Chapter Sixteen
"OMG KURT! ANG SAYA DITO!!" Kakatapos lang namin ni Kurt sumakay sa SKY JUMP na di ko alam kung saang lugar ito. Pero ang saya grabe! Kasi takot talaga ako sa heights pero naconquor ko yon ngayon dahil pinagaan ni Kurt ang loob ko bago kami sumabak sa Sky Jump. Ngayon naman nasa isa kaming bundok. May mga iba rin kaming kasama dito. Hanggang bukas lang kami dito kasi kailangan ko rin umuwi nang dahil sa family gathering namin.
"Asan na gamit mo? Aayusin ko lang dito." sabi ni Kurt sakin kaya binigay ko na sakanya yung gamit ko at nilagay na niya sa tent. Pero hindi pa rin ako mapakali kasi magkasama kami sa tent matutulog mamaya.
"Sige, kakain lang ako ng marshmallow dito." sabi ko sakanya pero I doubt kung narinig niya kasi parang hindi naman kasi busy na siya doon sa loob ng tent.
Hay. Hindi ko akalain na papayag si mommy na sumama ako kay Kurt para dito sa outing na ito. Kasama rin naman namin yung ate ni Kurt saka yung iba niyang pinsan kaya siguro pinayagan ako ni mommy. Ewan ko lang.
Nagulat nalang ako nang biglang nagring phone ko. Aba! Kahit pala medyo gubat na itong lugar na ito nakakasagap pa rin ng cignal kahit papaano.
Mom calling...
"Yes mom?"
[How are you there? How's Kurt? And his sister and cousins?]
"I'm fine mom, I'm actually having fun. Kurt? He's at the tent I dont know what he's doing while his sister and cousins are here with me eating marshmallow."
[I'm glad you're enjoying. Can you call Kurt? I just want to talk to him.]
Nang sinabi yon ni mom nagdadalawang isip ako kung ibibigay ko ba kay Kurt etong phone ko pero since lumabas na si Kurt sa tent inabot ko nalang kagad yung phone ko sakanya.
"Po?" tanong ni Kurt sa mom ko. At hindi ko na alam kung ano sinasabi ni mom "ah ganun po ba? Sige okay lang po sakin. Ahhh. Sige po thank you po." pagkatapos nun binibay na niya sakin yung phone ko at umupo siya sa tabi ko.
"Ano sabi ni mom?"
Kumain muna si Kurt ng ilang marshmallows bago niya ako hinarap.
"Gusto niya daw ako pumunta sa family gathering niyo bukas."
Nang sinabi niya yon.... Kinabahan ako.... Ano nalang mangyayari kapag... Ay ewan. Paano kapag nagkita... Ay hindi ko alam! Naguguluhan din ako! Hindi ko naman sure kung siya ba talaga yon. Pero I have the strong feeling na siya yon eh. Hay ayoko na magkita sila ni Kurt baka kung ano lang mangyari.
"At bakit naman daw?" tanong ko sakanya. Kasi mom always have explanations kung bakit gusto niya gawin ang isang bagay.
"She wants to know me better as your suitor. Kasi before kita sunduin kanina sa bahay niya kinausap ako ng mom mo. And ngayun sinabi niya sakin na mas gusto pa niya daw ako kilalanin. And willing ako kasi I want to show your mom and dad and brothers how serious I am to you."
Natuwa ako sa sinabi niya. Eto yung first time kasi na may naglakas ng loob na ligawan ako. Sabi kasi ng iba anak ako ng may-ari ng school kaya dapat mga kalevel ko lang daw nanliligaw sakin. Pero hindi nila alam mas gusto ko pang mamuhay ng simple kaysa maging anak ng may ari ng school kasi mahirap din eh.
"Tss! Pinapakilig mo ako! Haha!" nang sinabi ko iyon inasar tuloy si Kurt ng mga pinsan niya.
NGAYON LANG KITA NAKITANG NAGSERYOSO
WOW, FOR A CHANGE TALAGA?
IBA TALAGA IMPACT SAYO NI CAMILA
Natatawa nalang ako sa mga sinasabi ng pinsan ni Kurt. Di ko naman akalain na boto pala sila sakin para kay Kurt.
BINABASA MO ANG
Stolen First Kiss
أدب المراهقينAno feeling na halikan ka ng taong mahal mo? The fact na siya ang first kiss mo. Let's emphasize. FIRST KISS. Masaya ba sa feeling? Na parang ayaw na hugasan yung labi mo dahil nga hinalikan niya ito. Ganyan siguro ang feeling kapag galing sa TAONG...