Chapter Twenty Eight
Camila's POV
"Ohmygosh makakakuha na ako!" Sabi ko habang hawak hawak ko anh fishi rod ko. Meron kasi kaming palaisadaan dito sa may bahay namin sa Laguna at ngayon nalang ulit ako nakahawak ng fishing rod at nangisda pero ang saya pa rin. Kapag kasi kami umuuwi dito sa Laguna nang summer dito lagi nangingisda sila dad at kuya pero syempre tinutulungan pa rin sila nila manong Joel. Parang ngayon, tinutulungan niya kami ni Angelo sa pangingisda. Ang saya kasi kahit mayaman kami, di kami pinagbabawalan nila dad na gawin tong mga bagay na ganito. Enjoy lang. Parang ganon.
"Wow! Ang laki nang isda na nakuha mo!" sigaw ni Angelo at tuwang tuwa siya habang nagaantay pa rin siya na may makukuha siyang isda. Natatawa nga ako sakanya kasi mas nauna siya sakin dito sa palaisdaan namin pero mas nauna naman akong kumuha ng isda. Inirapan ko lang siya sa sinabi niya "Oh? Bakit mo ako inirapan? May nagawa nanaman akong mali?"
Ngumisi lang ako tapos kinuha ko yung isda na gumagalaw galaw pa sa fishing rod ko at nilagay ko sa isang bucket. Kailangan ko pa kumuha ng isang isda para dalawa yung akin. Kasi ang rule namin dito ay kapag ilan lang yung isdang nakuha mo yun lang ang kakainin mo. Sila kuya Jerry at Jeremy kasi nakakuha na ng isda nila kaya ngayon kami naman ni Angelo kumukuha. Kawawa nga tong si Angelo mukhang ayaw sakanya ng mga isda.
"Wala naman. Ayaw lang kitang kausap."
Napalingon siya sakin tapos kumunot noo "Ano nanaman ginawa ko? Ayaw na nga sakin nitong mga isda tas ikaw ayaw mo din?"
Kumunot din noo ko sa sinabi niya "ano connect?"
"Wala." sabi niya na ngumisi pa "Naisip ko lang, wala naman akong nagawang mali pero bakit ayaw mo akong kausap?"
Di ko nalang siya sinagot at saka tumutok nalang ulit ako sa fishing rod. Makalipas ang ilang minuto nakakuha na rin ako ng isa pa ay kasabay niyon ay nakakuha na rin si Angelo ng isda. Sobra siyang natuwa na parang bata na binigyan ng lollipop galing sa tindahan.
"Oh nakahuli ka na? Ge alis na ako." sabi ko sakanya saka kinuha ko na yunf bucket ko na may isda at akmang aalis na ako kaso bigla akong hinila ni Angelo na ito ang kadalihilanan para kami ay nahulog sa palaisdaan namin.
"OHMAYGAD! ANGELO TIGNAN MO TONG GINAWA MO?!" iritadong sabi ko sakanya. Nakaharap siya sakin ngayon at parehas kaming basa dahil nahulog kami sa palaisdaan. Ang dami pa namang tilapia dito sa palaisdaan. Gusto ko lang manghuli ng isda pero ayokong magswimming kasama mga isda. Pero itong si Angelo nakasmile lang habang nakatitig sakin.
"Ang cute mo kapag nagagalit." sabi lang niya na nakangiti. Pinalo ko siya sa dibdib niya kasi hindi naman ito oras ng biruan pero kung anu-ano pang sinasabi niya sakin.
"Ewan ko sayo!" sigaw ko sakanya at lumanggoy ako pabalik doon sa may bridge namin kung saan nandon kami kanina. Alam kong lumanggoy din siya pabalik pero hindi ko nalang siya pinansin. Ang baho ko na. Amoy isda na ako nakakainis!
Kinuha ko na yung bucket ko na may isda na nahuli ko at saka umalis na ako sa palaisdaan naminan at saka pumunta ako kila kuya na ngayon ay nasa may private resort namin. Nagiihaw na sila ng isda. Binigay ko kay kuya Jerry yung bucket ko saka kasi sila na bahala doon na mag-ihaw.
"Oh? Ba't ganyan itchura mo? Nagswimming ka don? Excited ka masyado magswimming ha." asar pa sakin ni kuya. Inirapan ko lang siya at dumiretsyo ako sa may shower room para magshower. Buti nalang at nadala dito nila kuya yung bathing suit ko kaya di ko na kailangan bumalik sa bahay. Malapit lang naman bahay namin dito pero nakakatamad na bumalik kaya buti nalang dinala na nila kuya dito damit ko.
Pagkalabas ko agad ng shower room dumiretsyo na ako sa pool para magfloating. Mas gusto ko kasi relaxing kaya floating nalang muna ang ginawa ko. Sinuot ko rin ang sunglass ko para hindi ako masilaw sa araw. Ang saya magswimming. Nakakamiss din pala 'to. Ngayon nalang ulit ako nagswimming eh. Kaso may panira na bigla nalang tumalon sa swimming pool at iyon ang dahilan kung bakit ako biglang na-out-of-balance sa pagswimming ko.
BINABASA MO ANG
Stolen First Kiss
Teen FictionAno feeling na halikan ka ng taong mahal mo? The fact na siya ang first kiss mo. Let's emphasize. FIRST KISS. Masaya ba sa feeling? Na parang ayaw na hugasan yung labi mo dahil nga hinalikan niya ito. Ganyan siguro ang feeling kapag galing sa TAONG...