"Ava, ayos ka lang?" Rinig kong tanong ng isang boses sa gilid ko pero hindi ko magawang lingunin siya.I'm blankly staring ahead. Parang nawalan ako ng buhay. Tila isa akong bata na inagawan ng laruan at ngayon ay lumuluha, ang kaso nga lang dugo at lakas ko ang inagaw sa akin ng walang-hiyang lalaking iyun! Sa ikalawang pagkakataon ay ginawa na naman niya iyun.
Wala akong lakas para gumalaw o kumilos kahit pa ang magsalita ay tila hindi ko kaya. Alam kong naghihintay si Daisy sa tabi ko para sagutin siya pero hindi ko iyun magawa. Ni hindi ko man lang makuhang ibaling ang ulo ko patungo sa direksyon. Parang biglang naging blangko sa akin lahat, wala na din akong maramdaman kundi pagod. Hindi ko na ramdam ang sakit na idinulot ng mahahabang pangil ng walang-hiyang lalaking iyun sa leeg ko.
"Uy." Hindi ko din napansing nakalapit na pala siya sa may pwesto ko. Bahagya niya pang inalog ang balikat ko para kunin ang atensyon niya.
That's when I decided to look at her. "Ayos ka lang ba talaga?" Muling tanong niya at bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha niya.
Tumango na lamang ako sa kaniya.
"Wait, nakakain ka na ba?" Tanong muli nito. "Atsaka anong nangyari sa inyo ni Sir Zagan dito?"
Hindi ko na siya sinagot ng marinig ang pangalan ng lalaking iyun at lalo na sa kadahilanang ayoko ng maalala pa ang nangyari sa kanina. I feel like I've been traumatized. I felt violated. I suddenly felt like I'm going to cry.
" Hey. Hey. Why? Anong problema?" Mukhang nataranta si Daisy nang makita niyang bumalong ang mga luha sa mga mata ko at malapit na iyung tumulo ng sabay-sabay.
"Baka walang naiwan sa counter. Balik ka na 'don. Bilis na. Iwan mo na muna ako dito."
"Andun si Geoff kaya okay lang. Makakaya ba kitang iwan ng ganyan?"
"Please, iwan mo na muna ako. Gusto ko lang munang magpahinga tapos lalabas na din ako atsaka bibili ng pagkain at babalik na din ako sa trabaho. Sige na, balik ka na 'don. Kaya ko na. Salamat."
"Sigurado ka?" Tumango na lamang ako atsaka marahan siyang tinulak para mapilitan na siyang umalis. I appreciate her kindness at sa totoo lang ay gusto kong ilabas ang lahat ng laman ng puso at isip ko ngayon pero ayaw ko namang makaapekto ito sa pagtatrabaho nila. Makakaabala pa ako. Atsaka baka andami na ulit customers ang café kaya mas lalong kakailanganin sila sa labas.
Pinunasan ko ang mga mata ko gamit ang likod ng mga palad ko. Kung may makakakita lang sa akin ay paniguradong tutuksuhin nila akong parang bata kung umiyak. Pero aalalahanin ko pa ba iyun, eh ang bigat bigat na nga ng dinadala ko ngayon.
Pinilit ko muna ang sarili kong hindi umiyak atsaka ko ipinatong ang mukha ko sa mesa na kalapit nitong bangkong inuupuan ko ngayon. Nakapatong ang kaliwang psingi ko sa mesa habang naka laylay lamang ang mga braso't kamay ko sa gilid ng katawan.
Muling bumalik sa pagiging blangko ang isip ko gayundin ang ang mga tingin. Walang kahit anong pumapasok sa aking isip, ni wala nga akong inaalala which is I am thankful because I temporarily forgot what happened earlier.
For the next twenty-five minutes, I think, iyun lang ang ginawa ko, ang tumitig sa kawalan. Hanggang sa hilahin na ako ng tuluyan ng antok sa kadiliman.
---
"Wake up, Ms. Ellis."
"Hmm."
"Ms. Ellis."
"Hmm?"
"Wake up."
"Huh?"
"I said wake up. "
BINABASA MO ANG
Warden (COMPLETED)
VampireThey are the people who are willing to do anything to protect their people, their race. -- Happy 1k Reads! Started: July 15, 2020 Finished: Jan. 14, 2021