25

62 6 0
                                    

Who is he?

Seriously, sino siya? I've never seen him before. Pero mukhang kilala naman siya ni Cillian base sa tanging ibinibigay nila sa isa't isa.

Atsaka tama ba ang narinig ko? Anak? Tatay nina Killian?

"Hello, Miss." Bati nito sa akin ng bumaling ang tingin sa pwesto ko.

Narinig ko naman ang malalim na pagbuntong hininga ni Cillian. Hindi siya nagsalita at hindi din siya tumitingin sa lalaking bigla na lamang sumulpot dito.

Ilang minuto ang lumipas at wala pa ring nagsasalita sa kahit na sino sa amin dito sa rooftop kahit ang sa tingin ko ay biological father nina Cillian ay hindi din nagsasalita. Nang tingnan ko sila ay nakatingin lamang sa malayo si Cillian habang nakatingin sa akin ang kaniyang ama at tila may sinasabi ang kaniyang mga mata sa'kin.

Ow. Okay. Gets ko na ngayon.

"Uhm, punta lang ako 'don." Pahayag ko at itinuro pa ang isang sulok dito sa rooftop, malayo dito sa may maliit na tent na kinalalagyan namin.

Kumuha ako ng isang lata ng beer at chichirya na din bago nagtungo sa sulok na aking itinuro sa kanila.

Nang maka-upo na ako dito sa sulok ay tsaka lamang naupo ang lalaki ss upuang iinuupuan ko kanina. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nakaupo dito sa isang sulok.

Nakita kong nagsasalita ang lalaki habang sumusulyap-sulyap kay Cillian pero hindi ko naman naririnig ang pinag-uusapan nila. Si Cillian naman ay nakaupo lang at nakatanaw sa malayo. Hindi ko din nakikitang bumuka ang mga bibig niya.

Curious man ako sa pinag-uusapan nila ay masama namang alamin ko pa kung ano ang pinag-uusapan nila dahil sure akong hindi naman ako involved sa problema nila.

Sa buong durasyon ng pag-uusap nila ay halos hindi ko nakitang umimik si Cillian. Ang lalaki lamang ang nakikita kong nagsasalita at kapag iimik si Cillian ay napaka-ikli lang ng mga nagiging sagot niya. Base na rin sa tagal ng pagbukas at sara ng mga labi niya. Hindi ko din naman mabasa sa mga labi nila ang sinasabi nila kaya tumititig na lang ako sa kanilang dalawa.

Gusto kong maresolba na ang problema nila pero hinihiling ko din na sana ay anumang oras ay matapos na ang pag-uusap nila. Dahil sa totoo lang, pinuputakte na ako ng mga lamok dito sa pwesto ko at nilalamig na din ako. Ako na ata ang hapunan nila.

Iniiwas ko na ang tingin sa kanila at inubos na lang ang beer na hawak ko. Nang wala na akong mainom ay iyung chichirya naman ang pinagdiskitahan ko.

Alam kong masama ang pagkain ng chichirya lalo na kapag madami pero wala na lang talaga akong magawa ngayon. Habang hinihintay silang matapos mag-usap ay naka-dalawang balot na ata ako ng chichirya at ngayon ay pang-tatlo na itong binubuksan ko.

Nakatuon na lang ang tingin ko sa langit habang ngumunguya nitong mga pagkain sa aking harapan. Ipinasok ko na din ang dalawang binti ko sa loob ng jacket na suot ko. Malaki naman itong hoodie ko kaya kasya ang nakabaluktot na binti ko sa loob. Nilalamig na din ako kaya ginawa ko iyun at wala na akong pake kung mas lalong lumaki ito. Nakaupo pa ako dito sa semento kaya pati na rin ang pang-upo ko ay ngalay na at nalalamigan dahil sa lamig ng semento.

Busy ako sa pagtingin sa kalawakan at pagkain ng maramdaman kong mayroong brasong dumikit sa kaliwang braso ko. Nakajacket naman ako kaya hindi skin to skin ang pagdikit ng mga braso namin pero napalayo pa rin ako ng maramdaman siya sa tabi ko. Mas lalo pa akong lumayo ng mapagtanto kung sino ang nasa tabi ko ngayon.

I looked at him ridiculously pero wala siyang naging reaksyon. He even had the audacity to get some of my foods.

"Anong ginagawa mo dito?!" Pagsasatinig ko sa tanong na unang pumasok sa isip ko. Bakas din ang inis at galit sa tono ng pananalita ko.

Warden (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon