Inintay ko munang tumigil ang bus na sinasakyan ko bago tuluyang bumaba dito. Pagbaba ko ay tinulungan din naman ako ng konduktor na maibaba ang luggage ko.
Ang sabi sa akin, lakadin ko lang daw itong sementadong kalsada at ilang minuto lang ay makakarating ako sa sakayan ng tricycle.
Habang naglalakad ay nakakita ako ng arkong gawa sa metal ang kaibahan lang ay hindi katulad sa iba, hindi pa man lang kinakalawang ang arkong ito at nagrereflect din dito ang liwanag na nagmumula sa sikat ng araw. Mukhang tama nga ang napuntahan ko.
Puro kakahuyan ang nasa gilid ng kalsada kaya di gaanong mainit kahit tirik na ang araw dahil sa mga lilim ng mga puno.
Ilang sandali nga lang ay nakarating ako sa paradahan ng tricycle. Agad napatingin sa akin ang ilang mga tricycle drivers at iilang mga taong nandun. Mukhang napansin nilang bago lang ako rito base sa tinging ibinibigay nila. Yung iba ay tila nagtataka. Hindi ko alam kung dahil ba kinikilala nila ako o may iba pang dahilan.
Lumapit ako sa unang tricycle sa pila at kinausap ang driver.
"Kuya, alam niyo po ba kung san ang bahay rito ni Emmanuella Ellis?"
Tanong ko kay Manong.Pinagmasdan niya muna akong maigi bago marahang tumango.
" Di'ba matagal ng walang nakatira dun?" Rinig kong bulong ng isang matandang babae sa kasama nito habang matamang nakatingin sakin at pinagmamasdan akong mabuti tila ba kinikilala.
" Pwede niyo po ba akong ihatid dun?" Muling tanong ko.
" Sige. Sakay na."
Sumakay ako ng tricycle ni kuya. Siguro naman ay malapit lang yun dito dahil mukhang maliit na bayan lamang ito.
Ang sandaling biyahe ay inabot ng ilang minuto at ang akala kong maliit na bayan ay hindi pala. Dahil marami kaming na daanang establishments at mga gusali. Hindi kasing tataas ng sa ibang bayan pero magaganda ang mga desinyo. Iniimagine ko na ang bayan na pupuntahan ko ay parang sa mga probinsya pero hindi. May mga cafes, restaurants, flowershops at kung ano ano pang mga establishments ang nakatayo rito na hindi mo na kakailanganing pumunta pa sa ibang bayan. Wow. Ang pinagka-iba lang sa ibang bayan ay mas tahimik at kakaunti ang mga sasakyan sa kalsada na sa tingin ko ay dahilan ng sariwang hangin. Hitik din sa mga puno. Hindi kasi nawawalan sa bawat bakanteng lupang nakikita ko dito.
Naputol ang pagtingin ko sa mga gusali ng tumigil kami sa tapat ng isang two-storey house. Sa harap nito ay may bakuran. Medyo kupas na ngalang ang pintura ng bahay at medyo nilulumot na rin ang ibabang bahagi ng pader nito. Ang lungkot din ng aura ng kabahayan that gives off the idea that the house is abandoned.
Grabe! Mukhang matagal-tagal na linisan ang magaganap.
Inilibot ko ang tingin ko sa kabuoan ng sala na siyang sumalubong sa akin pagpasok pa lang ng pintuan. Wala pa namang nababakbak na kisame o ano pa man. Sadyang makalat lang ang loob at maraming alabok at sapot ng mga gagamba.Wala ding telang nakatakip sa bawat furnitures kaya kitang kita ang mga alabok at sapot ng mga gagamba sa mga ito.
Napabuntong hininga ako. Iniwan ko muna ang bagahe ko sa sala upang tingnan ang ibang parte pa ng bahay.
Inuna ko ng tingnan ang 2nd floor. Nakasarado ang mga pinto ng bawat silid. May tatlong kwarto kasama na ang master's bedroom at isang CR. May sariling CR yung Master's bedroom pero yung dalawa pa ay wala kaya siguro nilagyan ng isa pa dito sa taas. Mas maayos naman dito sa taas kaysa sa ibaba.
Kasunod kong tiningnan ay ang ibaba.
Wala ng kwarto dito sa 1st floor tanging sala, isang CR, kusina at dining area.Maayos ayos naman ang lagay ng bahay kaysa sa ini-expect kong lagay nito. Sadyang wala lang talagang nag aalaga ng bahay na 'to kaya ganito ang sitwasyon nito. Mukhang matagal na ding naputulan ng kuryente dito pero diretso pa naman ang tulo ng tubig.
BINABASA MO ANG
Warden (COMPLETED)
VampireThey are the people who are willing to do anything to protect their people, their race. -- Happy 1k Reads! Started: July 15, 2020 Finished: Jan. 14, 2021