02

159 8 0
                                    

Maling bahay yata ang pinasok ko.

Ang kahapong puno lang ng alabok na sala ay puro balat na ngayon ng mga chichirya, lata at bote ng mga beer.

Mayroon pa akong nakitang t-shirts na nakasampay sa ma-alikabok na sofa.

Nakarinig ako ng ingay na nagmumula sa kusina. Mukhang andito pa ang mga taong ginawang inuman ang bahay ni Lola.

Pinulot ko ang lata ng beer na malapit sa aking paahan bago naglakad patungo sa kusina.

Hindi pa ako nakakaabot ng kusina ng may magsalita mula sa likuran.

" Who are you?"

Napalingon ako sa nagsalita. Isang matangkad na lalaki ang nakita ko and he is somewhat familiar. Maganda ang pangangatawan niya base na rin sa hubad niyang katawang nakalantad sa harapan ko at gwapo siya ah. Naka-jeans lang siya kaya nakalantad sa harap ko ang maganda niyang katawan. Inalis ko ang tingin ko dun at binalik sa mukha niya, clean cut hair, brown eyes, pointed nose, cherry lips and stubbles na mas nakadagdag sa dating niya.

" I have never seen you before. Hindi ko alam na nagpapapasok na pala sila ng kung sino sino sa bayang ito." Dagdag nito sa seryosong tono.

" Ikaw, sino ka?" Imbes na sagutin siya ay mas pinili kong tanungin siya.

" I asked you first so answer me. Who are you and what do you need? Why are you here? "

" Apo ako ng may-ari ng bahay na ito. I'm here to renovate the place."

He tilted his head na para bang may iniisip. Bago pa man siya magsalita muli ay mayroon ng nauna sa kaniya na wari ko ay ang tao sa kusina kanina.

" Bro, have you seen Z? Iniwan niya na ata tayo---uhh, who is she? . " Unti unting humina ang boses ng bagong dating ng makitang hindi nag iisa ang kaniyang kausap.

And I was amazed. Parang carbon copy ng lalaking kausap ko kanina ang ngayo'y bagong dating na lalaki. At asan ba ang shirtd nila at pareho pa silang hubad?

" She's Lola Emma's granddaughter. "
Maikling sagot nung isa sa huli na sigurado akong kakambal niya. Parehas ng hulma eh.

" Kilala niyo ang Lola ko?" Tanong ko sa kanila.

" Huh? Alam na ba ni Auntie na may bagong salta dito sa bayan? Alam naman nating sensitive yun pag dating sa mga nakakapasok dito di'ba? " Muling tanong ng lalaking galing sa kusina sa kakambal nito. Pareho pa silang naupo, yung isa dun sa sofa at yung isa ay dun sa isang mababang cabinet na nasa gilid.

Ni hindi man lang nila sinagot o pinansin man lang ang tanong ko. Talagang in-ignore lang nila ako.

Imbes na pakinggan pa ang pag uusap nila ay nag simula na lang akong pulutin ang mga basurang siguradong sigurado akong sila ang may gawa.

'Nakakahiya kasi sa kanila eh. ' Nanunuyang bulong ko sa sarili ko.

Ilang minuto pa silang nag usap bago tumayo yung isang naunang nagtanong sakin kung sino ako. Nakita ko pa ang pagtango nung galing sa kusina sa kakambal niya na tila sumang-ayon siya sa kung ano mang sinabi o inutos nung isa.

Habang pinagmamasdan silang dalawa, na-realize kong ang hirap nilang i-differentiate. Pareho silang matangkad, magkasing laki din sila ng  built ng katawan at magkamukhang magkamukha sila ang napansin ko lang ay may maliit na pilat sa noo itong una kong nakita kanina at mas matingkad din ang kulay brown niyang mga mata habang itong isa na galing kusina ay walang pilat at mas dark ang kulay ng mga mata niya. Pagdating sa aura o dating nila mukhang mas istrikto itong nauna kaysa dun sa isa na kahit papaano ay  ngumingiti sa akin though kita pa rin sa kaniya ang disiplina at restraint sa bawat kilos niya.

Warden (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon