Chapter Twenty three
Angelo's POV
Maaga ako nagising dahil kahit kagabi hindi ako nakatulog ng maayos. Something's bothering me. Pero sa tingin ko hindi yon bagay. Kasi si Camila talaga ang kagabi ko pang inaalala. Siya ang bumabagabag sa aking isipan.
Alam ko wala ako sa lugar na maging protective sakanya dahil galing na nga sakanya na "pinsan" lang daw niya ako. Pero hindi niya kasi alam ang totoo. Wala siyang alam tungkol sa kung ano ba talaga ang totoo.
Kapag nalaman niya ang totoo maraming pwede mangyari, maraming pwede magbago, maraming magbabago sa pakikitungo niya sakin. Kung ngayon pa lang nagagalit siya sakin kasi masyado akong nagiging protective sakanya. Paano pa kaya kung sinabi ko sakanya ang totoo? Baka tuluyan nang lumayo ang loob niya sa akin. At ayoko iyon mangyari. Ayoko.
Hindi ko alam bakit ako nagkakaganito sakanya. Tuluyan na ba talaga nahulog ang loob ko kay Camila? Hindi kasi ako sigurado, lahat ng ginagawa ko minsan ay hindi ko naakala na gagawin ko iyon. Yung tipong bigla bigla ko nalang yon nagagawa. Ayoko kasing mapahamak si Camila. Bakit ba kasi ako nagkakaganito pagdating sakanya?
Sa totoo lang iba ang babaeng gusto ko at iyon ay si Ienne. Pero hindi ko alam bakit ako nalilito ngayon. Bakit ako nagkakaganito? Bakit ako masyado nagiging protective kay Camila? Bakit ayoko siyang masaktan? Bakit ba kasi ako ganito? Ano ba nangyayari sa akin? Ang daming tanong na hindi ko masagot. Naguguluhan ako.
Alam ko sa sarili ko na si Ienne ang gusto ko pero bakit kapag kaharap ko na si Camila naiiba ang nararamdaman ko? Gumugulo lagi ang isip ko. At ang tanging gusto ko lang ay protektahan siya.
6:00 pa lang ng umaga ay nagising na agad ako at nagluto ng makakain ko dito sa bahay nila Camila. Kaya ako nandito kasi wala ang parents ko. Well, busy with some business stuffs. At kapag busy sila sa business stuff nila dito nila ako iniiwan. Kilala naman kasi nila mom and dad ang parents nila Camila since magkapatid ang mom ni Camila at ang mom ko. Pero kagaya ng parents ko masyado ring busy ang mom and dad ni Camila dahil sa business nila kaya ang nag-aasikaso nalang samin ay ang maids nila.
Nang makababa na ako galing sa taas ay nakita ko kagad si Jeremy na nasa living room. Hindi ko nalang siya binati kasi alam kong may galit siya sakin. May nangyari kasi dati na hindi namin inaasahang mangyari.
Dati nang nasa States pa kami at hindi pa kami umuuwi dito sa Pinas ay nasa States din si Jeremy for some business matters. Pati na rin si Jerry kasi kahit nasa Pinas ang hinahawakan niyang business ay pumupunta pa rin ito sa States para sa mga stock holders ng company nila. Naalala ko pa noong habang nasa isa kaming hotel, ang girlfriend ni Jeremy-- Si Jana - ay bigla nalang ako nilapitan kahit na kinakausap ko pa si Jerry noon, bigla niya akong hinalikan at habang hinahalikan niya ako ay biglang dumating si Jeremy.
Bigla nalang akong sinuntok ni Jeremy dahil sa nakita niya. Hindi ko naman alam ang irereact ko dahil pati ako gulat kung bakit ako hinalikan ng girlfriend niyang si Jana. Pero noong gabing iyon ay naghiwalay rin silang dalawa at noong gabing iyon tuluyang nagalit sakin si Jeremy.
Okay naman kaming dalawa ni Jeremy kaso dahil doon ay nagtapos ang pagkakaibigan namin. Ang mga babae talaga pahamak sa pagkakaibigan ng mga lalaki. Psh.
Dumiretsyo ako sa kusina para magluto ng umagahan ko-- eggs and bacon. Habang nagluluto ako hindi ko inaasahan na bigla akong kakausapin ni Jeremy.
"Angelo, gusto ko lang sabihin sayo na ayoko sa lalaking katulad mo dahil na rin sa nangyari dati pero dahil hindi ko na kaya protektahan ang kapatid ko dahil masyado akong busy sa business namin ikaw nalang ang inaasahan kong magpoprotekta kay Camila," napalingon ako nang wala sa oras sakanya.
BINABASA MO ANG
Stolen First Kiss
Ficțiune adolescențiAno feeling na halikan ka ng taong mahal mo? The fact na siya ang first kiss mo. Let's emphasize. FIRST KISS. Masaya ba sa feeling? Na parang ayaw na hugasan yung labi mo dahil nga hinalikan niya ito. Ganyan siguro ang feeling kapag galing sa TAONG...