Puro dilim ang makikita sa ibaba namin dahil sa biglaang brown-out. Parang wala ngang kung ano sa ibaba kung titingnan mula dito sa taas dahil sa dilim. Nakaramdam na ako ng takot at kaba dahil baka kung mapaano kami dito sa taas.
"Hey, are you okay?" Ngayon ko na lang ulit narinig ang boses ni Zagan pero hindi iyun nakabawas sa kabang nararamdaman ko. Nilingon ko lang siya at hindi sinagot bago muling bumalik ang tingin sa ibaba.
"Makakababa din tayo. Generator ang nagpapaandar dito sa ferris wheel na ito kaya hindi ito apektado ng brown-out." Sabi niya. Naramdaman ko pa ang bahagyang pagtapik niya sa balikat ko.
Maya maya lang ay mabagal na ulit na umikot ang ferris wheel. Hindi ko alam kung magbababa na ba sila o ididiretso ang ride.
"Ididiretso pa kaya nila iyung ride?" Tanong ko sa kaniya na sinagot niya naman ng pagkibit-balikat. Kahit papaano ay nawal ang kaba.
Tinry kong lingonin ang kasunod sa aming nakasakay. Nakita ko ang pagkaway ng isa sa mga naka-upo doon pero hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa dilim. Hindi din naman ganoon kaliwanag dahil halos nagtatago ang buwan kaya hindi ko sila maaninaw.
Ilang minuto pa ang hinintay namin. Mukhang nag-uusap pa ang mga tao sa ibaba kung itutuloy itong ride na ito. Pero nang unti-unting umikot ang ferris-wheel ay mukhang nagpasya silang ituloy ang ride na ito. Ang mabagal na ikot ng ferris-wheel ay bumilis. Buong pag-ikot ng ferris-wheel ay parang ang mga bituin lang ang kikita namin ng malinaw dahil hindi pa rin nagkakaron ng kuryente. Mukhang tapos na base sa unti-unting pagbagal ng takbo ng ferris-wheel.
Nakahinga naman na ako ng maluwag ng makababa kami. Halos hindi na din namin nagalaw ni Zagan iyung chichirya kaya ibinigay ko na sa kanila na hindi naman nila tinanggihan.
Ilang minuto pagkatapos naming makababa ay bumalik naman ang kuryente na ipinagpasalamat ng lahat. Unti-unting bumalik ang ingay sa perya ng bumalik ang kuryente.
Kami naman ay nagpasyang umalis na ng perya at bumalik sa mismong bayan. Habang naglalakad sa kalsada ay marami din kaming mga taong nakakasalubong na patungo at paalis din ng perya. Lahat sila ay tuwang tuwa at mukhang magliliwaliw buong gabi bilang selebrasyon ngayong fiesta.
Nang makabalik kami sa mismong bayan ay marami pa ding mga tao sa kalsada at sa tingin ko ay kahit magmadaling araw na ay hindi muubusan ng tao ngayon dito sa labas. Bumalik kami kung saan nakatayo iyung stage. Mayroon naman ngayong ginaganap na talent competition.
Hindi namin naabutan ang simula pero mukhang iilan pa lang naman ang mga contestants na nakakapagperform. Naupo kami sa mga monoblock chairs na nandito. Habang sina Zagan Ellias at Atlas ay umalis muna para bumili ng pagkain at inumin.
Napunta naman ang buong atensyon namin lalo na ako sa mga nagpeperform sa stage. Magaling ang isang contestant na ito na ang talent ay pagkanta. Ang sumunod naman dito ay mga mananayaw na talagang magagaling din. Noong kasunod na contestants na ang sumalang ay dumating naman sina Atlas na dala ang mga pagkaing binili nila. Hinayaan din nila kaming mamili kung anong gusto namin doon sa mga binili nila. Mayroong chichirya ulit, juice, tubig, milkteas, at mayroon ring burgers. Kumuha lang ako ng tubig at burger bago bumalik sa upuan ko.
Katabi ko ngayon si Cillian at sa kabila ko ay si Zagan na katabi naman si Killian. Hindi ko alam kung nasaan ba ang atensyon ni Cillian, sa akin o sa mga mananayaw. Kasi ang dami niyang ikinukuwento sa akin habang ang titig ay nasa stage. I have never seen him this talkative. Pala-salita naman siya pero hindi kasing daldal ngayon at nitong mga nakaraan. Parang mas naging komportable siya sa akin sa madaling salita. Siguro dahil alam ko na kung ano talaga sila? O wala na lang talaga silang inililihim sa akin kaya palagay na ng tuluyan ang loob nila.
BINABASA MO ANG
Warden (COMPLETED)
VampireThey are the people who are willing to do anything to protect their people, their race. -- Happy 1k Reads! Started: July 15, 2020 Finished: Jan. 14, 2021