Halos isang oras pa ang nilakad namin. Nang makalapit kami sa mismomg lagoon ay talagang nakakamangha nga at ang ganda nito. Ang linaw din ng tubig.
Ang lagoon ay located sa mas malalim na parte ng kagubatan dito sa Wardein. Para siyang natural pool. Ang sabi ni Killian kanina na galing daw sa isang falls ang tubig dito sa lagoon na dumadaloy mula sa maliit na ilog hanggang dito sa lagoon. Para itong malaking hukay na pabilog dito sa gitna ng gubat na napunan ng tubig dahil sa maliit na ilog na bumabagsak dito sa lagoon ang tubig. Paglagpas sa lagoon ay dire-diretsong dadaloy ang tubig sa ilog papunta sa mas malaki pang ilog na napakalayo na daw mula dito.
Habang papalapit kami sa lagoon ay may nakita akong nakatayong maliit na tila bahay sa isang gilid. Mukhang may palikuran na din dito. Kaya wala na kaming poproblemahin sa pagbibihis at pagbabanlaw.
Nang mas makalapit na kami ay may nakita pa akong maliit na cottage na mas malapit sa lagoon. Doon namin ibinaba ang mga gamit namin. May dala na din silang pagkain na sa tingin ko ay galing pa sa bahay ng mga magulang nila Killian.
" Finally!" Gab exclaimed. " It usually just takes us less than five minutes to be here but now, ugh!" sinundan niya pa ng pag-ingit na tila naaasar.
The twins just gave her an indifference look. Nag-iwas siya ng tingin dun sa dalawa at sakin itinuon ang tingin. Tila may pinahihiwatig ang mga tingin niya pero sigurado akong hindi iyun maganda base na rin sa sama ng tingin niya.
Umalis na lang ako sa loob ng cottage at lumapit sa lagoon. Ang linis at linaw talaga ng tubig. May kalaliman nga lang siya sa may gitnang bahagi.
Namangha ako ng makitang tumalon ang isa sa kambal sa lagoon mula sa malaking sanga ng isang puno na naka-usli at nakatapat dito sa may lagoon. Hanggang dito sa pwesto ko ang talsik nang tubig dahil sa impact. Hindi ko man lang napansin ang pag-akyat nila sa punong iyun.
Nakita kong sumunod naman si Cillian sa pagtalon habang sumisigaw. Natawa ako sa kaniya.
Napatingin naman ako kay Killian na umaahon na ngayon.
" Hindi ka maglalangoy?" Tanong niya sakin ng makitang nakatingin ako sa kaniya.
" Mamaya na. Tinatamad pa ko." Napangiti siya sa sinagot ko at ako naman ay natawa. At napapagod pa din dahil sa haba ng nilakad namin.
" Ikaw bahala." Dumiretso na siya. Umakyat na ulit siya dun sa punong tinatalonan nila ni Cillian. Ako naman ay pinapanood na lang sila.
Bumalik ako saglit sa cottage kung nasan ang mga gamit namin. Hindi ko nadatnan si Gab at hindi ko na din alam kung saan siya nagpunta. Wala din siya dun sa may lagoon.
Nilingon ko ang daang pinanggalingan namin kanina. Walang ibang tao kahit nung tumingin ako sa may palikuran dito ay parang wala din namang tao. Nakuha ng atensyon ko ang isang pigurang tumatakbo sa may gubat. Tumatakbo ba talaga? Kasi parang masyado siyang mabilis. Biglang tumigil ang taong iyun at naglakad papunta sa direksyong ito. Pero paano niya nagawang tumakbo ng sobrang bilis? Pinanindigan ako ng balahibo ng bahagyang maaninaw ang mga mata niya. May kakaiba sa mga ito pero hindi ko masabi kung ano. Hindi ko din siya makilala dahil masyadong malayo siya sakin. Pero sigurado akong babae siya dahil sa mahabang buhok niyang nakalugay.
" Hey." Napapitlag ako dahil sa biglang nagsalita. Pero bumalik ang pangungunot ng noo ko ng makakita ng isang estrangherong lalaki. " You're Ava, right?" Tumango na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko siya kilala at ito din ang unang beses kong makita siya.
" Babe!" Tawag namn ng isa pang boses at sigurado akong itong lalaking ito ang tinutukoy nung babae. A petite woman showed up. Mukhang magkasama silang dalawa.

BINABASA MO ANG
Warden (COMPLETED)
VampireThey are the people who are willing to do anything to protect their people, their race. -- Happy 1k Reads! Started: July 15, 2020 Finished: Jan. 14, 2021