Chapter Fifteen
"Pwede ba kitang ligawan?" nakalipas na ang 2 araw at hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Kurt sakin. Gusto niya akong ligawan? Dati pinapangarap ko lang na sana mapansin ako ng crush ko, at nangyari na. Naging kaibigan ko pa. Tapos ngayun liligawan na ako. Masyado na tong nangyayari sakin. Sobra sobra sa ineexpect ko.
Hindi pa nga ako makaget-over sa sinabi niyang gusto niya ako at crush niya rin ako tapos sasabihan niya na akong liligawan niya ako. This is hard for me to decide. Mahirap magdecide. Kailangan ko pang isipin ng maraming beses bago ko masabi na tama ang desisyon ko.
Nandito nanaman ako sa bahay at narinig ko nanaman ang away nila mom at dad na halos araw araw nilang ginagawa. Masakit para sa isang anak na naririnig mong nag-aaway ang iyong mga magulang. Hindi lang masakit kasi sobrang sakit. Yung dapat nakikita mong nagmamahalan sila pa ang nag-aaway at sila pa yong magulang mo. Hindi ko kaya yung ganito.
Sila dapat yung pinaghuhugutan ng lakas ng mga anak pero bakit ganito sila mom at dad ngayon? Alam ko dumadating sa oras na meron talagang pinag-aawayan ang mga magulang na dapat hindi na i aalam ng mga anak. Pero kung araw araw na silang nag-aaway may karapatan naman siguro dapat kaming mga anak na malaman yong pinagaawayan nila. Kasi kami rin naaapektuhan.
Nagkakasundo lang sila mom at dad pagdating sa trabaho. Pero pagkatapos non, bilang mag-asawa hindi na. Kasi kahit konting magkakamali ni mom nagagalit si dad. Eh hindi naman dapat ganun kagad magalit. Eh kaso iba magalit si dad. Nakakatakot kasi parang gustong gusto niya nang saktan si mom dahil sa galit niya.
Hindi ko na kaya ang bangayan nila ngayon kasi kahit konti lang kaming nandito sa bahay umaalingawngaw ang bangayan nilang dalawa dahil nasa baba sila at sobrang lakas ng mga sigaw nila. I heard mom crying pero sinisigawan pa rin siya ni dad. Nag-aaway pa rin sila. Ang hurap ng ganito. Yung nakikita mo silang ganyan. Yung hindi okay.
Naramdaman ko na biglang may humawak sa kamay ko tapos bigla niyang pinunasan mukha ko, umiiyak na pala ako. Hindi ko man lang napansin. Pagkatapos ay niyakap na ako ni Kuya Jeremy. Namiss ko yung ganitong yakap ni Kuya. Siya lang ang nagpapakalma sakin kasi noong wala pa si Kuya Jerry, si Kuya Jeremy lang talaga ang nakakapag-kalma sakin sa ganitong sitwasyon.
"Bakit mo pinapakinggan away nila? Away nilang mag-asawa yan." sabi naman ni kuya habang hinihimas niya ang likod ko dahil hikbi ako ng hikbi.
"K-kuya, naririnig ko eh. A-ang lakas ng sigawan nila. N-natural lang na marinig ko."
Ngumisi si kuya "I know, Camila. Pero dapat hindi mo nalang pinapakinggan. Nasa loob ka dapat ng kwarto mo. Makinig ka diyan sa BTS, EXO o 1D. Kung ano man ang gawin mo na makakarelax sayo. Kasi tignan mo naiyak ka pa dahil pinakinggan mo sila mom at dad."
Pagkatapos yon sabihin ni kuya hinatid na niya ako sa kwarto ko. Sinamahan niya na ako sa kwarto ko kasi baka daw may gawin akong katanga-tanga. Si kuya talaga minsan masakit magsalita pero totoo naman yung mga kutob niya. Ang tagal din naming tahimik bago ko siya kinausap.
"Kuya, bakit kasi sila nag-aaway? Dapat sila ang pinagmumulan ng pagmamahal sa isang pamilya. Magulang natin sila eh."
hinarap ako ni kuya at hinawakan ang kamay ko pagkatapos ay bumuntonghiniga siya. "May mga bagay bagay na dumadating sa mag-asawa na mga problema na dapat sila lang ang dapat munang umalam. Oo nag-aaway sila, normal lang yon. Pero hindi naman ibigsabihin nin ay hindi nila mahal ang isa't isa."
"Eh kasi sabi---"
"Camila, hindi mo dapat pinoproblema yan kasi problema nilang mag-asawa yan. Anak lang nila tayo. Pero kapag problema nila, wag mo nalang isipin kasi mastress ka pa at hindi tamang mastress ka."
BINABASA MO ANG
Stolen First Kiss
Teen FictionAno feeling na halikan ka ng taong mahal mo? The fact na siya ang first kiss mo. Let's emphasize. FIRST KISS. Masaya ba sa feeling? Na parang ayaw na hugasan yung labi mo dahil nga hinalikan niya ito. Ganyan siguro ang feeling kapag galing sa TAONG...