Twenty

215 12 0
                                    

Chapter Twenty

Kurt's POV

Tinawag ako ng mom at dad ni Camila at hindi maganda ang nararamdaman ko ngayun. Kung kinakabahan ako kanina. Mas kinakabahan ako ngayon. Sobrang kaba etong nararamdaman ko. Parang yung kinain ko lahat kanina da dinner nawala. Dahil pakiramdam ko manghihina ako ng wala sa oras.

Ganito pala talaga ang pakiramdam na kaharap mo ang magulang ng babaeng gusto mo. Nang babaeng mahal mo. Nakakakaba. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong tinding kaba. Buong buhay ko, ngayon lang ako nagkaganito.

"hijo, pasok ka." sabi sakin ng mom ni Camila habang nasa labas pa ako ng office ng dad ni Camila sa bahay nila. Pumasok na rin ako kagaya nang sabi ng mom ni Camila, at mas kinabahan ako lalo. Sobrang kaba.

Para akong natigilan sa kinatatayuan ko ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako mapakali dito. Ngayun ko lang naramdaman ito, yung hindi ko alam ang gagawin ko sa susunod na pwedeng mangyari.

Meron akong naging girlfriend bago ko naging kaibigan si Camila. Iyon lang ang tanging kaya kong gawin para mawala ang nararamdaman ko kay Camila, pero mali ako. Sobra ko pa siyang nagutuhan. Sobra sobra. Ngayon pa nga lang alam ko na sa sarili ko. Alam na alam ko na. Mahal ko na si Camila.

Di ko kayang mawala siya sakin.

"Hijo, maari ka nang umupo." natauhan lang ako nang bigla uliy magsalita ang mom ni Camila kaya umupo na ako sa sofa na nandito sa office ng dad ni Camila.

Nakatayo ang dad ni Camila at ang mom naman niya ay naka-upo sa isa pang sofa dito sa office.

Ang tahimik. Ramdam ko ang tensyon dito. Hindi ko alam kung anong itatanong saakin ng dad at mom ni Camila pero gusto ko munang kalmahin ang sarili ko. Kurt! Kumalma ka! Nababakla ka na ba? Tatanungin ka lang nila kaya kumalma ka diyan babatukan kita eh. Minsan baliw etong konsiyensya ko. Mas lalo pa akong kinabahan aish.

"Kurt, bakit mo ang anak namin?" tanong ng mom ni Camila.

Humugot ako ng lakas dito sa loob ko para sabihin ang gusto kong sabihin sakanila "She may may be the pretiest girl I've ever met. But she's the only one who can make me go crazy whenever I'm with her."

Siya lang ang bukod tanging babae na nakapagpaganito sa akin. Siya lang wala nang iba.

Naglakad lakad ang dad ni Camila kaya medyo nakaramdam nanaman ako ng tensyon.

"Bakit mo gusto ligawan si Camila?"

"Because she deserves to be loved by someone. I'm not perfect for her, but I'll do everything to make her happy. I can't promise that I'll not hurt her but I can promise that I will love her unconditonally."

Hindi ko maiwasang mapangiti habang sinasabi ko iyon. Naiimagine ko ang mukha ni Camila na nakatawa. Ang ganda niya talaga. Yung mga mata niya kasing ganda rin ng kanyang mga ngiti.

Nang umupo na ang dad ni Camila sa kanyang upuan ay doon lamang siya nagsalita.

"I don't like you for my daughter. But after I heard your answers while ago and since I can see that she's happy whenever she's with you. Then yes, papayagan kitang ligawan mo siya."

Para akong nawalan ng tinik sa dibdib nang marinig ko yun galing sa dad ni Camila.

"I can see how much you love my one and only daughter, Kurt. I trust you so much. So take care of Camila." sabi naman ng mom ni Camila.

"Thank you po ma'am and sir Tiamzon."

"You can call me tita and tito nalang din tawagin ko sa asawa ko kapag wala kayo sa school." nakangiting sabi ng mom ni Camila.

"Thank you po tita and tito." ngumiti ako ng konti. Wala na ang kabang nararamdaman ko. Ang saya pala sa pakiramdam na gusto ka ng magulang ng mahal mo para sakanya.

Camila is the one I love. And I will do everything just to make her happy. Ayoko sanang may humadlang kaso dahil sa pinsan niyang Angelo na yon naiinis lang ako.

Nang matapos na akong kausapin nila tita at tito lumabas kagad ako ng officr ni tito para tignan kung ano na ang ginagawa ni Camila sa living area.

"Camila?"

Nakita ko siyang tumatawa kasama si Angelo. She seems to be happy. Ano ba ang pinag-usapan nila?

"Oh andyan na yung manliligaw mo." sarcastic na sabi ni Angelo pero hindi ko nalang pinansin. Baka ano pang magawa ko sakanya.

"Oh ikaw? Puntahan mo na ate ni Kurt. Bagay kayo." sabi naman ni Camila. Aba? Sa ate ko? Di ako papayag kung ate ko ang magiging girlfriend ng Angelo na yan. "Angelo? Sana mahanap mo na ang babaeng para sayo." yan ang huling sabi ni Camila bagi umalis si Angelo.

Humarap na siya sakin at bigla naman niya akong tinanong kung ano daw pinag-usapan namin ng mom at dad niya.

"Sabi ko mahal kita." nang pagkasabi ko nun ay nakita ko siyang nagblush. Nakakatuwa talaga kapag nagbublush siya. Mas lalong lumalabas ang kagandahan niya.

"Mahal din kita."

Doon ako nagulat sa sinabi niya. Nakatulala siya sakin na parang di niya sinasadya na sabihin iyon sa harap ko. Di ko alam ang sasabihin ko sa sinabi niya sakin. Gulat din ako sa sinabi niya.

"OMG. I need to go!" biglang sabi ni Camila tapos nagmadali pa siyang tumakbo papunta ng second floor ng bahay nila

"Teka! Camila!" sabi ko sakanya pero di niya na ako sinagot.

Mahal na nga niya ba talaga ako?

-

Sorry guys! Ang tagak kong hindi nakapag-UD. Kahapon (Jan31) bday ko. Kahapon ko dapat iUD eto kaso busy ako saka pumunta ako sa MEET UP ni ate Tina (blue_maiden) ayun sana maappreciate niyo etong update kong ito.

-BYEpjulienne

Stolen First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon