My heart is throbbing while looking at them. Mukhang mga taong nagpaparty at nagkakatuwaan lang sila pero may masama akong pakiramdam dito.Hindi ko alam kung ano at bakit. Pero habang tinitingnan ang mga taong nakikita kong nagkakasayahan ngayong gabi mula dito sa bintana ng bahay ay wala sa kanila ang taga-dito mismo sa bayan ng Wardein.
Inalis ko ang masasamang bagay na pumapasok ngayon sa isip ko at pinilit ko ding pakalmahin ang sarili ko. Tumalikod na ako mula sa bintana at umakyat na lang sa itaas.
I didn't even bother to turn off the lights. Gayundin ang ginawa ko sa kwarto. Matapos kong makapaglinis ng katawan at makapagbihis ay nahiga na din ako. Natulog ako nang gabing iyun na buhay ang ilaw dahil sa takot sa dilim at sa kung anu-anong scenario ang pwedeng ipasok noon sa utak ko.
Alas-sais ng umaga pa lamang ay nasa café na ako. Nagulat pa ako na ang unang customer namin sa araw na ito ay si Luca, the guy from last night. Nakangiti siyang lumapit sa counter at umorder.
Hindi ko alam kung kilala niya ako sa mukha o alam lang niya ang pangalan ko at naikwento siguro ako ni Inna sa kaniya kaya kilala niya kung sino ang kapit-bahay nito pero mukhang hindi naman at mukhang hindi niya din ako naaalala mula kagabi.
Nakaupo ako sa sulok habang nakaharap sa aking laptop at gumagawa ng monthly report. Wala si Sir Beau, kaaalis lang kanina noong dumating ako dito sa café, at iilan pa lang din ang staff dito pero hindi naman siguro kami kukulangin sa tao kapag dumagsa ang mga customer.
Nag-angat ako ng tingin mula sa laptop ko patungo sa lalaking prenteng umupo sa harapan ko. Tumitingin-tingin ito sa paligid at nang lumapat ang mga mata niya sa akin ay binigyan niya lang ako ng isang malawak na ngiti.
"You're Ava, right? Inna's neighbor."
"How did you know?" Kunot noong tanong ko sa kaniya. Ininguso niya lang ang kung ano sa may dibdib. That's when I realized that I have my name tag. Gusto kong lumipat ng pwesto pero mukhang sinadya niyang lumapit at umupo dito para maka-usap ako? Atsaka baka masamain niya kapag bigla na lang akong lumipat kahit na magpaalam o magsabi ako ng maayos.
"Balita ko bagong lipat ka lang daw dito?" Usisa niya at muling iginala ang tingin sa loob ng café gayundin sa labas na kita mula sa salamin na pader. Kung ako ang tatanungin, hindi mukhang inuusisa niya lang ang paligid, mukhang kinikilatis at tila may hinahanap siya sa bawat sulok ng lugar.
" May problema ba, Sir?" Natigil muli ito sa pagkilatis ng paligid at nilingon ako bago muling ngitian.
"Wala naman. Gaano ka na nga pala katagal dito?"
"Ilang buwan na din."
"Is there anything weird that you noticed ever since you moved here?"
Bumalik ang kunot sa noo ko nang marinig ang naging tanong niya. Nag-iimbestiga ba siya? He suddenly reminded me of the first time I talked to Inna. Magka-iba nga lang sila ng approach, si Inna ay parang curious lang kaya nagtatanong at si Luca naman ay mukhang naghuhukay ng mga impormasyon.
"Mayroon." Mukhang nakuha ko ang atensyon niya dahil sa sagot ko. "I can't understand why some visitors here are being so nosy."
Natigilan siya sa sumunod kong sinabi at tumikhim. Hindi ko alam kung anong pakay niya at itinatanong niya sa akin ang mga ganitong bagay pero iyun talaga ang nakikita kong weird ngayon. Why is he so curious about this city?
I didn't mean to be rude, customer pa rin siya at empleyado ako dito pero sana ay hindi siya gaanong maoffend sa sinabi ko. Pero sino bang hindi magdadamdam lalo na at parang ang seryoso pa ng pagkakasabi ko. Tahimik na lang akong nagpasalamat ng maya-maya ay bahagya siyang tumawa.
BINABASA MO ANG
Warden (COMPLETED)
VampireThey are the people who are willing to do anything to protect their people, their race. -- Happy 1k Reads! Started: July 15, 2020 Finished: Jan. 14, 2021