04

100 8 0
                                    

"S-sino k-ka?" Na-uutal kong tanong sa kaniya.

Unti unti siyang naglakad palapit sa may pintuan kung saan ako nakatayo habang ako naman ay paunti-unti na ring umaatras. Nang tuluyang makahakbang siya malapit sakin at tamaan ng liwanag mula sa ilaw sa loob nitong bahay ang kaniyang mukha gusto kong pingutin ang sarili ko ng makita ko ang mukha niya.

" Killian!" Bulalas ko ng makita siya. Ngayong ko lang din naisip na bakit ba hindi ko binuksan ang ilaw dito sa labas? Eh 'di sana hindi ako natakot ng walang dahilan.

" Hi. Am I late for dinner?" Inosenteng tanong nito ng makita ang expression ng mukha kong tila na-shock pang makita siya ngayon saking harapan.

" Kind of. Kanina pa nakaalis si Cillian." Napakamot ito sa batok niya dahil sa sinabi ko.

" Halika, pasok ka. Mabuti na lang nagtira pa ako ng pagkain kundi baka naubusan ka." Biro ko pa.

Pumasok naman siya at inintay niya muna akong isarado ang pinto bago siya tuluyang dumiretso sa kusina. Naupo siya sa isang stool sa may counter dito sa kusina. Ako naman ay iniinit muna yung adobo at kanin para mas masarap kainin habang si Killian ay matiyagang naghihintay at nakatingin sa ginagawa ko. Nang matapos ako ay inihain ko iyun sa kaniya na ganado naman niyang kinain.

Habang kumakain siya ay kung ano-anong kinukutingting ko dito sa kusina. Ayoko namang titigan na lang siya habang kumakain baka hindi niya pa madigest yung pagkain eh haha.

Inalok niya naman ako pero busog na ako kaya tumanggi ako.

" Sorry pala sa biglaan kong pagsulpot. Akala ko kasi around this time dadating din si Cillian."

" Hindi, ayos lang. Baka excited lang yung kambal mo dahil sa pagkain kaya napa-aga siya." Tumawa pa ako para hindi maging awkward yung sinabi ko. Pero unti-unting namatay yung tawa ko ng makitang nakatingin lang siya sakin.

Tumikhim na lang ako at iniiwas ang tingin sa kaniya.

Walang nagsasalita saming dalawa hanggang sa matapos siyang kumain. Tinulungan niya akong ligpitin ang pinagkainan niya. Gusto niya pang siya ang maghugas pero hindi ko na siya hanayaan at sinabing ako na ang gagawa. Pinabayaan naman niya ako at dumiretso siya sa sala. Mabuti na lang at hindi niya naisipang manatili dito at panoodin na lang akong maghugas kundi mas lalo sigurong magiging awkward ang sitwasyon sa pagitan namin. Nang matapos ako ay pumunta na din ako salas. Nadatnan ko siyang nanunuod sa tv. Naupo ako sa pang-isahang sofa at itinutok na lang din ang atensyon sa palabas.

Isang bagong action movie ang pinanunuod namin na matagal tagal ko ng gustong panoodin at inaantay lang na ipalabas. Mabuti at naabutan ko 'to ngayon.

Nag-inat-inat ako ng matapos ang palabas. Nangalay kasi ako sa pwesto ko. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Halos eleven na pala. Masyado kasi akong nakatutok sa palabas na hindi ko na namalayan ang oras at hindi ko na din napansing andito parin pala si Killian. Pano ba naman, kanina pa walang imik. Kung si Cillian siguro 'to, kung ano ano na ang napag-usapan naman at baka hindi pa kami makapag-focus sa pinapanood.

Tumayo si Killian at bahagya pang ngumiti. " I'll go now. Thank you for the dinner." He's not that cold like what I presumed. Sadyang sanay lang siguro siyang seryosohin ang lahat ng bagay.

" Salamat din sa pagpunta." Nginitian ko siya at tumayo na din.

Naglakad naman na siya patungo sa pinto. Bago siya lumabas ay nilingon niya pa ako at kinawayan ko naman siya bilang pagpapaalam.

---

Isang linggo na akong nagtatrabaho dito sa café at masasabi kong totally na akong nakapag-adjust sa bagong work environment. Actually, masasabi ko ding suwerte ako sa trabaho kong ito. Hindi ganun ka-hectic kumpara sa dati kong trabaho.

Warden (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon