Epilogue Pt. 2

175 6 2
                                    

I tried to look for people walking around pero wala akong makitang kahit na anong may buhay sa bayan na ito kundi ang mga puno at mga halaman.

Kinakabahan ako pero tumuloy pa rin ako. May mga establisyementong gumuho na. Ang ilang mga gusali ay sunog at ang karamihan ay halatang inabandona na.

Nagsimula akong hanapin ang street kung saan nakatayo ang bahay. Nang makita ay mas pinabagal ko ang aking pagpapatakbo sa sasakyan para tingnan ang mga house number. Nang makita ko ang aking pakay ay nagdalawang isip pa ako kung bababa ba ako. Kaya ang ginawa ko na lamang ay pinagmasdan ang bahay mula sa loob ng sasakyan. Isang two-storey house. Mukhang maganda ang bahay at hindi pa naluluma. Kasama ata ito sa isa sa mga bahay at gusali na nakita ko dito sa bayan na walang malaking damage. Iyun nga lang halatang wala ng nakatira at napabayaan na.

Nang makaipon ako ng lakas ng loob ay bumaba na din ako ng aking sasakyan. Nagsimula akong tingnan ang bahay ng mas malapit pero hindi ako nagtangkang pumasok sa loob ng bakuran nito. May sasakyan pa sa loob.

It is literally a ghost town. Para itong isang bayan na bigla na lamang inabandona. Dahil sino ba naman ang ililipat ng tirahan at iiwan nalamang ang sasakyan dito sa kalsada. Hindi lang kasi ang sasakyan nakaparada sa may gilid ng bahay ang nakita ko. Ang daming sasakyan ang nakaparada sa kalsada.

Habang mas pinag-iisipan ang nangyari sa bayang ito ay mas lalo akong tinutubuan ng takot.

Imbes na mag-isip pa ay tumalikod na lamang ako mula sa bahay at maglalakad na sana pabalik ng sasakyan nang makakita ako ng isang taong nakatayo mula sa malayo. Hindi ito nagtangkang magtago noong makitang nakatingin ako sa kaniya na siyang ikinatakot ko. Hindi ko pa man din makita ang mukha niya dahil nakasuot ito ng hoodie, nakacap pa at nakasuot din ng itim na face mask.

Nang makitang hindi niya inaalis ang tingin sa akin ay nagyuko na lamang ako at mabilis na lumapit sa sasakyan ko. Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan ko pero bago ako tuluyang pumasok ay muli kong nilingon ang taong iyun.

Ilang segundo pa akong nakatingin sa kaniya bago siya tumalikod. Nagsimula itong maglakad palayo. Pero hindi pa man siya nawawala sa paningin ko ay nakita kong muli siyang lumingon sa akin. Pinapasunod niya ba ako?

I am contemplating. Ganoon ang labas sa akin pero hindi ko alam kung susundan ko ba talaga siya. A part of me wants to follow him pero mayroong parte din sa aking nagbibigay ng warning sign.

"Aish!" Angil ko sa sarili bago pumasok sa sasakyan ko.

Kung susundan ko siya mas mabuti ng naito ako sa loob ng sasakyan ko. Pinaandar ko ang sasakyan ko palapit sa kaniya pero nagulat ako noong magsimula siyang tumakbo.

Habang tumatakbo siya ay maya't maya din siyang tumitingin sa sasakyang sumusunod sa kaniya. Tila sinisigurong nakasunod pa rin ako sa kaniya.

"Hindi ba siya napapagod?" Muling tanong ko sa sarili ko. Kaunti na lang talaga at mapapanisan na ako ng laway kaya kahit papaano ay ibinubuka ko naman ang bibig ko at kinakausap na lamang ang sarili ko.

Pero imbes na alalahanin ang taong iyun ay nagsimula akong mag-alala at magtanong kung tama ba ang desisyon kong sundan ang taong hindi ko naman kilala noong pumasok kami sa isang kakahuyan. May malaki at konkretong daan pa naman na kasya ang sasakyan kaya nakapasok pa rin ang sasakyan ko.

Nang tumigil siyang tumakbo at naglakad na lamang ay binagalan ko na din ang takbo ng sasakyan ko. Halos magpantay na kaming dalawa.

Napatitig ako sa harapan namin nang ang bumungad sa amin ay isang malawak na lawn na mayroong old mansion sa gitna. Lumang luma na iyun base sa nakikita ko dito sa labas.

Warden (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon