"Kung alam niyo lahat ng nangyayari dito sa Wardein, bakit hindi niyo nagawang saklolohan sina Ingrid noong gabing inatake sila ng ka-uri niyo?" Kuwestyon ko sa kaniya. Kung alam nila ang lahat dapat naka-aksyon sila ng maaga at nailigtas sina Ingrid. Pero hindi, wala silang nagawa. Ako pa ang nakasaksi ng lahat at nagawa ko pang pumatay para protektahan ang sarili ko.
" That got out of hand. He was one of our trusted boys here at trabaho niyang magguide ng mga turistang dumarating dito. Pero mukhang may nagtrigger sa kaniya na gawin iyun. A single drop of blood, the smell of it can make us go wild. At kapag naamoy namin iyun ay maaaring mawala kami sa aming sarili. That happens to be the case for him. And it must have been hard for him to control his self because he was just turned into a vampire a month ago." Paliwanag niya.
" So, bakit hindi agad kayo nakaresponde? Yun ang gusto kong malaman. Kung alam niyo pala ang lahat ng nagaganap dito sa Wardein. "Muling tanong ko.
" That's the problem, we only know what's happening inside this city. " He said emphasizing the word inside. "There's no CCTV cameras inside the forest. Kaya nahihirapan kaming i-locate ang bawat tao at bampirang pumapasok doon. Nagkataon pang hindi pa romoronda ang bawat officials na nakaduty ng gabing iyun. Pagdating namin sa scene na iyun, wala na kaming ibang nakita kundi ang mga bangkay nila." Sagot niya. "And you know what's fascinating? The dagger that you used to kill him was owned by Atlas, the next head of this city. Muntik na siyang mapagbintangang pumatay sa kapwa bampira niya. But I followed the bloody footsteps and it led me to your house. We immediately checked the CCTVs in your house and confirmed that you're the one who's in the crime scene. " Dagdag niya pa.
It's a bit traumatizing for me to witness an incident like that. Pero ngayon ay mas natatanggap ko ng hindi nag-iisa ang mga tao sa mundong ito. May ibang mga uri pa ng mga nilalang ang naninirahan dito. Ang nakakatakot lang ay ang kaisipang maaari nilang patayin ang mga taong tulad ko para punan ang kauhawan nila sa dugo.
Nang kumalma na ako ay may pumasok na tanong sa akin na hindi na ako naghesitate na itanong. "Pero paano ang privacy naming mga nakatira dito?"
"Don't worry, you still have your privacy." Sagot niya. "We are not installing cameras on bathrooms and in some cases, hindi na din kami naglalagay ng surveillance cameras sa mga hindi naman kahina-hinalang mga tao. " Dugtong pa niya.
Pero kahit na, I feel like they're still invading my privacy. Alam nila ang lahat ng naging kilos ko nitong mga nakaraang araw. Bigla akong namula nang maalala ang nangyari noong gabi matapos kong makapatay ng isang bampira. Naaalala kong naghubad ako nang gabing iyun sa kwarto ko at hubo't hubad na naglakad sa kwarto at ganun pa ako natulog.
Nagmamadali akong lumapit sa mga monitor at hinanap ang monitor kung saan nakadisplay ang recording ng CCTV sa bahay. Nang hindi ko mahanap kung nasaan ang sa bahay ay tumigil na ako at humarap kay Zagan. Namumula pa rin ako at lalo akong nahihiya kapag naiisip na may nakakita sa buong katawan ko sa kwartong ito.
"May camera din ba sa kwarto ko?" Nahihiyang tanong ko sa kaniya.
"Cillian removed it a week ago to give you more privacy. Mukha naman daw wala kang dadalhing gulo dito sa bayan but look at what happened the other night. Why?" Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang sagot niya. At least ngayon alam ko nang walang nakakita ng hubad kong katawan. Lagi ko na ding aalalahaning may nakapalibot sa aking cameras para hindi ako makagawa ng kahit anong nakakahiyang bagay.
"Wala. Akala ko mayroon ding cameras sa kwarto ko. I slept naked the other night." Paliwanag ko sa kaniya. I was flustered by my answer. Parang dumulas na lang iyun sa dila ko at pinagsisisihan kong binanggit ko pa iyun sa kaniya.
Tiningnan ko ang expression ng mukha niya. Wala pa rin namang pagbabago.
" I visited you that night." Sabi niya na ikinagulat ko. "It used to be my room."
![](https://img.wattpad.com/cover/233677297-288-k896730.jpg)
BINABASA MO ANG
Warden (COMPLETED)
VampireThey are the people who are willing to do anything to protect their people, their race. -- Happy 1k Reads! Started: July 15, 2020 Finished: Jan. 14, 2021