07

92 5 0
                                    

" Ha?! Paano nangyari yun?!" Bulalas ko ng marinig ang sinabi niya.

"Hindi ko din alam. Guwardiyado ang mga presinto dito." Naguguluhang sagot niya. Napabuntong hininga siya.

" Unless nasa loob din ang pumatay. Napag-utusan o di kaya ay may galit din sa kaniya." Teorya ko. At may kilala akong pwedeng gawin iyun pero hindi ko sa kaniya masasabi. Hindi ko pwedeng sabihin.

Binalot kami ng katahimikan. Walang nagsasalita sa aming dalawa.
Until I heard him sighed again before standing up. "Tara. " Aniya.

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya ng akitin niya ako.

" Basta, sumama ka na lang." Sabi niya bago tumalikod. Tumalikod na din ako para sana pumunta sa taas ng magsalita siyang muli.

" Saan ka pa pupunta?" Tanong niya nang makitang papunta ako sa taas.

" Magbibihis lang ako." Sagot ko sa kaniya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Bahagya naman akomg na-conscious. Nakasuot ako ng denim shorts, sweater sa pang itaas at naka-tsinelas lang ako.

" Ayos na yan." Pahayag niya bago lumapit sakin at hinawakan ako sa braso ko atsaka hinikit palabas ng bahay.

" Mamaya. Ilolock ko lang yung pinto." Pigil ko sa kaniya ng dire-diretso niya akong hikitin.

Lumapit ako sa pintong nilabasan namin at ini-lock iyun. Si Cillian naman ay nauna na sa sasakyan niya kaya sumunod na lang ako. Pagpasok ko ng sasakyan ay pinaandar na niya ito at nagmaneho patungo sa destinasyong hindi ko alam. Napansin kong papalubog na pala ang araw.

" Daan muna tayong convenience store." Sabi niya bago iniliko ang sasakyan sa daan patungo sa malapit na convenience store.

Nang makarating sa may convenience store ay iginilid niya lang sasakyan at ipinarada doon. Lumabas siya ng sasakyan kaya lumabas din ako. Mukhang alam niya namang sumunod ako kahit na hindi niya ako nilingon kanina dahil hinintay niya pa akong makarating sa may pinto ng convenience store at pina-una niya akong pumasok.

Naghiwalay kami pagpasok ng store. Andun siya sa aisle ng mga snacks habang ako ay dumiretso sa freezer kung saan nakalagay ang mga ice cream at kumuha ng vanilla flavored ice cream para sa'kin. Pinag-iisapan ko naman kung anong flavor ang para kay Cillian. Dumampot na lang ako ng isa pang vanilla atsaka isa ding chocolate.

Hinanap ko si Cillian sa loob ng convenience store at nakitang nasa harap siya ng isang refrigerator kung nasaan ang mga inuming alak.

" Isinama mo pa ako. Dadalhin mo lang ata ako sa inuman eh." Bungad ko sa kaniya ng makalapit ako sa kaniya. Nakita kong kumukuha siya ng mga beer.

" Bakit tatlo?" Tanong niya ng makitang tatlong ice cream ang dala ko. " Para kay Killian yung isa, no?" Ngumisi siya ng nakakaloko at tila inaasar ako.

" Baliw! Hindi ko kasi alam ang gusto mo." Makatotohanang sabi ko sa kaniya.

" Ayos na 'ko sa kahit anong flavor. Atsaka nga pala, kasama natin si Killian." Sabi niya bago dumiretso sa cashier. Ano naman kung kasama yung kapatid niya?

Sumunod na din ako sa kaniya at isinama sa mga babayaran niya yung ice cream na kinuha ko.

Habang nakatingin kay Cillian at sa suot nitong jeans at hoodie ay napagtanto kong mukha talaga akong nahikit lang dahil sa suot kong pang-bahay.

Nang makapagbayad na si Cillian ay lumabas na kami ng convenience store at dumiretso sa sasakya niya.

Inilagay ni Cillian yung mga pinamili sa backseat ng sasakyan. Umikot ako at pumunta sa kabilang bahagi ng sasakyan para sana sumakay na nang makita kong may taong nakasandal sa pinto sa may passenger seat. Si Killian. Naalala kong sinabi pala ni Cillian na kasama si Killian sa kung saan kami pupunta. Mukhang tinawagan siya o tinext nung isa at pinapunta dito.

Warden (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon