Thirty Five (Part 1)

173 4 0
                                    

[!] Author's Note

Etong chapter na ito ay may flashback na kadugtong sa chapter thirty four, yung sa Graduation scene. So baka lang kasi malito kayo sa susunod ng scene after the graduation. So after ng Graduation scene dito hindi na siya flashback, okay? Kumbaga present mode na siya. Sinasabi ko lang kasi ayokong malito kayo. So yea.

PS: LAST FIVE CHAPTERS.

PPS: pwede niyo akong kausapin sa twitter ko (BYEpjulienne) kung may suggestions kayo or kung gusto niyo lang akong kausapin. Go lang. Let's be friends. Osya!

-BYEpjulienne

----

Chapter Thirty Five (Part 1)

"Congratulations 2014-2015, Graduates!" sabi noong emcee.

Whoa! Hindi ko maimagine na talagang Graduation na namin ngayon. 4 years na pagaaral sa High school? Hindi iyon biro. Masaya. Malungkot. Nakakainis. Mga kalokohan. Lahat na andoon na. Sabi nga nila ang pinakamasaya daw sa pag-aaral ay ang high school life. Which is true. Kahit na merong hindi magandang nangyari sa akin sa high school life ko, it's still the best experience of my life.

Naalala ko yung mga panahong freshmen pa lang ako, kahit pa sabihing anak ako ng may-ari ng school na pinapasukan ko, ay wala ako agad na naging kaibigan. I was too shy back then. Pero hindi ko naman maitatago ang kainisan ko noong freshmen pa lang ako, dahil sa anak ako ng ni dad (may-ari ng school na pinapasukan ko) ang daming umaaligid na sipsip at plastik sa akin.

Kaya masaya na akong si Karla lang ang kaibigan ko simula noong freshmen ako dahil siya kilala na niya ako, pero yung ibang umaaligid sa akin? Tss. If all I know, popularity lang ang gusto nila kaya dumidikit sila sa akin.

Masayang moments? Lahat andun na sa high school life. Lalo na yung bonding naming mga magkakaklase. Naalala ko pa noon kapag meron kaming exam, sinisipa nila upuan ko kapag hindi nila alam ang sagot at minsan naman nagpapasahan pa ng papel ng sagot. Napapailing nalang ako. Mga gawain talaga nila.

Minsan umuubo pa yung mga classmates ko kapag hindi nila alam sagot, binabalot tuloy ng ubo minsang yung klase namin kapag nageexam. Fake cough lang naman. Pero nakakatawa kasi nagkakaisa sila sa kalokohan nilang iyon. Minsan nga nakakawala kaba yung ginagawa nila e.

Hindi din naman mawawala ang malungkot na momet. Naalala ko dati noong sumali ang section namin sa isang choric competition noong English month namin noong third year ako at hindi kami napalad na manalo, sobra kaming nalungkot dahil lahat ng hard work binigay namin para lang sa presentation namin na yon pero natalo kami. Siguro masakit sa una, pero natanggap din naman namin ang pagkatalo namin. Kasi ganoon naman talaga sa mga patimpalak diba? May natatalo, may nananalo. At least you give your best until the end even though you didnt win. Right?

Minsan naman nakakainis ang high school life dahil andyan ang mga bully. Ang mga papansin. Nakakainis. Minsan pinagtyatyagaan ko nalang sila kasi kailangan eh. Bigla ko tuloy naalala si Angelo. Tss. Ang bully non. Nakakainis pero heto, sobra na kaming close ngayon. Nag-iiba nga talaga ang tao.

Pero nasa sayo naman kasi kung seseryosohin mo sila eh. Mga bully? Minsan papansin lang pero minsan ubod na. Kaya nakakainis.

Mga kalokohan? Naranasan ko na yan. Na tipo minsan magpapaalam akong magccr pero didiretsyo ako ng canteen at bibili ako ng pagkain. Pero ayos lang na magloko pero dapat seryoso ka pa din sa pag-aaral mo at hindi mo ito pinapabayaan.

Nakakatuwa kasi umabot ako sa ganito. Ang grumaduate ng high school. First honorable mention pa ako. Nakakatuwa kasi may nalagay saking medal si mom at nakaapak pa siya ng stage para ilagay iyon sa akin. Yung mga ngiti niya. Priceless! Sobrang natuwa si mom.

Stolen First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon