We had our lunch in a restaurant na sikat sa mga masasarap na putaheng inihahain nila sa mga customers nila. Ang naging tanghalian namin ay mga classic filipino foods na nilagyan nila ng twist para mas maging masarap at kakaiba.
After lunch ay nagtungo naman kami sa gitnang bahagi ng bayan. Mas marami na ngayong tao dito kaysa kaninang umaga noong dumating kami dito. Hindi na din banda ang nagpeperform sa stage sa gitna kundi isang dance group. Nakatayo kami sa labas na parte kung saan nakatayo iyung stage at mga bangko na inuupo-an ng mga audience. Nanonood ang ilan sa amin at ang iba naman ay nakikipagkuwentohan lang sa mga katabi nila. Nang matapos ang pagsayaw ng grupo ay nagdecide kaming maghiwa-hiwalay at nag-usap na lang na magkita sa harapan ng isang parang space kung saan mayroong mga rides at kung ano ano pa na kadalasang makikita sa isang amusement park o perya kumbaga na nasa dulong parte ng bayang ito mamayang mga alas-cuatro bago magdinner.
"So, sino sino ang magkakasama?" Tanong ni Dmitri.
"Wait. Saan niyo ba munang gusto pumunta?" Dagdag na tanong naman ni Cillian.
"Ako doon sa may bazaar." Sagot ni Pj.
"Sinong gustong sumama sa kanila?" Tanong ni Cillian habang nakaturo kina Pj, Felix at Pica na sure nang pupunta doon sa bazaar.
Nagtaas naman ako ng kamay. Gusto kong pumunta doon. Baka kasi may mapili ako o mabilimg gamit, gusto ko din ng bagong mga damit kaya sasama ako.
"Okay, then, si Ava ang sasama sa inyo Felix."
" Dito lang kami sa area na ito." Sagot naman ni Ellias habang ang tinutukoy na kasama niya ay sina Dmitri at Callum na makakasama niya ata.
"Dito kami sa may west side. Madami daw doong pwedeng puntahan kaya sa parte don kami gagala. " Sabi naman ni Killian.
" Okay. Kita kita na lamang tayo don mamaya." Nagsitango naman kami sa sinabi ni Atlas.
Lumapit na ako kina Pj. Akala ko ay kami kami lang ang magkakasama pero sumama din sa amin si Zagan. Naghiwa-hiwalay na kami. Nagpunta kami doon sa side kung saan makikita iyung maliliit na tents. Sa bawat tents ay may mga nakadisplay na mga items na ibinebenta nila. Ang daming magagandang gamit lalo na iyung mga shirts nila na ang mumura lamang. Ang mura lang din ng mga pang-decor na ibinebenta dito. May nagtitinda din ng mga bulaklak, mga accessories at kung ano ano pa. Ang daming pagpipilian. Halos hindi kami makapag-settle sa isang tindahan at halos lahat ay pinupuntahan muna naman para makita kung aling tindahan ang mayroong mas murang items na gusto namin bago kami bumili.
Dalawang t-shirts at tatlong cotton shorts na ang mga nabili ko. Pero hindi pa namin tapos libutin ang lahat ng tindahan dito.
Pinagpapawisan na ako dahil nakikisiksik kami sa mga daan kanina kahit hanggang ngayon na nakatigil lang kami sa harapan nitong isang tindahan dahil sa dami ng mga tao.
Naniningin ako ng mga hairpins sa isang store actually isang mahabang table lamang siya kung saan nakapatong ang lahat ng itinitinda noong babaeng nagbabantay dito. Tapos isang malaking payong lang ang pantakip sa sinag ng araw.
Busy ako sa pagtingin dahil hindi ako makapili nang maramdaman ko ang pagpulupot ng braso ng lalaking nasa likuran ko sa aking katawan at ang bahagya niyang paghikit sa akin papunta sa side niya. I immediately looked at the guy who was holding me at bahagya pang nagulat ng makita ko si Zagan.
"May dumaang bisekleta." Paliwanag niya. Napalingon ako sa likod at mayroon nga. Hindi na dapat ito pinapadaanan ng sasakyan lalo na't ang sikip. Bumalik naman ang tingin ko kay Zagan.
"Pwede mo ng tanggalin ang kamay mo." Mahinang bulong ko sa kaniya. Masyado kaming malapit sa isa't isa at mas napapalapit pa kami dahil sa bahagyang tulukan dahil sa liit at sikip ng daan dito din mismo sa kinatatayuan namin.

BINABASA MO ANG
Warden (COMPLETED)
VampirThey are the people who are willing to do anything to protect their people, their race. -- Happy 1k Reads! Started: July 15, 2020 Finished: Jan. 14, 2021