Thirty Five (Part 2)

168 3 0
                                    

Chapter Thirty Five (Part 2)

"Mi love naman e!" pagmaktol ko habang nilalagay ko damit niya sa cabinet ng condo unit niya. Talagang dito na siya titira at hindi na sa bahay namin. Nakakalungkot naman kasi hindi ko na siya makikitang nakasando lang at nakaboxer shorts tuwing umaga sa bahay namin. Hays Camila! Ano ba tong iniisip mo?

Kasi naman tong si Angelo, kung kelan maayos na ang lahat saka naman doon siya titira sa condo unit na binili sakanya ni tita Sam.

Unfair talaga nitong si Angelo.

2 years...

2 years? Dami rin nangyari sa loob ng dalawang taon. Ngayon nga eh, second year college na kami ni Angelo. Napakabilis talaga ng panahon, parang kailan lang kakahigh school ko lang pero tignan mo ngayon, nasa kolehiyo na ako. Sa dalawang taon na yon, niligawan ako ni Angelo ng mahigit 5 months at ngayon nga eh malapit na ang 1yr and 7monthsary namin e.

Hindi ko nga akalain na magiging sobrang sweet si Angelo sakin. Yung tipong kahit simple gestures lang ang gawin niya, sobra nang bumibilis ang tibok ng puso ko yung tipong para akong nakikipag karerahan ng kotse. Iba talaga nararamdaman ko kapag si Angelo ang gumagawa ng simpleng bagay na kagaya nalang ng pagdala ng gamit ko.

Shems kinikilig ako hinahawakan niya kamay ko. Kinikilig ako kapag niyayakap niya ako. Kinikilig ako kapag hinahalikan niya ang forehead ko at lalong kinikilig ako kapag lagi niyang pinaparamdam sakin na mahalaga ako sakanya.

Naalala ko nga eh noong may group activity kami sa school na lalaki ang kapartner ko, ginawa talaga lahat ni Angelo para maging babae ang kapartner ko sa group activity na yon. Possessive na kung possessive pero aaminin ko, kahit ganon siya. Ang sweet naman ng dating.

Kahit na ganon siya, hindi naman umabot na sobra akong nainis sakanya sa kadahilanang pagiging possessive niya.

Napailing nalang ako sa mga naiisip ko. Lumilipad nanaman ang utak ko.

"Oh ano naman Mi love?" sabi sakin ni Angelo habang nilalagay ko pa rin gamit niya sa cabinet niya. Naradaman ko naman agad ang prisensya niya sa likod ko habang nag-aayos ako ng gamit niya. Bigla bigla nalang niya ako niyakap mula sa aking likuran at naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nagwawala ang sistema ko ngayon dahil sa pagyakap niya.

Aaminin ko, hindi ito ang unang beses na niyakap niya ako mula sa aking likod pero iba pa rin epekto ni Angelo sakin tuwing niyayakap niya ako mula sa aking likod.

"Oy Mr. Angelo Jon Tiamzon, nanananching ka nanaman." sabi ko at saka umiling ako. Hindi ko pa rin siya hinaharap kasi inaayos ko pa rin damit niya sa cabinet niya. Pero kahit na inaayos ko gamit niya, hindi ako makaconcentrate dahil sa yakap niya sakin. Aba. Ayaw pa din akong bitawan. "Angelo. Di ako matatapos dito kung yayakapin mo lang ako."

Natigilan ako sa ginagawa ko nang iharap niya ako sa sakanya and then he cupped my face and look straight in to my eyes.

"Sus. Mamimiss mo ako, alam ko. Kasi di mo na ako makikita araw araw sa bahay niyo." panimula niya habang nakangisi sa akin. "Gwapo ko kasi e. Ang gwapo ng boyfriend mo." dagdag pa niya.

"Full of yourself, huh? Makagwapo. Yabang mo talaga." pagkasabi ko non ay sumimangot naman siya, ang drama naman nitong si Angelo. "Mi love, syempre joke lang yon. Ang gwapo mo e." dagdag ko pa at bigla naman siyang nagsmile.

"Kaya nga jackpot ka sakin e." kumunot noo ko sa pagkasabi niya niyon.

"Anong jackpot ako sayo? Ikaw ang jackpot sakin e."

"Oo na." pagsuko niya "Ikaw lang kasi ang babaeng minahal ko ng ganito. Baliw na baliw ako sayo, Mi love."

Pilit kong pinipigilan ang pagsmile ko pero nabigo ako, sobrang lapad na ng aking ngiti dahil sa kanyang sinabi. Bakit ba ang sweet mo, Angelo?

Stolen First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon