10

71 3 0
                                    

" Ma? Pa? Ano pong ginagawa niyo rito?" Iyun ang unang lumabas sa mga bibig ko ng makita ang mga taong nakatayo sa may sala ng bahay. Mukhang pinagmamasdan nila ang kabuohan ng bahay.

" Anak, andiyan ka na pala. Kanina pa kami dito ng Papa mo. Ang tagal mo namang umuwi mula sa trabaho. " Bungad din ni Mama ng makita akong pumasok ng bahay. " Mukhang pinapagod ka sa trabaho mo. Tingnan mo, oh. Ang payat mo na at mukhang lagi ka pang puyat. Late ka na din umuwi. " Turo niya sa katawa ko tapos sa mukha. Hindi naman ako mukhang puyat ah, pagod lang.

" Hindi naman, Ma. Atsaka maaga pa oh." Sagot ko at itinuro pa ang orasan na nakasabit sa dingding. Isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko ding humiwalay ay dahil sa tingin ko ay masyado akong sheltered sa bahay. Hindi dahil sa ayaw kong alalahanin nila kundi parang sobra naman. Mas lumala pa noong naaksadinte ako.

" Dapat kasi sa Armain ka na lang. Dun mas nababantayan ka namin. Hindi katulad dito na malayo at tingnan mo ang nangyari noong nakaraan, muntik ka ng manakawan at sinaktan ka pa nung babaeng iyun!" May galit na sa boses niya ng banggitin niya ang tungkol sa nangyari noon. Imbes na magdahilan at magpaliwanag ay tinanong ko na lang din siya ng matagal ko ng gustong malaman.

" Paano niyo nalamang muntik na akong manakawan? Alam niyo ding babae ang pumasok dito sa bahay." Nanahimik si Mama. Alam niyang ang ayoko sa lahat ay ang pinababantayan ako o mino-monitor ang bawat galaw ko.

" Hindi namin malalaman kung hindi pa sinabi ng kaibigan mo samin. At gusto kong makilala ang kung sino mang kaibigan mo iyun dahil kung hindi dahil sa kaniya ay hindi pa namin malalaman ang nangyayari dito." Paliwanag nito. Mas lalo akong nagtaka ng marinig ang sinabi niya. Kaibigan ko ang nagsabi sa kaniya?

" Sinong kaibigan ko? Nagpakilala po ba sa'yo? " Umiling siya bilang sagot sa tanong ko.

" Anak, bumalik ka na lang kaya sa Armain. " Paki-usap ni Mama.

" Ma, may trabaho ako dito na hindi pwedeng basta-basta iwan atsaka masaya naman po ako dito." Ayoko pa lang talagang bumalik.

" Pwede ka namang magtrabaho na sa kompanya. Alam mong kailangan ka ng organisasyon. " Muling sumamo niyo.

" Hindi ko kaya, Ma. Alam niyo yan. " Tanggi ko ng magsimula siyang banggitan ang tungkol sa pagtatrabaho sa kompanya. Hindi lang ito tungkol sa pagkuha ng posisyon sa kompanya. I would have said yes a long time ago kung hindi ko lang alam ang nature ng trabaho nila. Hindi lang pagmamanage ng kompanya ang gusto niyang ipahawak sakin kundi ang lahat ng operasyong kinasasangkutan ng buong pamilya ko.

" Andiyan ang Papa mo, handa siyang i-train ka. In no time, makakaya mo ng pagsabay-sabayin lahat." Nilingon niya si Papa na ngayon ay nasa pagsisiyasat pa rin ng bahay. Nakita ko ang paglagay niya ng isang envelope sa isa sa mga drawers sa may estante na pinaglalagyan ng TV. Hindi pa ako sigurado pero may hinuha na ako kung ano ang bagay na nakalagay sa envelope na iyun.

" Hayaan mo na ang anak mo. Malaki na siya at kaya na niyang magdesisyon ng mag-isa." Sabi naman ni Papa ng mapunta na ang atensyon sa amin. Lumapit siya sa amin at inutusan si Mama na magluto para sa hapunan namin.

" May regalo ako para sa'yo. Nasa kaliwang drawer. Buksan mo mamaya." Usal niya sa mahinang boses. " Lagi mong protektahan ang sarili mo. At huwag ka nang mag-alala, hindi ka na muling masasaktan ng babaeng iyun." May diin sa boses niya habang binabanggit ang huli niyang mga salita. Tumayo na siya ng tuwid at sumunod kay Mama sa kusina.

Nanghihinang napa-upo ako sa isa sa mga upuan na nandito sa sala. Tama nga ang hinala ko. May kinalaman sila sa pagkamatay noong babaeng pumasok dito sa bahay.

We had dinner after that. Si Mama na ang nagluto at pagkatapos naming kumain ay umalis din sila. Sa kasunod na bayan pa ang punta nila para maki-pag-usap daw sa ilang kliyente.

Warden (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon