Kinabukasan ay balik na ulit ako sa trabaho ko. Hanggang sa dumaan ang ilang araw ay bahay at trabaho lang ulit ang inaasikaso. Though nagiging malapit na ako sa mga katrabaho ko at komportable na sila sa akin.
Mayroon din akong nakilalang kapit-bahay, si Ms. Carnello at masasabi kong close na kaming dalawa. Nasa 60 na ang edad niya. Wala siyang pamilya at dito na siya tumanda sa Wardein. Mayroon siyang malayong mga kamag-anak pero hindi na niya ma-contact ang mga ito. May negosyo siya sa ibang bayan na hina-handle ngayon ng business partner niya. Masaya siyang kasama at ang turing niya sa'kin ay tila isang apo. Ang bait din niya. At sa halos iilang araw palang naming magkakilala ay talagang naging malapit kaming dalawa.
Friday ng hapon, ka-uuwi ko palang ng bahay mula sa trabaho. Pagkatapos kong magbihis ng pang-bahay ay bumaba na ako at nagtungo sa kusina. Magluluto kasi ako ng ulam para sa hapunan.
Bago palang ako nagpre-prepare ng lulutuin ko ng marinig ang katok at pagtawag mula sa labas. Nagmamadali akong pinuntahan iyun. Bumungad sa akin si Ms. Carnello na may hawak na tupperware.
" Iha, nakakain ka na ba? Narito ang ulam. Gusto ko sanang ipatikim sa'yo ang luto ko." Nakangiting sabi nito.
" Talaga po? Halika po kayo, pasok po. Sabayan niyo po ako sa pagkain." Natutuwang sabi ko sa kaniya. "Magluluto na sana ako ng ulam ko. Buti po at dumating agad kayo. Haha." Biro ko. Natawa din naman siya.
Sabay kaming pumunta sa kusina. Inayos ko ang hapag at naglagay ng mga pinggan pero pinigilan niya akong lagyan pa ng isang pinggan na para sa kaniya sana.
" 'Wag na ako. Kumain na ako. Gusto ko lang talagang ipatikim sa' yo ang mga luto."
" Ah, sige po." Ibinalik ko naman ang pinggan at nagsandok na lang nang kanin sa pinggan ko at pumunta sa hapag kung saan naka-upo na si Ms. Carnello.
Ang sarap ng luto niya at mukhang natuwa din siya sa reaksyon ko sa luto niya. Habang kumakain kami ay nagkukuwentohan din kami. Kinukwentohan niya ako tungkol sa kabataan niya.
Naputol ang pag-uusap namin dahil sa mga katok mula sa pinto at tumatawag sa pangalan ko.
" Saglit lang po." Paalam ko sa matanda.
" Sige lang, iha."
Pumunta ako sa may pinto at pinagbuksan ang walang tigil na kumakatok. Nakita ko si Cillian na nakangiting-aso habang si Killian naman ay nasa likod ng kuya niya na hinihintay lang akong pagbuksan sila ng pinto.
" May ibang tao?" Tanong ni Killian.
Hindi pa ako nakakasagot ng nilagpasan na lang ako ni Cillian at dumiretso sa kung saan at sumunod naman sa kaniya ang kapatid niya. Nakita ko sila sa kusina. Nakatayo sila sa may dining table habang nakatingin kay Ms. Carnello na naka-upo doon.
" Akala ko may itinatago ka na saming lalaki." Sabi ni Cillian ng makapasok ako sa kusina.
" Wala namang ibang lalaking nakakapasok dito kundi kayo lang." Balik ko naman.
" Oh, mga iho, upo kayo." Anyaya ni Ms. Carnello sa dalawa. Naupo naman yung dalawa.
" Luto niyo po? " Magalang na tanong ni Cillian nang nakangiti. Tumango naman si Ms. Carnello.
Ako naman ay kumuha na lang ng plato at kusara't tinidor. Inilagay ko iyun sa harap nina Killian. Kumuha na din ako ng kanin at inilagay sa hapag.
" Bakit dadalawa kayo? Nasaan yung isa pang binatang lagi ninyong kasama." Tanong ng matanda sa kanila. May iba pa ba silang kasa-kasama?
" Ah, wala po siya. Masyadong busy." Sagot ni Killian sa kaniya. Ako naman ang nagtanong sa kanila dahil parang sila lang naman ang nakikita kong laging magkasama.
BINABASA MO ANG
Warden (COMPLETED)
VampiroThey are the people who are willing to do anything to protect their people, their race. -- Happy 1k Reads! Started: July 15, 2020 Finished: Jan. 14, 2021