Chapter Thirty Nine
It's Angelo's birthday today kaya naman maaga ako nagising para pumunta sa bahay nila kasi tutulungan ko pa si tita Sam para magbake ng cupcake, cookies at ng cake para mamaya sa party ni Angelo. He's now 18 years old. Double celebration din daw kasi ang icecelebrate nila today. Successful daw kasi yung naging business transaction nila tita Sam sa States kaya napagdesisyunan nila na isabay ang pagcelebrate ng success nila doon sa birthday ni Angelo.
It will be a normal party pero mas naging bongga dahil kasabay nito ang business celebration nila tita Sam. Di ko alam pero excited ako para sa araw na 'to.
Napagdesisyunan ko kasi na ang ireregalo ko sakanya ay yung inedit kong picture niya at picture ko. Pinaframe ko na rin ito para hindi agad masira yung pinaprint kong inedit na picture naming dalawa. Sigurado akong matutuwa dito si Angelo.
Nagpaalam ako kay kuya Jerry at Jeremy na pupunta na ako kila Angelo. Maaga kasing umalis sila mom at dad para pumunta sa Laguna. Ewan ko ba, may aasikasuhin lang ata sila doon ngayon pero uuwi din naman din daw sila mamaya kasi kailangan nandun din sila sa party ni Angelo slash business celebration din nila tita.
Nagpahatid ako sa driver nila mommy papunta sa bahay nila Angelo. Wala pa masyadong traffic ngayong umaga kaya mabilis kaming nakapunta sa bahay nila Angelo. Sinabihan ko nalang din si manong na text ko nalang siya kaya magpapasundo na ako dito.
Nagdoorbell agad ako pagkababa na pagkababa ko ng kotse namin at si tita Sam ang nakabukas ng pinto.
"Tita! Goodmorning!" magiliw na bati ko at saka nagmano ako sakanya.
"Camila, ang aga mo ah. Tara, pasok." sabi sakin ni tita Sam na nakangiti.
Nang makapasok ako sa loob ng bahay nila, nagaayos na agad ang mga kasambahay nila para mamaya. Ang aga nilang magprepare. Madami rin siguro ang pupunta mamaya. Siguro pati yung ibang business partner nila tita ay pupunta rin dito kaya ngayon palang ay pinaghahandaan na nila ito.
"Excited lang po. Mamaya ko nalang ulit makikitang nakaformal wear si Angelo eh."
Natatawa kong sabi kay tita. After all this years kasi mamaya ko nalang ulit siya makikitang magsusuot ng suit and tie. Ngayon pa nga lang ay iniimagine ko na ang magiging itchura niya mamaya kapag suot na niya ang suit and tie niya.
Kasama kasi ako ni tita Sam nang pinagawan niya ng suit si Angelo kaya ngayon pa lang excited na ako mamaya.
Minsan ko nalang din kasi nakikitang mag-ayos tong si Angelo, pero alam ko namang gwapo siya. Kaso syempre iba pa rin kapag nakasuot ng suit and tie.
Masyado na rin kasi siyang nakatutok sa thesis na ginagawa nila dahil parehas na kaming graduating. Konting panahon nalang ay graduate na kami ng colegio. Napangiti ako sa naiisip ko.
"Oh tara na Camila. Ano gusto mong una nating i-bake?" natauhan ako nang magsalita si tita Sam.
"Ahh, uhmm. Ano nalang po... Yung cupcake." sabi ko kay tita at saka pumunta na sa may kitchen nila. Nakalabas na pala lahat ng ingredients na kailangan kaya madali nalang ang gagawin namin.
---
Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin namin ang cupcakes, cookies at cake kaya pumunta muna ako sa may living room nila para umupo. Nakakapagod rin pala magbake.
Asan kaya si Angelo? Hindi ko pa siya nakikita dito sa bahay nila.
Napagdesisyunan kong pumunta sa tree house na ginawa niya para tignan kung andoon siya.
"Angelo?" sabi ko habang paakyat ako sa tree house.
Nakita ko siyang nakahiga at tulog nang makapasok na ako sa loob ng tree house. Aba, tumihilik pa siya. Ang cute.
"Uyy." pilit ko siya ginigising pero wala akong magawa kasi tulog pa rin siya ngayon.
Nilibot ko ulit ang tingin ko sa buong tree house. Ang dami na din pala naming memories together at nakakatuwa kasi kahit ang dami naming pinagdaanan ay nandito pa rin kami. Di pa rin nagkakahiwalay. Sana ganito na kami panghabang buhay.
Nagulat nalang ako nang biglang may magbato sa akin ng unan kaya napalingon ako kay Angelo. Gising na siya.
"Aba! Ang sama mo ah! Di porket birthday mo ngayon ganyan ka na." sabi ko sakanya at tumawa lang siya.
"Wala man lang birthday kiss?" sabi niya at saka lumapit sa akin pero lumayo ako sakanya.
"Oy Angelo! May iba akong regalo sayo, wag ka ngang pilyo diyan!" pero ang loko ngumisi lang.
"Nag-abala ka pa eh yung kiss mo lang sapat na."
"Hoy! Wag kang ganyan sasapakin talaga kita!" sabi ko sakanya. Tila naghahabulan kami sa pinaggagawa namin dito sa tree house, ako iwas ng iwas at siya naman ay habol ng habol sa akin. Pero makalipas din ang ilang minuto na nasa ganoong scenario kami ay nahablot na niya ang aking kamay at saka niyakap niya ako.
"Wag kang magagalit sa akin ah?"
Napakunot ang noo ko. Bakit naman ako magagalit sakanya? He cupped my face at saka nagsalita ulit.
"Kahit anong mangyari, promise me... Wag kang magagalit sakin."
"A-ano ba yang pinagsasabi mo?" naguguluhan na tanong ko sakanya pero imbis na sagutin niya ay niyakap niya ako ng mahigpit.
Bakit ba ganon sinasabi niya sa akin? Hindi ko tuloy maiwasang malungkot pero birthday niya ngayon dapat masaya kami.
"Nako, Angelo. It's your birthday. We should be happy." sabi ko sakanya at doon niya lang ako pinakawalan sa yakap niya.
---
Nang pumatak ang alas-dose ay umuwi muna ako sa bahay para ayusin na ang susuotin ko mamaya sa party ni Angelo. Five o'clock pa ng hapon ang simula ng party pero ngayon pa lang ay kailangan na naming maghanda. Mahirap na ang malate.
Sinundo na ako ng driver nila mom dito kila Angelo at agad naman akong nakauwi.
Si mom ang nag-ayos ng make up ko at ng buhok ko kasi mas gusto raw niya na siya ang mag-aayos sa akin kaysa na sa iba ako magpa-ayos. Ganto rin naman ginawa sa akin ni mom nung 16thbirthday ko eh, siya rin ang nag-ayos sa akin.
Well, mas gusto ko rin naman kasi na si mom ang nagaayos sa akin kapag may special occasions like this dahil siya lang talaga ang nakaka-alam ng gusto kong styles pagdating sa mga ganitong usapin.
Makalipas ng dalawang oras ay nakahanda na ako pati sila kuya. Sila mom at dad nalang ang inaantay dahil may inaasikaso pa sila kaya kumain muna kami ng cookies na binake ko. Nag-uwi kasi ako ng isang kahon ng binake kong cookies doon kila Angelo para naman matikman nila mom, dad at nila kuya ang cookies na binake namin ni tita Sam.
Inabot din kami ng 30min bago nakaalis sa bahay papunta sa bahay nila Angelo.
"Bakit parang balisa ka Camila?"
BINABASA MO ANG
Stolen First Kiss
Roman pour AdolescentsAno feeling na halikan ka ng taong mahal mo? The fact na siya ang first kiss mo. Let's emphasize. FIRST KISS. Masaya ba sa feeling? Na parang ayaw na hugasan yung labi mo dahil nga hinalikan niya ito. Ganyan siguro ang feeling kapag galing sa TAONG...