Epilogue Pt. 1

122 4 0
                                    

"Ava! Gising na!" Rinig kong sigaw ni Mama mula sa labas ng kuwarto ko.

Iminulat ko ang aking mga mata at tiningnan ang orasan sa aking bedside table. Imbes na bumangon ay muli ko lamang ipinikit ang mga mata ko at pinilit na makatulog muli.

I am tired. Ang dami kong ginawa kahapon at kung anong oras na din ako nakatulog.

Naalimpungatan lang muli ako nang maramdamang mayroong tumatapik sa likod ko. Nakadapa ako sa kama at nakapaling sa kabilang direksyon ang ulo ko kaya hindi ko nakikita kung sino iyun.

"Wake up."

"Hmmm."

"Malalate ka na."

Ipinaling ko kay Mama ang ulo ko at nakangiting tumango kahit hindi ko pa rin siya nakikita dahil nakapikit pa rin ang mga mata ko.

"Babangon na po."

"Sigurado ka na bang sasama ka pauwi sa atin? Hindi pa huli para magbago ang isip mo at hindi ka pa rin nakakapag-resign. Pwede namang ako na lamang. Hindi mo kailangang itigil ang buhay mo dito para sumama sa aking umuwi."

Iminulat ko na ng tuluyan ang mga mata ko at muling nginitian si Mama na halata ang pag-aalala sa mukha.

It has been two years at gusto ko na ding umuwi. Kahit ang naaalala ko lang ay ang pag-alis namin ng bansa at pagkakaroon ng bagong buhay dito sa States ay gusto ko pa ring umuwi. Gusto ko na uling makita si Papa. Mas humihina na kasi siya ngayon hindi katulad noong nakaraang taon dahil sa sakit na nito lang namin nalaman.

"Ma, sasama na ako. Ayoko namang maiwan dito, 'no." Lambing ko sa kaniya.

Napangiti na lamang siya sa sagot ko. Tumayo na din ako at bahagya pang naghikab bago tuluyang pumasok sa banyo para magsipilyo at hilamos ng mukha. Pagkatapos ay bumaba na ako patungo sa dining area. Nakahanda na ang hapag. Mayroong fried rice, hotdogs, bacon at pritong itlog.

Naupo ako kung saan ako madalas umupo kapag kumakain kami.

"Ma, kain na." Aya ko sa kaniya.

"I'll just finish this." Sagot niya at itinuro ang niliinis na cupboard.

"Mamaya na 'yan, Ma. Sumabay ka na sa akin."

"Oo na, oo na. Ikaw talagang bata ka. Simula ata nang magising ka nagkaroon ka na ng lambing sa amin ng ama mo." Natatawang aniya.

Natahimik naman ako sa sinabi niya pero hindi ko ipinahalatang hindi ako komportable sa sinabi niya. It also has been two years since I woke up from an accident at pagkatapos noon ay wala na akong maalala. I tried remembering things but I can only see vague memories. Hindi ko din sigurado kung paano nangyaring naaksidente ako dahil ang sabi lang sa akin ay nabangga ako ng isang sasakyan at dahil sa lakas ng impact ay tumalsik ako at tumama kung saan ang ulo ko gayundin ang buong katawan ko. Walang nabanggit sina Mama kung bakit ako nabangga, tumawid ba ako sa kalsada o baka naman nawalan ng control ang driver ng sasakyan kaya nabangga niya ako, hindi ko alam. Matapos kong magising ay hindi na din namin napag-usapan ang bagay na iyun. Parang nakalimutan na lang ng lahat at mukhang ako lang ang pilit na umaalala sa bagay na iyun.

"Bakit nga ako nabangga noon, Ma?" Pasimpleng tanong ko sa kaniya para makakuha ng sagot na matagal ko ng gustong malaman.

"Huh?" Naupo siya sa silyang katapat ko at tumitig lamang sa kawalan. Hindi ko alam kung malalim ba ang iniisip niya o wala dahil blangko lang ang ekspresyon ng mukha niya.

"Hindi ko din alam. Hindi ko na maalala. Kuwag na nating pag-uspaan iyon. Maigi pa ay magmadali ka na." Aniya.

Sa tuwing tatanungin ko siya tungkol doon ay magkakapareho lang ang nagiging sagot niya, hindi niya alam. Ganundin palagi ang sagot sa akin ni Papa kapag nagkakaroon ako ng pagkakataong tanungin siya tungkol sa bagay na iyun. Akala ko nung una ay ayaw lang nilang sabihin pero habang tumatagal ay parang naniniwala akong hindi din talaga alam na siyang talagang ipinagtataka ko.

Warden (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon