Napapitlag ako ng maramdamang may humawak sa balikat ko. Nilingon ko iyun at nakita si Zagan. Nakapagpalit na siya ng damit at pinupunasan na niya ngayon ang basa niyang buhok. Hindi ko alam na natagalan na pala ako sa panonood sa dalawang nagtatalo sa kabilang bakuran."Bakit hindi ka pa nagbibihis?"
"Uh, w-wala. Aalis ka na ba?"
"Hindi pa. Hintayin ko na munang tumila ang ulan."
"Okay. Kung ganun, hintayin mo na lang ako dito, magpapalit lang ako ng damit."
Hindi ko na hinintay pang sumagot siya at tumalikod na. Habang nagbibihis ay ang litrato ni Inna habang nakikipagtalo sa isang lalaki ang tanging nakatatak ngayon sa aking isipan.
Boyfriend niya kaya iyun? LQ? Ayaw kong makialam pero mukhang galit na galit si Inna sa lalaki kanina base sa kinikilos niya habang nakikipag-usap sa lalaki. Hindi ko man naririnig ang mga boses nila pero mukhang gustong gusto ng sigawan ng babae ang lalaking kausap niya.
While I was thinking of them, bigla namang pumasok ang larawan ni Inna habang kausap ang tatay nina Cillian sa aking isipan. Hindi kaya ang tatay nina Cillian iyun? Tama kaya ang hula kong magkarelasyon sila o may iba pang namamagitan sa kanilang dalawa? It's really none of my business.
Iniling ko ang ulo ko para makalimutan ang mga nakita ko at hindi na mangialam pa. Nag-try na lang akong mag-isip ng nakakatawang bagay o 'di kaya ay magagandang bagay na nakita o mga naranasan ko.
Nang bumaba ako sa unang palapag ay hindi na nag-iisa si Zagan. Nandito na din ang kambal. May hawak na din silang mga bote ng beer at may mga pagkaing nakahain sa center table.
"Napadaan kayo?" Bungad ko sa kanila nang tuluyan akong makababa.
"Katatapos lang naming magpatrolya. There are some outsiders na kung saan saan nagsususuot at hindi namin pwedeng pabayaan na lamang iyun at baka ang sekreto pa ng bayan ang masiwalat sa kanila. And we won't be able to handle the situation kapag lumaganap ang balita tungkol sa mga uri namin." Mahabang paliwanag ni Killian.
" Pero bakit umiinom pa rin kayo? Hindi ba dapat nagbabantay pa rin kayo?"
" Tapos na ang duty namin. Atsaka may pumalit na din sa amin kaya huwag ka ng mangamba. "
" How 'bout the visitors next door?" Tanong naman ni Zagan sa dalawa.
"We've seen them strolling around earlier kaya paniguradong nandito pa rin sila. Though unexpected ang pagbisita nila dito sa Wardein, wala naman siguro silang ibang motibo sa pagpunta dito." Sagot ni Killian kay Zagan.
"But, nangangamba ang mga tao sa headquarter ng Warden Society dahil mas madalas silang lumabas sa gabi. It could be very dangerous for them gayundin sa mga bampira sa paligid." Dagdag naman ni Cillian.
Hindi na ako nagtanong pang muli at naupo na lamang sa pang-isahang sofa. Nakikinig lang ako sa kuwentohan nilang hindi ko din naman malaman kung tungkol saan kaya hindi ko rin maintindihan.
Nakikiinom na din ako pero paunti unti lamang. Hindi katulad nilang nakakailang bote na kahit halos isang oras pa lanmang na nag-iinom. Pero sabagay, mukhang kayang kaya naman nila ang sarili nila at mukhang hindi rin naman sila tinatamaan ng alak.
Naaalala ko sa gabing ito, iyung gabing inaya din nila ako sa labas ng Wardein, sa may waiting shed at doon uminom habang nakaduty sila. Noong una ay hindi ko pa alam kung bakit sila nagduduty lalo na sa gabi at labas pa ng bayan pero ngayong alam ko na ang tungkol sa mga uri nila ay naiintindihan ko na kung bakit kailangan nilang maghigpit pagdating sa mga taong naglalabas-pasok sa bayang ito.
BINABASA MO ANG
Warden (COMPLETED)
VampireThey are the people who are willing to do anything to protect their people, their race. -- Happy 1k Reads! Started: July 15, 2020 Finished: Jan. 14, 2021