"H-how did you know about t-that?" Nabubulol na tanong ko sa kaniya. Bigla na lang nawala ang gana ko sa pagkain at nakatuon na ang buong atensyon ko sa babaeng naka-upo sa dulo ng dining table na ito.
"Zagan told me about it." Sagot niya sa tanong ko.
Mabilis kong nilingon si Zagan na ngayon ay patuloy lang na kumakain at tila wala pang pakialam sa paligid niya. Habang iyung ibang nandito ay tila nakikinig na sa usapang ito.
"It took him a while to tell me about this. Pero ngayong alam ko na, may be I can take this opportunity to make an alliance with your family. Malaki ang maitutulong nila para protektahan ang bayan na ito." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Tungkol na naman ito sa bayang ito.
" Why? Bakit kailangan niyo pa ang tulong ni Papa para protektahan ang bayan na ito?! Hindi pa ba sapat na mas malalakas kayo sa mga tao?! Atsaka wala namang humahamak sa inyo, ah! Kayo pa nga ang nananakit ng ibang tao!" Galit na usal ko. Ayokong pati ang pamilya ko ay madamay rito.
" Why are you so angry? Isn't it your duty to protect this city? And you could be a great help if you'll let me invest or at least buy weapons from your father." Aniya sa kalmadong tono pa rin. Pero nawala na ang matamis na mga ngiti niya mula kanina. "It is a win-win situation for you. Mapoprotektahan mo ang bayang ito at kikita ang pamilya mo. You just have to introduce me to your father, iha, and I'll take care of the rest." Mas lalo akong nadisappoint sa sinabi niya. Hindi ito para lang sa pera.
Pinilit kong mapalayo sa maling negosyong iyun tapos ako pa ang magdadala sa pamilya ko ng dahilan para mas ipagpatuloy nila ang negosyo nilang iyun?! Gusto nilang bumili ng mga armas mula sa illegal na negosyong iyun nila Papa at kapag nalaman nila Papa na involved ako sa mga ito ay baka isipin pa nilang ayos na sa akin ang negosyo nilang iyun.
"Hindi ko gagawin ang gusto mo." Tanggi ko.
"But you promised to protect this city." Sabi niya sa galit na ngayong tono.
"Yes, pero madami pang paraan para mafulfill ko ang pangakong iyan!" Bulalas ko.
" 'Wag mo siyang sigawan. She's still the head of this city." Sabat ni Atlas.
Napatingin ako sa kaniya at habang pumapasok ang sinabi niya sa akin ay nakita ko din kung gaano sila ka-loyal sa ina nila. Kahit ayoko ay ipipilit pa rin ba nila?
"I'm sorry. Uuwi na lang ako." Paalam ko bago tumayo at tumalikod.
Bago pa ako makalabas ng tuluyan sa dining room na iyun ay narinig ko pang nagsalita si Zagan.
"You don't really have a say about your family's illegal business. Sila pa rin naman ang magdedesisyon at hindi ikaw." Tuluyan na akong lumabas pagkatapos niyang sabihin iyun.
Hindi ako lumingon o pinansin pa ang kahit na sinong tumatawag sa akin. Lumabas na din ako sa mansyong iyun.
Paglabas ko ng mansyon ay ganun pa rin naman ang hitsura ng lawn at buong paligid pero hindi ko na magawang ma-amaze o ma-appreciate man lang ang ganda nito at dirediretsong binaybay ang lawn. Nang makalagpas doon at makatapak ako sa konkretong daan ay tumigil ako at kinuha ang cellphone ko sa bag ko. Gayundin ang earphones ko.
Sobrang dilim ng paligid pero salamat sa buwan at kahit papaano ay kita ko pa ang daan. Ipinasak ko ang earphones sa tainga ko at nagpatugtog. Ini-full volume ko din iyun at nagsimulang maglakad.
Hindi ako nakakaramdam ng takot kundi lungkot ang nanalaytay sa pagkatao ko ngayon. Habang bumabalik sa akin ang usapan kanina. I don't know, pero iyung isipin palang na walang handang lumaban kasama ko o kumampi sa akin ay nalulungkot na ako lalo na at ang usapan ay tungkol sa negosyo ng pamilya ko. Hindi ba sila pwedeng om-object sa gusto ng Head ng bayanga ito?

BINABASA MO ANG
Warden (COMPLETED)
VampireThey are the people who are willing to do anything to protect their people, their race. -- Happy 1k Reads! Started: July 15, 2020 Finished: Jan. 14, 2021