" You can't escape now. And you can never leave this place anymore. "
Nabato ako sa aking kinatatayuan dahil sa sinabi nang lalaking nasa harapan ko. Pinangingilabutan ako at sumama pa ang kakaibang gaspang at lamig sa boses niya na nagpatindig sa mga balahibo ko.
When I came back to my senses, I immediately step back. Imbes na pansinin ang sinabi niya ay pilit ko iyung inignora at lalagpasan na siya nang mayroong mga kamay na humawak sa magkabilang braso ko.
" Bitawan niyo ko!" May diing sabi ko sa dalawang lalaki na nakahawak sakin. " Gusto ko nang umalis. Siguro naman may kalayaan akong gawin yun! " Na-iinis na usal ko pero imbes na bumitaw sila ay hinigpitan pa nila ang hawak sa akin.
Napatingin ako sa harap ko nang marinig ang mahinang tawa mula sa lalaking nasa harapan namin. Tila nag-eenjoy siya sa nangyayari base sa tono ng tawa niya pero ibang iba pagdating sa mga mata niya. Para silang walang-buhay. Walang emosyon.
Sa isang iglap lang ay nawala ang ngiti sa mga labi niya. " Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari sa'yo?" Kababakasan nang panganib ngayon ang malamig niyang boses.
" Wala akong ginawang masama!" Sigaw ko sa kaniya. Pinrotektahan ko lang ang sarili ko kagabi.
Nagulat ako nang biglang humakbang siya palapit sakin at sinakal ako. "Then, you shouldn't have killed one of my men." Kalmado pa ring sabi niya sa mismong harapan ko.
"P-pinrotektahan ko l-lang ang s-sarili ko!" Nanginginig ang boses ko habang dinedepensahan ang sarili. Maluwag pa ang pagkakahawak niya sa leeg ko kanina kaya bahagya na akong nahihirapang huminga at nasasaktan din ako. Pero mas hinigpitan niya iyun at halos umangat na din ako dahil sa pagtaas niya sakin.
Pilit kong hinahabol ang hininga ko nang maramdamang mas humihigpit pa ang pagsakal niya sakin. Naramdaman kong binitawan na ako nang mga tauhan niya kaya ginamit ko ang mga braso kong malaya na ngayon para abutin ang lalaki sa aking harap. Pilit ko din siyang pinagsususuntok sa braso at tinatanggal ang mga kamay niya sa leeg ko. Pero napakalakas niya at ramdam kong kinokontrol niya ang lakas niya para hindi ako tuluyang mawalan ng hininga. Nakita ko rin ang pag-angat ng gilid ng labi niya habang nakikita akong nahihirapan. Para niya akong pinaglalaruan, mali, pinaglalaruan niya talaga ako.
Tinry ko namang sipain siya pero hindi siya natitinag at mukhang hindi rin nasasaktan. Hindi ko na kaya ang sakit at mas nahihirapan na ako ngayong huminga. Bumabalong na din ang mga luha sa aking mga mata. Parang ilang saglit na lang ay bibigay na ako.
Muli akong nagulat nang bitawan niya ako. Dahil sa panghihina ay hindi ko nagawang makatayo nang bitawan niya ako kaya't napa-upo ako. Naramdaman ko ang tuluyang pagtulo nang mga luha ko at kasabay noon ay ang paghahabol ko sa aking hininga. Parang hindi pa rin ako makahinga nang maayos kahit na binitawan niya na ako.
Tiningala ko siya at nakitang nakatingin din ito sa akin habang nasa bulsa ang mga kamay. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisian niya lang ako.
"You shouldn't have come here if you'll only cause chaos. And now, you have to pay for it." Inalis niya na ang tingin sakin pagkatapos niya iyung sabihin.
" Kailangan ko bang paulit-ulitin sa'yo? Pinrotektahan ko lang ang sarili ko." May diing muling pagdedepensa ko.
"Kung mayroong dapat magbayad dito, kayo yun! You're killing innocent people!" Sigaw ko. Nakakaramdam ako nang galit dahil parang ako pa ang may kasalanan.
"We are peacefully residing here in Wardein, then, you, people, came here and blame us for being careless? " Mapang-uyam na sabi niya. Paano niya nasasabing pagiging careless ang dahilan kung bakit kami inaatake nang mga katulad gayung hindi naman niya alam ang mga tunay nangyari?
BINABASA MO ANG
Warden (COMPLETED)
VampiriThey are the people who are willing to do anything to protect their people, their race. -- Happy 1k Reads! Started: July 15, 2020 Finished: Jan. 14, 2021