Chapter Thirty Seven
"Watch? T-shirt? Shades? Perfume? Necklace? Ano ba dito ang ireregalo ko?" frustrated na tanong sakin ni Jinna. Nandito kami ngayon sa isang mall dahil inaya niya ako na bumili ng regalo para kay Theo. Sa party lang ni Theo kami nagkakilala pero dahil parehas pala kami ng university na pinagpapasukan at halos magkaparehas lang sched namin ay lagi na kaming sabay sa galaan o sa kung ano mang bagay na napagtripan naming gawin kapag hindi ko kasama si Angelo.
Ang tindi din nitong si Jinna. Sinabihan ko na siya noong birthday ni Theo na kung ayaw sakanya ni Theo ay lumayo nalang siya pero heto nagpasama pa sakin na bumili ng regalo niya kay Theo. Hay. Hindi naman siya hinanapan ng regalo ni Theo noong birthday niya pero heto siya namomroblema sa kung ano ang ireregalo niya kay Theo.
"Wag mo nalang siyang regaluhan." diretsyong sabi ko sakanya. Ang kulit kasi ng isang 'to. Sinabi ko na nga na wag na mag-aksaya ng panahon na bilhan ng regalo yung Theo na yon pero heto siya at hindi makapili ng ibibigay niyang regalo kay sa lalaking 'yom. Isang linggo na nga ang nakakalipas magmula nung nagbirthday si Theo pero heto siya namomroblema pa rin ng ireregalo niya kay Theo. Masyado kasi kaming busy noong mga nakaraang araw kaya ngayon lang siya may time na bumili ng gusto niyang iregalo doon kay Theo at sinama pa niya ako.
"Ano ka ba?! Camila naman oh. Malay mo kapag niregaluhan ko siya ay bumait na yong isang yon sa akin." sabi niya sakin habang abala pa rin siya sa pagpili ng ireregalo niya kay Theo. Tinitigan ko lamang siya, tila talagang gusto niyang regaluhan si Theo. Napailing nalang ako. Bakit ba sobrang gustong gusto niya yung Theo na yon eh wala naman pakielam ito sakanya. Ako nasasaktan sakanya e. Ilang beses na siya binabalewala nitong ni Theo pero sige pa din tong si Jinna.
Habang naghahanap pa rin siya ng ireregalo kay Theo, hinila ko siya palabas ng store.
"Camila naman oh! Pumipili pa ako ng ireregalo ko kay Theo!" medyo inis na sabi niya sa akin at halatang sobrang frustrated na siya at akmang babalik siya sa loob ng store pero pinigilan ko siya.
"Kakain na muna tayo. Kanina pa tayo naghahanap ng ireregalo mo diyan sa Theo na yan. Anong oras na oh!" sabi ko sakanya. 1pm na at hindi pa kami nakakakain ng lunch dahil nga sa kakahanap ng ireregalo niya kay Theo. Sa totoo lang naiinis nga ako dito kay Theo dahil minsan kapag kumakain ako sa canteen ng university namin ay kapag kinakausap siya ni Jinna ay tila namang kumakausap lang sa hangin tong si Jinna dahil ayaw talaga siyang pansinin ni Theo.
Ang sarap batukan ni Theo kapag ganoon ang ginagawa niya kay Jinna pero wala akong karapatan dahil hindi ko naman alam ang maaring gawin sakin ni Theo at saka pa hindi kami close at hindi ko naman din alam kung ano ba talagang ugali nitong ni Theo kasi di ko pa natatanong si Angelo at saka wala rin naman ako sa posisyon para gawin yon sakanya. Basta ang alam ko lang ay walang damdamin tong si Theo. Nakakasakit na siya pero di man lang niya alam. Nakakainis!
"Sige na nga." huminga ng malamim si Jinna at saka sumunod na sa akin. Parehas na kaming gutom pero dahil mapilit etong si Jinna ay pinagbigyan ko siya kanina na mag-ikot muna kami para makahanap ng ireregalo kay Theo pero dahil sa sobra na akong gutom ngayon ay talagang hinila ko na siya palabas ng store.
Naghahanap kami ng pwedeng pagkainan dito sa mall nang biglang may nagtext sa akin.
Karla
Asan na kayo ni Jinna? Nandito kami sa Yoshinoya. Dito na rin kayo kumain.Nang makita ko ang text ni Karla ay dali dali kong hinila si Jinna papunta sa Yoshinoya. Niyaya ko kasi tong si Karla na pumunta dito sa mall na ito para may iba pa kaming kasama ni Jinna sa paghahanap. Akala ko nga eh busy siya pero buti nalang at hindi.
Nasa Yoshinoya na kami ni Jinna nang may makita akong isang lalaki na hindi ko akalaing makikita ko ulit.
Ngayon ko lang siya ulit nakita. Kinabahan ako.
BINABASA MO ANG
Stolen First Kiss
Novela JuvenilAno feeling na halikan ka ng taong mahal mo? The fact na siya ang first kiss mo. Let's emphasize. FIRST KISS. Masaya ba sa feeling? Na parang ayaw na hugasan yung labi mo dahil nga hinalikan niya ito. Ganyan siguro ang feeling kapag galing sa TAONG...