21

68 7 0
                                    


Nangyari na nga ang mga pinag-aalala ko nitong nakaraang araw. Ang pagkikita ni Papa at Mrs. Vladmir.

Alam kong ang liit na ng chnace na si Mrs. Vladmir ang kliyenteng tinutukoy ni Mama pero mukhang matatas din ang paninindigan ni Mrs. Adaillah dahil gumawa pa rin siya ng paraan para makipagkita at makipag-usap kay Papa tungkol sa gusto nitong mangyari. And I'm sure na maaari niya ding banggitin dito ang existence ng mga bampira at kapag nangyari iyun ay maaaring pilitin din nilang sumali si Papa sa organisasyon nila.

Napapitlag ako ng makarinig ng katok mula sa bintana ng aking sasakyan. Nasa labas niyon ay isang staff ng restaurant. Ibinaba ko naman ang salamin ng sasakyan para maka-usap siya.

"Papasok po ba kayo, Ma'am?" Magalang na tanong nito. "May mga sasakyan na po kasing naghihintay sa likod. Pwede ko ho kayong ipagparada at pumasok na po kayo sa loob." Magalang pa ring paliwanag niya.

Wala sa sariling bumaba ako ng sasakyan at hinayaan siyang sumakay ng sasakyan ko. Iginiya naman ako ng isa pang attendant papasok ng restaurant. Now that I am inside ay na-feel ko ang pagiging out-of-place especially ng suot ko. Lahat kasi ng mga kumakain ay halos naka semi-formal or casual talaga.

Wala naman kasi akong balak pumasok dito pero lutang ako kanina kaya hindi ko na alam ang ginagawa ko. Inihatid niya ako sa mesa kung saan mayroong dalawang upuan. Na-upo naman ako kahit na wala talaga akong balak kumain dito. Pero kung gusto kong magbantay at magmatyag ay wala na akong magagawa kundi ang kumain dito.

Inilibot ko ang tingin sa buong restaurant pero hindi ko makita si Papa kahit si Mrs. Vladmir o si Zagan man lang. Mayroon bang private rooms dito? Iyung pang VIP?

Parang sinasagot ng tadhana ang mga tanong ko dahil mula sa isang pinto ay lumabas si Zagan mula roon. Pasimple ko namang itinakip ang menu sa mukha ko dahil baka mapansin niyang nandito ako.

Mayroong nakabantay sa may pinto na papasok siguro sa private rooms na iyun kaya hindi ako pwedeng basta basta na lamang pumasok ng walang pahintulot doon. I am silently praying na magkaroon ng himala o kaguluhan para matigil ang meeting nila.

Then, I remembered my Mom. Kaya akong tiisin ni Papa pero kung may taong pwedeng magpabago sa isip at desisyon niya ay walang iba kung hindi si Mama. Ganun kahalaga at kamahal niya si Mama.

I immediately grab my phone and texted my Mom. Kinamusta ko muna siya at tinanong kung ano ang ginagawa niya. Nalaman kong katatapos pa lang niyang kumain ng hapunan at nasa kwarto na siya ngayon. Kasunod noon ay hiningi ko na ang pakay ko.

'Mom can you please turn off your phone. Kahit hanggang umaga lang at kung maaari ay huwag kayong sasagot ng kahit na anong text o tawaga kahit kanino, kahit kay Papa.'

Pagkatapos ko iyung i-send ay nag-reply din naman siya agad na tinatanong kung bakit at para saan. Pero sinabi ko na lang na sa susunod ko na lamang sasabihin. Pumayag naman siya kaya may umusbong na tuwa sa aking puso.

Matapos ang ilang segundo ay nag-try akong tawagan siya para masigurong patay na ang telepono niya. Pagkatapos nun ay hinintay ko na lamang na lumabas si Papa mula sa kwartong iyun. Pero kung hindi iyun mangyayari ay mag-f-fail din ang plano ko.

I waited, and waited, and waited until I saw Papa walking out of the door that leads to the VIP rooms. Nakita ko siyang lumiko patungo sa daan patungong CR.

Mabilis akong tumayo at humabol sa kaniya. Hinihingal ako ng tuluyang makalapit sa kaniya. Bago pa man makapasok ng CR si Papa ay hinawakan ko na ang braso niya.

"Pa!" I blurted out.

"Ava? Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong niya sa akin nang lumingon siya sa akin. Tumingin pa siya sa paligid na tila tinitingnan kung mayroon ba akong kasama.

Warden (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon