Nang araw na iyun ay umuwi din iyung tatlo pagkatapos nilang magsawa sa panonood ng TV. Hindi na din nga ako nagulat na narinig ni Zagan ang sinabi ko kay Killian na uupakan ko na talaga siya dahil sa mga ginagawa niya sa akin.
I'm still not quite sure kung anong mangyayari sa akin sa mga susunod na araw dahil sa mga nalaman ko at sa pinasukan ko. But I'm happy that the twins are always with me along the way.
Napagdesisyonan ko na ding bumalik bukas sa trabaho at mas lalo na din akong mag-iingat. Tulad nga ng nabanggit ni Zagan kaninang umaga ay sensitive ang mga tulad nila ss amoy ng dugo o sa dugo mismo kaya mas pipilitin kong dagdagan ang pag-iingat para hindi ako masugatan o kung mapaano para hindi sila matrigger sila.
A few days later, parang bumalik na sa dati ang araw araw na gawi ko. Yun nga lang mas naging cautious ako sa paligid at mga aksyon ko. Minsan din kapag nagkakaraan kami ng pagkakataong magsama-sama nina Killian ay kinukuwentohan nila ako ng mga bagay bagay na dapat kong tandaan o di kaya ay maaari kong malaman tungkol sa uri nila. Ikinakutuwa ko naman kasi nagkakaroon ako ng knowledge tungkol sa kanila at mas natanggap ko ng totoo talaga sila. Minsan pa nga ay pinipilit kong ipakita nila sa akin ang mga pangil nila dahil hindi pa rin ako makapaniwala.
Napapadalas na din si Zagan dito. Halos tuwing pumupunta sina Cillian dito ay kasama siya o sumusunod siya pero hindi pa naman siya pumupunta ng mag-isa dito. Hindi na din kami nagkaka-usap nang kami lang dalawa na ipinagpapasalamat ko dahil hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagsasabi niya kay Killian na crush ko ito. Nakakaramdam pa rin ako ng hiya kay Killian lalo na noong mga araw matapos ipaalam niya kay Killian na nagka-crush ako rito.
Alas-sais ng hapon habang nagtatrabaho ako sa café nang dumating si Sir Beau sa café. Hindi naman siya mukhang nagmamadali pero parang ang bilis bilis niyang kumilos kaysa noong mga nakaraang araw. Kakatok na sana ako sa opisina niya para sana magpaalam na uuwi na. Hangga't maaari kasi ay hindi na ako nagpapagabi ng uwi. Ayoko ng makaranas ng tulad noong nakaraan. Hindi na din ako naglalalabas tuwing gabi, tuwing kailangang kailangan lang talaga.
Biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir at nakita ko siyang nag-aayos pa ng neck tie habang papalabas na sana ng opisina nito. Napatingin siya sa akin nang mapansing may tao sa harapan ng pinto niya.
"Sir, gusto ko lang po sanang magpaalam. Uuwi na po ako." Magalang na sabi ko. Nang hindi siya sumagot ay tumalikod na ako sa kaniya.
"Wait, Miss Ellis." Tawag niya sa apelyido ko ng tumalikod na ako. "My mom wants to talk to you." Aniya.
"Huh? Sino po?" Tanong ko sa kaniya dahil never ko pa namang nakita ang nanay niya. May hinala ako kung sino ang ina niya pero hindi ko pa sigurado.
"Adaillah Vladmir. She wants to talk to you, kung pwede?" Nakompirma kong ito nga ang nanay niya at kung ganon ay kapatid niya din si Zagan.
"Uhm, Sige po." I wasn't thinking when I answered. Natakot din kasi akong baka magalit sa akin ang nanay nila kapag hindi ako nakipag-usap rito, mukhang madali pa namn itong uminit ang ulo, kaya pumayag na din ako kahit hindi ko alam kung saan o papaano kami mag-uusap.
Pagkatapos noon ay sinabi niyang hintayin ko lang daw siya bago bumalik sa opisina. Lumubog na ang araw ng lumabas si Sir Beau sa opisina niya. Hindi din naman katagalan ang pinag-hintay ko dahil talagang palubog na din ang araw ng magsabi akong uuwi na.
Nagdedebate pa ang isip ko kung dapat ba akong sumunod kay Sir Beau noong nilagpasan niya ako. Pero nang lingonin niya ako ay nagmamadali akong lumapit sa kaniya at sumunod.
Tumigil kami sa harap ng isang puting sasakyan na nakapark sa parking space sa gilid nitong café. Nagulat pa ako ng pagbuksan niya ako ng pinto bago siya mismo pumasok sa kotse niya.
BINABASA MO ANG
Warden (COMPLETED)
VampireThey are the people who are willing to do anything to protect their people, their race. -- Happy 1k Reads! Started: July 15, 2020 Finished: Jan. 14, 2021