23

64 8 0
                                    

Mabilis akong tumalikod at bumalik sa paglalakad. Malapit na ako sa bahay kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko.

Parang biglang naging mabigat at masama ang pakiramdam ko. Ang lakas din ng tibok ng puso ko. Bakit ko ba ito nararamdaman?

Nang makapasok ako sa bakuran ng bahay ay literal na tinakbo ko na ang pagitan ng gate at ng pinto namin. Hindi na din ako nagulat ng pagbukas ko ng pinto ay ang bumungad sa akin ay ang mga lalaking naglalaro ngayon ng chess sa sala. Dala siguro nila iyung chess dahil wala naman akong maalalang may pagmamay-ari akong chess board.

May nakita pa akong kumakain ng cup noodles sa isang gilid at couple, si Felix at Pj, na hindi ko alam kung judgemental lang ba talaga ako o kung ano ano na lang pumapasok sa isip ko dahil nawala ako sa mood pero ang tingin ko ay naglalandian lang sila sa may kusina na kita mula dito sa pagpasok ng pinto.

"Oh, andito ka na pala." Nakangiting bati sa akin ni Cillian. Hindi ko alam pero sumama na talaga ang pakiramdam ko, ni hindi ko nga man lang nasuklian ang ngiting ibinibigay niya sa akin.

"How's your day? Ayos lang ba sa trabaho mo?" Tanong naman ni Killian na bigla na lamang sumulpot sa kung saan.

"Saan ka galing?" Imbes na sagot ay tinanong ko na lang siya.

"Sa likod. Nagpahangin. Mas presko don kaysa dito." Sagot niya sa akin bago ako muling nagtanong. "So, how's work?"

"Ayos naman. Aakyat muna ako."

After kong magpaalam ay nagtungo ako sa ikalawang palapag. Nahiga muna ako sa kama at tintigan ang kisame. Ngayong mag-isa na lamang ako ay parang bigla na lang namang naging blangko ang isip ko.

Hay, naku! Tumayo na lamang ako at kumuha ng damit sa cabinet atsaka nagtungo sa banyo para makapagpalit. Pagkatapos kong magpalit ay bumalik ako sa ibaba. Mayroon na ngayong mga pagkaing nakahain sa mesa sa kusina na inaayos ng isang babaeng ngayon ko lamang nakita.

Hindi niya ako nililingon at nakatuon lang talaga ang tingin niya sa ginagawang paghahain. May mga plato na sa mesa, utensils, mga baso at kung ano ano pa. Pagkatapos niyang maghanda ay nag-angat na siya ng tingin. I expected her to smile pero hindi niya ginawa. Blangko lamang ang naging tingin niya sa akin pero wala iyung halong panghuhusga. Pero ng pumikit ako at nagmulat muli ay nawala na siya sa harapan ko.

Bumalik ako sa sala at nakita ko iyong babae doon habang ka-usap si Dmitri na nandito din kasama pa sina Ellias. Mukhang nagpaalam lang iyung babae bago tuluyang umalis. Baka kasama nila sa mansyon nila at pinapunta lang dito para mag-ayos ng hapag?

Ngayong andidito sila ay nagmukha namnag crowded ang buong bahay. Mabuti na lang at hindi na talaga nila na-isipang tumambay sa taas kundi magrereklamo na talaga ako. Though masaya naman ako ngayon kasi may kasama ulit ako dito sa bahay kahit ngayon gabi lang ulit.

We ate dinner all together. Naging maingay din ang buong bahay nang gabing iyun dahil halos lahat ay nakakatuwaan. Ipinapanalangin ko na lamang na hindi ganoon kalakas ang ingay namin dito sa bahay dahil baka nakaka-istorbo na kami sa mga kalapit na bahay.

Gabing-gabi na din noong nagsi-uwian sila. Masyado kasi kaming lahat nag-enjoy kaya hindi na namin namalayan ang oras.

Nasa may pintuan ako, nakatingin sa kanila habang isa isa silang nawawala sa paningin ko. They didn't actually brought cars. Sabagay kung kaya mo namang makarating ng isang minuto lamang sa destinasyong pupuntahan mo dahil sa bilis mo ay bakit nga ba kakailanganin mo pang magdala ng sasakyan?

Then, another morning came. 6:30 palang ata ay palabas na ako ng bahay para magtungo sa café. Habang nasa may gilid ng kalsada at nag-aabang ng masasakyan ay nakita ko ang babaeng kasama ni Zagan kahapon sa may bahay ni Ms. Carnello. Naka-suot ito ng sports bra, leggings at rubber shoes. Mukhang galing sa pagjojogging. Ang ganda niya lalo na sa malapitan at ang ganda din ng katawan niya.

Warden (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon