13

69 4 0
                                    

"Mas mabuting patayin niyo na lang din ako kung ganun. Tutal parang hindi na rin naman pala sakin ang buhay kong ito kung magpapatuloy pa ako!" Naiinis na sabi ko. I thought malinaw sa kanila ang gusto ko, ang makaalis dito at hindi ang forever ma-stuck sa bayang ito.

" Kilala mo naman siguro si Emmanuella Ellis? "

" Anong kinalaman naman nang Lola ko dito? "

" She's a member of Warden Society. An organization built for humans who promised to protect the city at all cost." Paliwanag muli ni Zagan.

" Kaya ba hindi siya naalis dito? " Tanong kong muli sa kanila. Kung yun ang dahilan ay mas lalaong umiinit ang dugo ko sa bayan na ito. Parang inagaw na din nila sa amin ang Lola ko. Ilang taon namin siyang hindi nakasama just because hindi nila magawang pakawalan ang lola ko?

" She chose to stay." Sabat nang Nanay ni Zagan. I looked at her with disbelief. Talagang pipiliin niya ding manatili dito kung papatayin lang din naman siya kung gugustuhin niyang tuluyang umalis.

" Siya ang unang nagdesisyong sumali sa organisasyon nanag malaman niya ang existence namin. She chose to protect us at her own will." Bakit? Bakit niya gagawin iyun? Hindi ba man lang natakot si Lola na baka patayin o gawan siya ng masama ng mga ito?

Naputol ang pag-iisip ko nang muling magsalita ang lalaki. " Unlike you, tanggap niya kung ano kami. We can be wild and dangerous sometimes because of our instincts pero naiintindihan niya iyun." Hindi na ako nagreact pa nang sabihin niya iyun. Alam ko ang ugali ni Lola, siya na ata ang pinakamabuti at maunawaing taong nakilala ko sa buong buhay ko at nakakalungkot na wala na siya.

"So, can you do the same?" Biglang tanong nang babaeng hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang pangalan. " Can you protect this city and our kind just like what your grandmother did?" Dugtong pa niya.

If that's the only way. Marahan akong tumango sa kanila.

" Okay. Zagan, my son, will escort you the organization's building." Sabi nito bago tumayo. " By the way, I'm Adaillah Vladmir, the head of this city. " Pagkatapos na pagkatapos niyang magpakilala ay bigla na lang siyang nawala.

Tumayo na din ang lalaki at sumunod naman ako sa kaniya. Naglakad siya palabas nang bahay. Paglabas namin ay ang malawak na lawn ang sumalubong sa amin. Habang naglalakad kami dito ay naalala kong nakita ko na ito. Nilingon ko ang mansion na pinanggalingan namin at tama nga ang memorya ko. Ito iyung mansion na nakatayo sa gitna nang gubat.

Paglagpas namin ng malawak na lawn na iyun ay naglakad naman kami sa konkretong daan kung saan kasya na ang mga sasakyan. Malayo na ang agwat niya sakin dahil sa bilis niyang maglakad. Matapos ang ilang segundo lang na paglalakad ay lumiko siya sa isang space na kung saan nakaparada ang kanilang mga sasakyan. Nakita kong pumasok siya sa isang kulay na itim na sasakyan. Even the car is familiar to me.

Sumunod naman ako at nagmamadaling pumasok sa may passenger seat. Hindi pa ako nakakapag-seatbelt ay pinasibad na niya ang sasakyan.

" Saan pala tayo pupunta, Zagan?" Tila natural lang na tanong ko sa kaniya.

Napansin kong napasulyap siya sa akin nang matagal bago muling itinuon ang atensyon sa daan. Ngayon ko lang din na realize ang dahilan kung bakit siya napatingin sakin. Tinawag ko siya sa una niyang pangalan!

Siguro ay hindi siya komportableng tawagan sa una niyang pangalan ng hindi kakilala. Tumikhim muna siya bago sumagot.

" Sa HQ nang Warden Society." Sagot niya. Tumahimik na lang ako at hindi na muling nagsalita.

Habang nasa biyahe ay pumasok sakin ang mga nangyari kagabi. Nakapagtatakang hindi ako nakakaramdam nang takot ngayong kasama ko siya sa iisang sasakyan lamang. Parang ayos lang na kasama ko siya, eh kagabi ay grabe ang takot na nararamdaman ko nang makitang lumabas ang mga pangil niya.

Warden (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon