03

120 8 0
                                    

Nakarating naman ako ng Wardein ng matiwasay at ligtas though ang dalawa't kalahating oras na biyahe ay naging tatlo. Mabagal kasi ang naging pagmamaneho ko dahil na rin sa takot na baka maaksidente na naman ako pero hindi naman kabagalan.

Nakipag-meet na din mo na ako sa team leader ng team na nagrenovate ng bahay ni Lola bago dumiretso sa bahay.

Pagdating ko sa bahay ay wala na akong nakitang mga tao dahil sa pagkakaalam ko ay tapos na ang renovation ng bahay. May susi naman ako kaya naging madali sakin ang pagpasok.

Napangiti ako ng makita ang loob. I really liked the interior design. Magkahalong vintage and minimalist ang style niya. Ngayon ko lang nakita ito ng tapos na at ang saya sa feeling. Para pa ngang nagpa-flashback sakin ang itsura nito noong hindi pa napapaayos. Kaya lubos lubos din ang pasasalamat ko sa team na nagrenovate nitong bahay at kay Cillian na nagrecommend sakin ng team nila.

Umakyat ako sa ikalawang palapag at hindi naman ako na-disappoint. Kasing ganda nito ang sa ibaba. Same style at ang homey ng feel nitong bahay hindi intimidating ang dating.

Yung master's bedroom ang gagamitin ko kaya dun ko inilagay yung mga gamit ko. Naisip kong sa isa sa mga guest rooms yung gamitin ko  kaso walang sariling CR though may CR naman sa may hallway pero gusto ko kasi nasa mismong kwarto sana yung CR kaya dito na lang ako sa master's bedroom.

Inayos ko muna lahat ng gamit ko at inilagay yung mga damit ko sa closet. Pagkatapos ko ay naisip kong mag-lunch na. Actually late na nga ang lunch na to kasi mag aalas dos na. Masyado lang akong nagfocused sa pag-aayos ng gamit at di ko na namalayan ang oras.

Naisip kong kumain na lang ng cup noodles tutal di pa din naman ako gutom para lang magkalaman ang tiyan ko. Ang huling kain ko ay yung umagahan ko pa sa Armain.

Nasa may sink ako at hinuhugasan ko yung utensils na gagamitin ko nang mapansin ko ang mabilis na pagdaan ng isang anino sa bintana dito mismo sa taas ng may sink. Itinuon ko ang pansin ko dito at tiningnan kung muling dadaan ang anino pero hindi na yun nangyari. Tumatakbo sa isip ko na pwedeng ibon lang iyun o kung anong hayop pero parang ang laki naman nung anino para sa isang ibon o hayop. Impossible namang malaki at mabangis na hayop kasi parang nasa gitna ng town itong bahay at malayo layo sa gubat. Or pwede ding tao na napadaan lang pero parang ang bilis naman ng galaw ng aninong yun atsaka napadaan sa likod ng bahay?.

Ugh! Imbes na pagtuonan ko yun ng pansin ay kakain na lang ako. Tutal mukhang ready na naman yung noodles.

Umupo ako sa isang stool na nandito sa may counter sa kusina. Sa pwesto kong ito ay kita ko ang likurang bahagi ng bahay na kita mula sa parihabang bintana na tinitingnan ko kanina. May iilang puno sa likod tapos kita na yung likod ng isang bahay na katalikodan nitong bahay ni Lola. May pintuan din dito sa kusina na ang labas ay likod nitong bahay.

Nasa gitna ako ng pagkain ng marinig ko ang pagbukas ng pinto sa sala. Tumayo ako para tingnan kung sino ang pumasok.

Nagtataka akong napatingin kay Cillian na dire-diretso papunta dito sa may kusina. Inihagis pa nito ang hawak na susi na may kasamang keychain na ang disenyo ay bahay sa sofa bago dumiretso sa kinatatayuan ko.

" Paano ka nakapasok dito?" Tanong ko sa kaniya dahil sa pagkakaalala ko ay inilock ko ang front door.

" Susi." Maikling sagot nito na may kasama pang pagturo sa susing inihagis niya sa sofa kanina.

" Bakit may susi ka nitong bahay?" Muling tanong ko sa kaniya. Ang alam ko ay ako lang ang may susi dito sa bahay at yung team leader ng nagrenovate nitong bahay na ibinigay na din naman sakin kanina nung magkita kami.

"Kinuha ko yung duplicate key mo nung bago ka umalis dito sa Wardein. Akala ko nakita mo na kinuha ko kaya di ko na sinabi."

Mapapa-wtf ka na lang sa taong 'to minsan eh. Biruin mo kinuha yung duplicate key tapos hindi man lang sinabi.

Warden (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon