Chapter Twenty Nine
"Anong oras kayo umuwi kagabi?" bungad kagad sakin ni kuya Jeremy. Hays! Akala ko hindi niya ako papagalitan pero eto ayan nagsimula na siyang magtanong sakin at kay Angelo. Pailing iling nalang ako dito kaya inulit nanaman ni kuya ang tanong niya "Anong kras kayo umuwi kagabi?," nakatitig lang si kuya sakin "...Saan kayo pumunta?"
Flashback
"I'll do anything for you"
"Ay ang drama! Tara na nga!" sabi ko kay Angelo at hinila ko nalang ang kamay niya kasi parang wala siyang balak umalis sa kinayatayuan niya dito.
Nang nasa harapan na kami ng kotse, binuksan niya ang pinto sa passenger's seat at umupo na ako saka lang siya pumunta sa driver's seat. Nang magsimula siyang magdrive. Isa lang ang nasa isip ko. SAANG MALL KAMI BIBILI NG BOOKS? Kasi kahit nakakailang balik na rin naman kami dito sa Laguna hindi ko pa rin kabisado ang lugar dito.
Medyo matagal na rin nagdadrive si Angelo kaya nagworry ako. Alam niya ba talaga kung saang mall ang pupuntahan namin? Ayokong mawala dito sa Laguna, mabilis ako magfreakout. Baka di ko kayanin.
"Oy, Angelo? San na tayo? Ang tagal mo nang nagdadrive ah?"
"Trust me. Alam ko tong ginagawa ko. Malapit na tayo."
Tumango nalang ako sakanya bilang sagot ko, hindi ko alam pero pagkasabi niya non ay naging panatag na ang loob ko. Makalipas ng 10 minuto, andito na nga kami sa mall. Mas naexcite ako ngayon! Bibili kami ng books! Malaya ulit akong makakabili ng gusto ko.
"NBS AGAD TAYO AH?" excited kong tanong kay Angelo. Medyo napalakas rin ata ang boses ko kasi yung ibang naglalakad dito sa may parking ay napatingin sakin pero di ko nalang sila pinansin. Excited na kasi talaga ako.
"Oo nga." sabi niya at ngumisi pa "..ngayon lang kita nakitang ganyan kasaya."
"Books kasi eh." nakasmile kong sabi sakanya at pumasok na kami ng mall.
"Dapat pala dati ko pa nalamang mahilig ka magbasa para naman dati pa lang binilhan na kita ng books." nakasmile ulit ako sa sinabi niya.
"Ayos lang yon. Tara na!" hila ko ulit sakanya sa second floor kasi tanda ko nasa second floor ang NBS dito sa mall na ito.
Nang nasa tapat na kami ng NBS, kakaibang excitement ang naramdaman ko. Lagi akong ganito kapag books ang pinaguusapan. Sobra akong natutuwa dahil nakapunta ulit ako sa nbs. Ang tagal ko nang hindi nakakabili ng libro.
Tinignan ko muna si Angelo at nakatingin lang siya sakin nang tingin na ano-pang-iaantay-mo na look kaya nagsimula na akong pumunta sa mga books at pumili ako ng gusto kong basahin at bilhin, well technically si Angelo ang magbabayad.
The Geography of you and me by Jennifer E. Smith caught my attention. Mukhang maganda kaya eto nalang ang ipapabili ko kay Angelo. Itetxt ko sana siya kasi wala siya dito sa kung nasaan ako nang bigla naman siyang sumulpot nalang bigla na may hawak na wattpad book.
"Dagdag mo na rin ito. Yan lang ba napili mo?" tumango ako sakanya at saka kinuha niya sakin yung book na napili ko "Sayo na rin tong napili kong wattpad book." tumango naman ako bilang sagot ko sakanya.
Nang mabayaran na niya yung librong binili niya for me, nagyayaya ako sakanya na puminta sa department store.
"Anong gagawin natin don?" tanong niya
"Bibilhan kita ng shades? Watch? Hat? O kung ano mang gusto mo. Tara!" aakmang lalabas na ako ng NBS kaso narinig kong magsalita si Angelo
"Ano pang silbi ng mga pamporma na yon, kung ikaw nga mismo hindi mapa-saakin."
BINABASA MO ANG
Stolen First Kiss
Genç KurguAno feeling na halikan ka ng taong mahal mo? The fact na siya ang first kiss mo. Let's emphasize. FIRST KISS. Masaya ba sa feeling? Na parang ayaw na hugasan yung labi mo dahil nga hinalikan niya ito. Ganyan siguro ang feeling kapag galing sa TAONG...