Four

467 16 2
                                    

Chapter Four

It's been 1 week. Wala pa ring nagbabago ganon pa rin naman eh. Lagi pa rin akong pinagsasabihan ng mga babae sa school ng masasakit na bagay. Halos araw araw nila akong tinitignan ng masama at yung iba ay sinasabunutan pa ako. Pero hindi rin naman nagtagal yung mga sumasabunot sakin kasi pinapa-expell ko sila. Wala naman masama kung i-expell sila kasi nararapat lang naman eh.

Bullying kaya ginagawa nila! Kaya dapat lang yon. 1 week, ang daming nangyari sa nakalipas na 1 week, isa na yon ang hindi pa rin ako tinitigilan ng magnanakaw ng halik na yon! At ang nakakainis pa ay sabi kong wag akong kausapin o kulitin ay waepek dahil lagi niya akong ginugulo. Ang masaklap pa ay kinabukasan na kapag nakakasama ko siya ay may nakabandera nanamang tarpaulin sa hallway ng school namin kung ano ginagawa naming. Well siya lang naman kumakausap sakin eh hindi ko siya pinapansin pero kahit ganun lang dami pa rin nagagalit sakin.

Aminin mo na kasi na gwapo si Angelo kaya ganyan epekto. Madaming naiinis sayo kasi na-iinggi sila. Fishtea naman tong konsiyensya ko! Kung ano ano pinagsasabi batukan ko siya eh! Ay wag masasaktan lang ako.

On the way na ako sa school, si manong Andong ang nagdrive ngayun kasi naka-leave yung isa naming driver. Kaso ang malas ko ata ngayun kasi kung kelan nandito na kami sa school bigla naming nasiraan ng kotse. Bakit? Meron pa naman kaming event sa isang hotel na medyo malapit dito sa school namin kaso wala eh nasiraan kami. No choice. Magco-Commute ako, Kahit first time kailangan ko 'to.

Habang nag-aantay ako ng FX naiilang na ako kasi feeling ko may tumitingin sakin pero wala naman pag lumilingon ako. Yung totoo? Nakakainis lang eh pero nung dumating na yung FX mas minalas ata ako kasi natapilok ako at ang nasa harapan ko pa ay si... mr. magnanakaw ng halik na mayabang na yon! Why life? Why? Bakit siya nanaman?

"Earphones ka pa diyan, wala naming tugtog" biglang sabi sakin ni yabang nang naglagay ako ng earphones ng nakasakay na ako sa FX, katabi ko pala siya nakakairita lang. Pero totoo wala namang tug-tug kasi lalagyan ko pa lang, nang lalagyan ko na ng tug-tug yung sa cellphone ko bigla kong nakita si Kurt na sumakay ng FX dito sa FX na sinakyan ko! Kaya lumipat ako ng malapit sakanya.

"Oy Camila!" sabi niya kagad nang makita niya ako. Oh why so gwapo Kurt?

"Hey Kurt! Bakit ka pala nagcocommute? Diba may kotse ka?" tanong ko naman sakanya tapos napangisi siya.

"Nasiraan.." sabi niya tapos naglipbite pa nakng oh! Ang cute niya po! "Eh ikaw? May kotse din kayo diba?"

"Nasiraan din" pagkasabi ko non tumawa lang kami. Nga pala! Naging close ko rin eto si Kurt kasi lagi na rin siya sakin sumasabay pagkatapos nung araw na kinomfort niya ako dahil sa ginawa ni yabang. "Nga pala Kurt. Thank you kasi cinomfort mo ako nung araw na umiyak ako. Sobrang naappreciate ko yon"

Ngumisi ulit siya tapos tinitigan niya ako at nagsmile. "Tagal ko na hinahantay yang 'thank you' mo.." and then tumawa siya "Walang anuman. Basta ikaw. Gagawin ko ang lahat wag lang makitang umiiyak ka." Who wouldn't fall in love with this guy? Ang sweet niya diba? OMG! Pinapakilig nanaman niya ako eh nakakainis lang ha! Naiinis sa kilig pwede ba yon? Sabat ng konsiyensya ko. Well oo kasi nga nangyayari na sakin omg!

Kaso lagging may epal eh biglang may humila sa kamay ko palabas ng FX. Sino pa ba? Natural yung mayabang na 'yon. Kaazar! Bakit ba lagi siyang panggulo sa love life ko ha? Tumigil ka diyan Camila! May girlfriend na si Kurt! FRIENDS lang kayo okay? Sabat nanaman nitong konsiyensya ko para siyang si Karla laging pinapa-mukha niya sakin na wala akong pag-asa kay Kurt.

"Sumama ka sakin" yan lang ang huling sinabi ni yabang nang hilain niya ako. Sumama ako sakanya? Nakakainis lang kasi ayokong sumama kaso ang lakas lakas niya kahit ang payat payat niya! Well hindi naman sobrang payat tama lang. Haaay! Anong oras na ba? 4pm yung event sa hotel eh! 2pm na!

Stolen First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon