"Anong nangyayari?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana dito sa unag palapag ng bahay.Makikita mula dito ang nagkakagulong mga tao at bampira. Ang nakikita ko na lamang ay ang pagmamadali ng iilang tao dito sa Wardein at ang mabibilis na paggalaw ng mga bampira. Maririnig din ang mahihinang tunog na nagmumula sa malayo.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa kaalamang may kakaibang nangyayari ngayon sa labas ng bahay na ito. Natatakot akong lumabas at tingnan kung ano talaga ang nangyayari sa labas.
"Ahh!" Tili ko at mabilis na yumuko mula sa pagkakadungaw sa labas ng bintana nang makarinig ng mga putok ng baril.
Sigurado akong mula sa baril ang mga ingay na iyun at naririnig ko din ang pagsabog ng kung ano mula sa malayo. I was stuck in my position. Ayokong tumayo o sumilip man lang dahil baka bigla na lamang may maligaw na balang tumama sa akin kapag dumungaw pa ako.
Nakayukong nagtungo ako sa kusina at kumuha ng kitchen knife. Wala akong ibang maisip na gawing sandata sa ganitong pagkakataon kundi ang kutsilyo dito sa kusina. Though alam kong walang laban ito sa bilis ng bala ng mga baril na pinapaputok ng mga tao sa labas.
Naupo ako sa sahig at sumandal sa counter dito sa kusina. Hindi na naman siguro tatagos ang bala dito sa counter.
I was analyzing the situation when I heard the loud bang of the door. I immediately stood up at nag-iingat na lumapit doon. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makita ang pamilyar na mukha ng lalaking pumasok mula sa back door. Nagmamadali akong tumayo at lumapit sa kaniya bago nagsimulang sabihin ang mga tanong na kanina pa gumugulo sa utak ko.
"Anong nangyayari sa labas?! Natulog lang ako pero parang gyera na ang naabutan ko!" Bulalas ko sa kaniya at binitawan ang hawak na kutsilyo sa taas ng kitchen counter.
"You have to get out of here." Aniya imbes na sagutan ang tanong ko.
"Cillian! Hindi mo ba man lang sasabihin sa akin kung anong nangyayari?! Sa totoo lang, natatakot na ako!" Muling bulalas ko.
Lumingon lingon pa ako sa paligid namin dahil baka may ibang tao na pala ang nandito at bigla na lamang kaming sugudin.
"There is a raid. At hindi ito ang tamang oras para magtagal pa tayo dito. I'll answer your other questions later. Maghanda ka na muna. Kunin mo ang mga gamit na kakailanganin mo. Bilisan mo!"
Hindi na ako nagtanong sa kaniya at nagmamadaling umakyat sa taas at kumuha ng bag. Inilagay ko ang ilang damit, first aid kit, flashlight, at ang cellphone ko. Hindi na din ako nagpalit ng damit, t-shirt at shorts lang ang suot ko dahil sa pagmamadali at nagsuot na lang din ng rubber shoes. Bumaba ako at naglagay ng mga pagkain sa bag ko. Ito lang ang nasa isip kong kakailanganin ko kapag umalis ako dito at hindi ko din alam kung saan kami mapapadpad. Baka hindi ko pa madala ang sasakyan ko.
"Tapos na." Anunsyo ko. "Nakuha ko na ang mga kailangan ko."
"Here." Nagulat ako ng may ihagis siya sa akin. Muntik ko pang mabitawan iyun nang makitang isang abril ang hinagis niya sa akin.
"Mabuti na lang at mayroon ka niyan dito sa bahay mo. Maganda ng may pangprotekta ka sa sarili mo."
Nagtataka ako sa sinabi niya pero nang titigan ko ang baril sa kamay ko ay bumalik sa alaala ko ang regalong ibinigay sa akin ni Papa noong unang beses nila akong bisitahin dito sa bahay. Ito ang baril na iniwan niya dito sa bahay. Pero bigla din akong nag-alala dahil baka kung mapaano ako at hindi ko na sila makita.
"Hey, stop overthinking. Makakaalis ka dito." Ani Cillian nang tila mabasa ang tumatakbo sa isip ko ngayon. "Hold this one too." Sabay bigay sa akin ng isa pang baril na nagmula sa likod niya.
BINABASA MO ANG
Warden (COMPLETED)
Про вампировThey are the people who are willing to do anything to protect their people, their race. -- Happy 1k Reads! Started: July 15, 2020 Finished: Jan. 14, 2021