06

92 6 0
                                    

Alam na nina Mama at Papa ang nangyari sakin kagabi. Hindi ko alam kung paano nila nalaman pero hindi na dapat nila nalaman. Hindi nila kailangan pang malaman yun. Tapos na eh. Nahuli na ang may sala. At ngayon kailangan ko na ding isipan kung anong kaya nilang gawin dahil sa nalaman nilang napahamak ako.

I have a loving parents pero iba silang magalit. Iba silang gumanti.

I sighed because of frustration. Kahit sinaktan ako ng babaeng iyun ay 'di ko magawang hindi mag-alala.

" Paano ba kasi nila nalaman?!"

Kalma. Kailangan kong kumalma. Nakumbinsi ko na naman si Mama kanina na ayos lang ako at sana ay maging sapat na rason yun para huwag na silang gumawa ng masama.

Natulog ako ng gabing iyun na may bago na namang pinangangambahan.
Kinabukasan ay mas pinili ko na lang ang pumasok sa trabaho kaysa lumiban. Para mawala din sa isip ko ang mga bagay-bagay na ikinababahala ko. Maganda na din yung okupado ako para hindi kung ano-ano pa ang isipin ko.

Naging busy din naman ako sa paghalili sa isang staff na absent ngayon. At kailangan din talaga ngayon ng dagdag na server dahil tuwing umaga talaga maraming customer tulad ngayon at sa gabi din.

Nang dumating din ako kanina dito sa café ay naabutan ko si Sir Beau. Ipinagtaka ko nang tanungin niya ako kung ayos lang ba akong magtrabaho ngayon. Ang tanong niya na iyun ay sa tingin ko ay may kaugnayan sa naranasan ko noong isang gabi. Ang ipinagtataka ko ay kung paano niya nalaman ang tungkol don. Mabilis lang bang kumalat ang balita dito sa Wardein? Hindi naman siguro iyung nangyari maililihim lalo na sa mga kapitbahay dahil yung pagdating pa lang ata ng mga pulis ay nakakakuha na ng atensyon. Sinagot ko na lang si Sir ng maayos na naman ako at kaya ko ng magtrabaho kaya siguro pinabayaan na lang din niya akong magtrabaho.

Nawala na din yung mga kakaibang tingin na nakukuha ko mula sa mga customer tuwing papasok sila dito na akala mo'y may masang-sang na naamoy sa katauhan ko gayundin sa mga staffs na sa wari ko'y nasasanay na sa presensya ko.

Natapos ang araw na nasa trabaho lang ang buong atensyon ko. Nakakapagod, oo. Pero sa tuwing umuuwi ako sa bahay ay tila nawawala ang pagod ko kahit na wala naman akong kasama sa bahay. Lalo nang nawawala ang pagod ko kapag nakikita ko ang aking kama at nakakakita ng pagkain. Hahaha.

Ganun ang naging routine sa mga sumunod na linggo hanggang sa makuha ko na ang unang sahod ko. At nang day off ko na ay naisipan kong maglibot sa Wardein. Ito ang unang beses na gagala ako sa Wardein at ngayon palang ay madami na akong gustong puntahan na halos dinadaan-daanan ko lang tuwing papunta ako ng trabaho.

Una akong pumunta sa isang maliit na museum dito sa Wardein. Na banggit ni Killian ang tungkol dito noong gabing sabay-sabay kaming nagdinner na tatlo.

Mas maliit ito kumpara sa ibang mga museo. Pagpasok mo palang ay kita na ang buong paligid. Lahat ng mga bagay na nagpapakita ng kasaysayan at kultura ng bayang ito.

Sa kanang bahagi ay makikita ang mga larawan ng Wardein mula pa noong una itong itinatag at ang mga namuno dito hanggang sa ngayon at sa kaliwang bahagi naman ay mayroong mga libro, kasulatan at iba pang mga bagay. At mayroon ding larawan ng mga pamilya na nakakuha ng atensyon ko. Mayroong sampung larawan ng mga pamilya na naandito. Naka-pyramid ang ayos ng mga larawan. Dahil mataas-taas yung pwesto noong nasa pinaka-tuktok ay hindi ko masyadong makita ang mga mukha nila. Pero sila ang may pinakamaraming bilang ng myembro ng pamilya kumpara sa mga larawan ng mga pamilya sa ibaba. Kung bibilangin ko ay siyam sila at yung pitong nakatayo sa likod ay paniguradong anak noong dalawang naka-upo sa tig-isang silya. Ang saya siguro nila dahil marami silang magkakapatid.

Inalis ko na ang atensyon ko sa mga larawan at itinuon naman ang pansin sa gitna ng museo kung saan nakasulat sa isang tila maliit na obelisk ang kasaysayan ng bayan ng Wardein. Sinasabi dito na malayo daw talaga ang Wardein mula sa ibang bayan noon pa man at iilan lang din ang naninirahan dito.  Itinatag ang bayan ng isang dayuhan na nagngangalang Bernardino Guzman at pinangalanan ang bayan ng Wardein na tumutukoy sa mga taong nangangalaga sa isang bagay. Si Bernardino Guzman ay napadpad lang dito sa bayan. Nang itatag niya ang bayang ito bilang Wardein ay madami-dami na ang populasyon ng bayan mula sa mga inapo at ilang dayuhang pamilya na ginustong manirahan rito. Siya din ang kauna-unahang mayor ng Wardein. Ang ipinagtataka ko ay bakit isang dayuhan ang unang naging tagapamahala nitong bayan. Don't get me wrong, pero hindi ba't kadalasan ay ang mga mismong mga nakatira sa isang bayan ang namumuno rito?

Warden (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon