11

66 4 0
                                    

" Tulungan mo ko, Ate Ava." Umiiyak na sumamo niya.

Mas na kumpirma ko nang siya si Ingrid. Yung babaeng nagpakilala sakin kaninang umaga. Puno ng luha ang mga mata niya at dumudugo din ang braso niya.

Hindi na siya nakalapit sa akin dahil sa panghihina.

" T-tulungan mo po a-ako." Muling paki-usap niya.

" Nasaan na ang mga kaibigan mo?" Tanong ko habang lumalapit sa kaniya.

Nang tuluyan akong makalapit sa kaniya ay hindi ko mapigilang mapalunok sa kalunos-lunos na lagay niya. May sugat siya sa braso pati na rin sa binti na ngayon ko lang napansin. Dumudugo din ang kaliwang parte ng leeg niya.

Umiling-iling siya. " W-wala na s-sila." Pagkatapos niyang banggitin iyun ay isang sigaw na naman ang narinig ko mula sa loob ng gubat. Boses ng isang lalaki. Hanggang sa mawala na lang ang sigaw na iyun, tila nilamon na din sa kadiliman.

Tinulungan ko siyang itayo pero nahihirapan siya dahil sa sugat niya.

" Umalis k-ka na. I-iwan mo na lang ako." Biglang sabi niya at itinulak ako.

" Ano b-bang sinasabi mo? Halika na." Paki-usap ko lumapit ako sa kaniya. Pero natigil ako sa kasunod na sinabi niya.

" T-tumakas ka na, Ate. Hindi n-natin siya k-kaya. I-isang halimaw a-ang p-pumatay sa mga k-kaibigan ko." Umiiyak pa rin siya. Humigpit ang hawak ko sa dagger na nasa kanang kamay ko.

Lumapit ako sa kaniya. " Hindi kita iiwan dito. Kung ha-halimaw ang pumatay sa kanila. M-mas lalong hindi kita iiwan dito. " Nababalutan man ng takot ang aking pagkatao ay pinilit ko pa ring magpanggap na matapang.

Hinawakan ko siyang muli. Nang aalalayan ko na siyang muli ay may isang pwersang humikit sa kabilang kamay niya na nakapagpabitaw sakin mula sa pagkakahawak ko sa kaniya.

Nakita ko ang isang lalaking halos kasing edad lang din nina Ingrid. Puno na ng dugo ang mga damit nito gayundin ang mukha. Nagtataas baba ang dibdib nito na animo'y hinahabol ang hininga.

" Isa pang hapunan." Mas lalo akong nanginig sa takot sa narinig ko.

" Tumakbo k-ka na." Mahinang usal ni Ingrid habang umiiyak pa rin.

Pero hindi ako makagalaw mula sa aking kinatatayuan, para akong nabato rito. Nakita ko ang bagay na lumabas sa bibig niya. Nang maaninaw ko ang mga iyun ay bumalik sa alaala ko ang gabing akala ko ay mamamatay na ako. Pangil ang nakita ko sa babaeng iyun, at mukhang hindi talaga siya magnanakaw kaya siya pumasok sa bahay, balak niya akong patayin. Mas lalo akong kinain ng takot habang nakikita ang mahabang pangil ng lalaki na ngayon ay nasa aking harapan.

Napatakip ako sa aking bibig at napa-upo ng makitang pilipitin niya ang leeg ni Ingrid na tila wala lang iyun. At ang kasunod niyang ginawa ay ibinaon niya ang matatalas niyang pangil sa leeg nito.

Nagmamadali akong tumayong muli at hindi na pinulot pa ang bag ko na nalaglag na pala at tumakbo na lang. Hinigpitan ko pa ang kapit sa patalim na nasa aking kamay. Ngayon ko lang din napansin na tuloy tuloy na pala ang pagdaloy ng masaganang luha mula sa mga mata ko.

Bigla akong natigil nang makaramdam ng marahas na hangin mula sa gilid ko. Pero huli na. Sobrang lapit na nang lalaki sa akin. Bahagya niya pang pinunasan ang dugong tumutulo sa gilid ng labi niya.

Iwinasiwas ko ang patalim na hawak ko patungo sa kaniya umaasang masusugatan ito o matatakot man lang pero sino ba ang niloko ko?

Nahawakan niya ang kamay ko. Pinilipit niya iyun. "Ah!" Ingit ko sa sakit. Pero kahit na sobrang sakit na ng pulsuhan ko ay hindi ko binitawan ang dagger.

Warden (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon