Naputol ang sinasabi ko nang biglang may nagsalita mula sa likod namin."Hey." Mabilis kong nilingon si Inna na nakatayo na ngayon sa gilid ng kama.
Matiim niya akong tiningnan. Tila may sinasabi ang mga tingin niya. Nang lumipat ang tingin niya kay Killian na kakalingon lamang sa kaniya ay tsaka lamang siya ngumiti.
Nag-iwas na lamang ako ng tingin. Great timing! Lumapit ako sa kama at naupo roon. Pinanood ko namang ayain ni Inna si Killian para makapag-usap sila sa labas. Hindi ko alam pero bahagya akong kinabahan nang muling nilingon ako ni Inna bago nila ako tuluyang iniwan sa silid na ito.
Kung tama ang hinala ko. Maaaring isa si Inna sa mga taong gustong magpabagsak sa bayan na ito. Hindi ko alam kung anong dahilan niya at may chance pa rin namang mali ang hinala ko. Maaari ring pakana itong lahat ng ama nina Cillian dahil base sa narinig ko noon mula kay Cillian ay pinagbantaan nitong ilalabas ang sikreto ng Wardein kapag hindi nito nakuhang gusto niya. At hindi ko alam kung ang kambal lang din ba ang kailangan niya o may mas malalim pa siyang dahilan kung bakit pilit na lamang niyang inuudyok ang gusto sa dalawa na nagawa niya pang magbanta sa bayang ito.
Nahiga ako at tumitig sa kisame. Paglapat ng likod ko sa kama ay parang bigla akong napagod. Mula sa pag-akyat ng mga bakod at pagtakbo isama pa na mayroon akong sakit. Ramdam ko namang bumubuti na ang lagay ko kaysa kanina kaya hindi ko na din masyadong inaalala ang lagay ko.
Mas dapat kong alalahanin ngayon ay ang kalagayan ng bayang ito. I'm thinking of a way na kahit papaano ay makakatulong ako sa ibang nandito. I immediately get up noong may nagbukas ng pinto. Nilingon ko iyun at muli lamang napaiwas nang makitang si Inna ang pumasok ng kuwarto.
"Ava." Malamyos ang tinig na tawag niya.
"B-bakit?"
"May extra ka bang damit?"
"Huh?" Wala sa sariling tanong kong muli.
"May extra ka bang damit?" Muli niyang tanong sa mahinahong tinig pa rin. Hindi ko alam pero kinabahan ako noong pumasok pa lamang siya dito sa kuwarto.
"Mayroon ako sa bag ko. Wait lang, kukunin ko."
Kinuha ko ang bag na nasa kama rin. Nagsimula akong bulatlatin ang loob noon at halos itaktak ko pa ang lahat ng laman ng bag ko para lang makahanap ng t-shirt na sa tingin ko ay maaari sa kaniya.
"Pwede na 'to."
"Huh?"
"Sabi ko, pwede na' to." Sabi niya at itinaas pa ang isang pink na shirt. "Ano bang nangyayari sa'yo? Relax. Hindi ako nangangagat." Dagdag niya pa bago tumawa.
Dumiretso lamang siya sa isang gilid at doon na nagpalit. Hindi niya alintana na mayroong ibang tao ang nandidito ngayon sa silid na kasama siya at pinapanood lamang ang mga kilos niya. Nang hindi naman siya nagrereact habang nakatingin ako sa kaniya ay umiwas na lamang muli ng tingin.
Hindi ko inexpect ang ibinungad niya sa akin kanina. Akala ko ay may hinala siya sa sasabihin ko kay Killian. Pero wala nga ba? Iba kasi ang mga tinging ibinibigay niya sa akin mula pa kanina noong makita namin siya sa gubat.
Nahiga ulit ako sa kama at pasimpleng hinihintay siyang matapos. Umaakto lamang akong wala sa kaniya ang atensyon ko pero ang totoo ay bawat kilos ata niya ay pasimpleng sinusundan ko ng tingin.
Dumiretso ang tingin ko sa kisame nang makitang papalingon siya sa akin. Kasunod noon ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"You are adorable." Sabi niya.
"Ako?" Tanong ko sa kaniya.
"Uhuh. Bakit ba iwas na iwas ka sa aking tumingin? May ginawa ka bang masama?" Nagbibirong sabi niya pa.
BINABASA MO ANG
Warden (COMPLETED)
VampirThey are the people who are willing to do anything to protect their people, their race. -- Happy 1k Reads! Started: July 15, 2020 Finished: Jan. 14, 2021