Prologue
"So ako nanaman? Ako nanaman ang mali?!"
"Natural. Alangan ako ang mali!?"
"Oo ikaw! Kung hindi ka sumulpot hindi mangyayari yung nangyari kanina!"
"Ako pa? Ha? Ako nanaman ang sinisisi mo?!"
Ayan nanaman sila. Araw-araw nalang lagi silang ganyan, nag-aaway. Maliit na bagay lagi nilang pinapalaki. Nakakasawa nang makinig sa diskusyunan nila. Ugh.
Laging ganyan si mom at dad. Wala na ata silang ginawa kundi; mag-away, magtrabaho, at umuwi sa bahay. Sabihin nating mag-asawa sila pero on papers lang. Bakit? Kasi even dito sa bahay magkahiwalay sila ng kwarto. Ang saya diba?!
Nagsasawa na talaga ako sa araw araw nilang gawain na ganyan, kaya ngayun sinabi ko nalang kay manang na mauuna na ako papunta sa school at nagpahatid na ako sa driver namin.
Habang nasa kotse ako iniisip ko nanaman yung mga tao sa school. Ugh. Iniisip ko pa lang naiinis na ako agad. Mayaman kami pero hindi naman halata sakin kasi simple lang ako manamit. Maganda naman kasi ako kaya dalang dala ko kahit simple lang suotin kong damit.
Haaay! Hindi kagaya ng mga babae sa school na di na nga maganda tapos kung magsuot ng damit akala mo nasa beach. Call me hard, at least I'm honest.
"Manong thank you po. Dito na ako." Sabi ko kay Manong Ed, andito na kasi ako sa school. Palabas pa lang ako ng kotse naririnig ko na kagad yung mga kaartehan ng mga babae dito sa school. Puro nalang sila chismis, try kaya nila magaral. Psh. Nakakairita kasi sila.
"OMG, ang GWAPO nun oh! Haaay!" Oh tignan mo?! Puro kalandian nanaman ang pinapairal. Okay lang kung matalino sila eh, pero hindi. Kawawa naman sila. Psh.
Naglalakad na ako sa hall papuntang stairs dito sa school kasi malapit na mag-bell. Malaki etong school namin kasi pang mayaman. Binilisan ko na paglakad ko kasi ayokong malate sa first day of school.
Nang nasa third floor na ako may nakita akong limang lalaki na tumitingin sa bawat babaeng dumadaan sa hagdanan. Actually hindi yun tingin. Titig ang ginagawa nila. Eww! ano kayang balak nila? ugh. Pero late na talaga ako kaya kailangan ko na bilisan paglakad ko.
Kaso kung minamalas nga naman oh. Bigla nalang akong nilapitan nung isang lalaki at hinawakan ang braso ko. Tinitigan ako. Hinawi niya yung buhok ko na nakalaylay sa mukha ko at.... Bigla niya akong HINALIKAN! FIRST KISS KO YON!!!!
Dahil sa gulat ko sinampal ko yung lalaki...
"Hoy! Wala kang karapatan halikan ako dahil hindi ka gwapo! Wala ka pa sa kalingkinan ng 1D at ng EXO kaya lumayo ka sakin!!!" Sabi ko sakanya pero kinorner niya ako sa gilid ng dalawang kamay niya.
"Gwapo naman ako ah, tatanggihan mo pa halik ko?" Sabi nung lalaki at ngumiti ng nakakaloka sabay ngumisi at akmang hahalikan ulit ako
"Wag mo akong pagsalitaan ng ganyan, pwede kitang ipatanggal dito sa school!" Inis na sabi ko sakanya.
"oh? Talaga? Natatakot ako." Sabi nung lalaki at umakmang natatakot at biglang tumawa rin yung mga kasama niyang lalaki na nasa likod lang niya.
Dahil sa kainisan ko sinipa ko yung ano niya.. Alam niyo na. "hindi mo pa ako kilala kaya umayos ka Mister Magnanakaw ng halik!" Sabi ko sakanya at hindi ko na hinintay yung sagot niya at umalis na ako.
I am Camila Jan Tiamzon, daugther of the owner of Tiamzon Academy (our school) and Tiamzon Corp. Mabait ako sa mabait, basta wag mo lang akong inisin. Kasi lahat ng sinasabi ko pwedeng pwede kong gawin.
BINABASA MO ANG
Stolen First Kiss
Teen FictionAno feeling na halikan ka ng taong mahal mo? The fact na siya ang first kiss mo. Let's emphasize. FIRST KISS. Masaya ba sa feeling? Na parang ayaw na hugasan yung labi mo dahil nga hinalikan niya ito. Ganyan siguro ang feeling kapag galing sa TAONG...