17

75 3 0
                                    

"I'm sorry about last night." Ulit niya. Ibinaba ko ang hawak ko at nilingon siya.

Nakatayo na siya ngayon sa mismong harapan ko at nakatitig ng mariin sa mukha ko. Mukhang sincere naman siya sa sinasabi niya pero hindi ko makuhang makumbinsi sa paghingi niya ng tawad. Bakit kaya siya nag-sorry? Para kasing siya iyung tipong kahit may nagawa ng mali ay hindi basta basta lang na hihingi ng tawad sa nagawan niya ng kasalanan.

Naalarma ako ng humakbang pa siya palapit. Isang maliit na hakbang na lang at tuluyan na kaming magdidikit. "I'm sorry, okay? I was so insensitive last night." Dagdag pa niya na mas ikinagulat ko. May lambing sa boses niya. Ang sarap sa pandinig pero parang hindi ko na lamang gugustuhin pang marinig muli ang tono ng boses niyang iyun dahil sa gulong idinulot niyon sa sistema ko.

I stepped back. "Okay. You're forgiven." Yun lamang ang naging sagot ko at nilagpasan siya. Bahagya ko pa siyang hinawi para lamang makadaan ako.

Nagtuloy-tuloy ako sa kuwarto ko at hindi man lang tinangkang lumingon. Pagdating sa kuwarto ay inilock ko iyun at sumandal sa pinto.

' Anong nangyari sa'kin dun kanina?' Tanong ko sa sarili ko. Lumapit lang siya pero nagkaganito na ako? Bwiset!

Hindi! Baka may ginawa lang siyang kung ano sa akin kanina. Hindi ko alam pero baka mayroon. Ugh!

Tumakbo ako sa kama ko at nahiga. Nagtalukbong na din ako ng kumot. Bakit parang pakiramdam ko ay nag-iinit ang magkabila kong pisngi?

"Aish!" Singhal ko sa sarili ko at nagtanggal ng pagkakatalukbong dahil sa banas.

Ano bang iniisip ko? Nag-sorry lang siya at lumapit, 'yun na iyun. Naupo na lang ako sa kama ko at pinagmasdan ang langit mula sa bintana ng kuwarto kong nakahawi ang kurtina. Bilog na bilog ngayon ang buwan kaya ang liwanag ngayon sa labas.

Nagdesisyon na lang akong matulog na lamang muli. Kahit hindi na ako inaantok ay pinilit ko pa din ang sarili ko.

---

"Hey." Bati ni Cillian sa akin ng makapasok ito sa Café na pinagtatrabahuhan ko.

Mukhang ako talaga ang sadya niya rito dahil dire-diretso siyang lumapit sa akin. "May gagawin ka ba sa Friday?" Tanong nito ng tuluyang makalapit sa akin.

Binigyan ko siya ng isang tingin mula sa ginagawa bago sumagot. "May pasok ako dito."

"Mag-day off ka." Sabi nito na parang inuutusan siya. Kumunot lang ang noo niya bago nagsalita habang nakatingin sa mga papel sa harapan niya.

" 'Di pwede. Kailangan ako dito." Tanggi ko kahit na hindi naman ako kailangang kailangan dito at maari ring mag leave. Wala lang akong gana sa kung anong pakulo ni Cillian ngayon.

"Ako magsasabi kay Beau. Atsaka sayang kung hindi ka sasama." Pamimilit pa nito.

"Saan mo naman ako isasama?" Tanong ko sa kaniya. Saan naman kaya kami pupunta ngayon?

"Sa kabilang bayan." Mabilis niyang sagot. Pinagtaasan ko siya ng kilay ng tumingin ako sa kaniya. Ano namang gagawin namin doon? At mukhang nabasa niya ang nasa isip ko kaya muli siyang nagsalita.

"Fiesta dun sa Saturday pero Friday pa lamang ay pupunta na tayo. Madami kasing pwedeng puntahan doon at may mga shows din tuwing gabi bago mag-araw ng Fiesta." Paliwanag niya.

"Ilang araw tayo doon?" Sunod na tanong ko.

"Uuwi din tayo sa linggo."

"Sino ang mga kasama?"

"Ikaw, ako, si Killian, Felix, Pj, Ellias, Dmitri, Callum, kasama din iyung isa pang kapatid na babae ni Pj na si Pica, at..."

"At?"

Warden (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon