05

116 8 0
                                    

Hindi ko pa man tuluyang naimumulat ang mga mata ko ay ramdam ko na agad ang pagsigid ng sakit sa aking ulo at gayundin sa may braso ko. Nakaramdam din ako ng ngalay sa may batok ko. At bahagya kong naririnig ang mga boses na nag-uusap malapit lamang sa pwesto ko.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sakin ang pamilyar na dingding, orasan, at estante kung saan nakalagay ang TV. Nakahiga pala ako sa sofa at nasa ang armrest lang nito ang nagsisilbing unan kaya siguro ngalay ang batok ko. Napabangon ako bigla ng bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi o kaninang madaling araw.

Hindi ko mapigilang maluha habang iniisip ang nangyari sakin. Isinubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko habang unti-unting nagpa-flashback sakin ang lahat. Ramdam ko pa rin ang takot pero nagpapasalamat ako dahil nagising pa ako. Akala ko katapusan ko na.

Napaangat ang ulo ko ng maramdamang may humahaplos sa likod ko para i-comfort ako. Nakita ko si Cillian na nakaupo na sa tabi ko dito sa sofa kung san ako nakahiga kanina at si Killian naman ay nakatayo sa tabi ni Cillian.

Mas lalo akong naluha. Nanginginig din ang mga kamay ko.

" Shh. Tahan na. Maayos na ang lahat." Pagpapatahan ni Cillian sakin habang si Killian ay nakatingin lang samin.

" P-paano niyo n-nalaman?" Tinutukoy ko ang nangyari. May palagay akong sila ang tumulong sakin kagabi.

" You called me last night. Narinig kong sumisigaw ka at humihingi ng tulong. So, I hurriedly called the police. Nang makarating ako dito ay mabuti na lang at napigilan ko ang babaeng yun na gawan ka pa ng masama." Paliwanag ni Killian na siya palang natawagan ko kagabi.

Pinilit kong patigilin ang pag-iyak ko at pinakalma ko din muna ang sarili ko nagpasalamat sa kanilang dalawa.
" Maraming salamat sa inyo. " Sinserong pasasalamat ko sa kanila.

" Nasaan na yung babae?" Nakuha ko pang itanong ng maalalang muli yung babae. Habang tinatanong iyun ay tumatak sakin ang itsura ng babaeng iyun kagabi. Pamilyar talaga siya sakin parang nakita ko na siya dati.

Biglang pumasok sa alaala ko ang unang araw ko dito sa Wardein. Yung babaeng kinausap ka sa isang eatery dito sa tapat ng bahay at pinagtanungan ko kung saan mayroong mauupahan. Sigurado akong siya iyun. At posibleng siya rin ang nagmamasid sakin nitong mga nakaraang araw.

" Nahuli na siya ng mga pulis. Pagnanakaw ang motibo niya kaya pinasok niya 'tong bahay. Nagkataong nakita mo siya kaya ka niya sinugod. Kilala mo ba siya?" Tanong pa ni Cillian.

" Naka-usap ko lang siya ng isang beses. Diyan sa katapat na eatery siya nagtatrabaho. " Paliwanag ko.

Tumango naman sila bago muling nagsalita si Cillian. " Narito yung wallet mo na isa sa mga nakuha sa kaniya kasama nung iba pang bagay na tinangka niyang nakawin. Naito din yung phone mo na nakuha naman kanina sa taas. " Inilapag ni Cillian ang isang malaking selyadong plastic kung san nakalagay yung mga gamit na tinangkang nakawin nung babae dito sa bahay at phone ko sa table sa harap namin.

Nakahinga ako ng maluwag ng malamang naibalik naman ang mga gamit ko pero masaya na akong ligtas at buhay ako ngayon.

" Ano nga palang nangyari sakin?"

" Nadatnan kitang walang malay dun sa may hagdan. Nagkaroon ka ng maliit na sugat sa may sentido pero ayos na naman. " Sagot ni Killian. Nang mabanggit niya ang tungkol sa sugat ay napahawak ako sa sentido ko at ngayon ko lang napansin na may bandage ako sa may sentido.

" Teka, paano niyo pala siya nahuli? Tinangka kong tumakas kagabi pero hindi ko nagawa. Ang bilis niya kumilos at ang lakas niya rin. Mabuti at hindi siya nakatakas. Atsaka akala ko may gagawin pa siyang masama sakin dahil naaalala kong inilalapit niya ang mukha niya sakin. Tapos mayroon akong nakitang lumabas sa bibig niya pero hindi ko na nakita ng malinaw dahil nahilo na ako at nanlabo na rin ang mga mata ko. " Nakita kong bahagyang natigilan ang dalawa.

Warden (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon