal pa muna ito sa pinto atsaka pumikit. Ano naman kayang nangyari rito at mukha siyang pagod na pagod?

Ibinaba ko ang plato ko sa center table atsaka siya tinitigang muli. Alam kong alam niyang nandito lang ako dahil na rin sa lakas ng senses nila. Maya maya lang ay nagmulat siya at nilingon ako.

"Anong nangyari sa'yo?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

"Hinabol ako ng sampung kabayo." Seryosong sagot niya.

"Ha. Ha. Nakakatawa."

Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa TV atsaka kinuha ang plato ko at bumalik sa pagkain.

"Ano 'yan? Tanghalian mo?"

"Hindi. Hapunan ko."

"Ha. Ha. Nakakatawa." Gaya niya sa sinabi ko kanina noong tinanong ko siya. Ngumiwi naman ako at hindi na nagsalita pa.

Warden (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon