Thirty Four

169 5 0
                                    

Chapter Thirty Four

3 months. Matagal na panahon din ang aking ginugol para mag-move on sa ginawang panloloko sakin ni Kurt. 3months? Not bad. Kasi ngayon alam ko na sa sarili ko na nakapag-move on na ako. Malaking bagay ang naitulong sakin ni Angelo kasi siya ang laging nasa tabi ko tuwing umiiyak ako, tuwing maalala ko yung mga masasayang memories naming ni Kurt. Si Angelo ang comfort sa akin noong mga araw na sobra akong depressed at down na down. Siya ang nandyan lagi para pakalmahin ako. Kilala kasi ako ni Angelo kapag may problema ba ako o wala. Masaya rin ako kasi hindi ako nagsisi na mag-move on. Ngayon ko lang nalaman na hindi minamadali ang lahat ng bagay, hindi minamadali ang pagmomove on. Hindi scam ang pagmomove on na pagkabagsak ng pera mo sasabihin nila agad na magiging milyonaryo ka na agad. Kalokohan yon! Ang pagmomove on, it takes time. Hindi minamadali. Kasi ang lahat ng bagay nagiging worth it kapag mas nabigyan mo ito ng pansin.

Masaya pala sa pakiramdam na alam mo sa sarili mong nagwork lahat ng hard work mo para lang makapag-move on.

Damn! Its not easy. But I'm happy because this happened. Nakapag-move on ako.

Naalala ko tuloy yun huling araw namin sa States....

Ginising ako ni Angelo ng 5am kasi may pupuntahan daw kaming restaurant at doon daw kami kakain ng breakfast. Ang daming alam ng lalaking 'to eh kakain lang naman kami. Pwede naman kasing sa bahay nalang, dami pa niyang arte at gusto sa restaurant kami magbreakfast.

Ayos na din sakin, libre naman niya for sure.

Hindi ko alam pero iba itong kaba na nararamdaman ko. Bakit ba ako kinakabahan eh kakain lang naman kami ng breakfast?

What's wrong with me?

Madali akong nagbihis para hindi na mag-antay sakin ng matagal si Angelo. Makalipas ang ilang minuto nandito na kami sa isang restaurant. Ang ganda. Nakakarelax tignan yung labas ng restaurant pati sa loob ang ganda rin.

Umupo kami sa may bandang gilid na pwesto sa restaurant. Nakareserve na pala yung table na yon para samin. Pero ang pinagtataka ko... Bakit apat ang upuan?

Hindi lang kami ni Angelo ang kakain? Sino pa ang kasama namin?

"Hoy Angelo, ano 'to? Hindi lang ba tayo ang kakain? Bakit apat ang upuan?"

Natawa lang si Angelo. Ano problema niya? Baliw na ba siya?

"Hindi tayo diyan, dito tayo." pagkasabi nun ni Angelo doon ko lang narealize na nasa kabilang table siya. Masyado pala akong preoccupied at hindi ko na napansin na nasa isang table pala pumunta si Angelo samantala ako nandito sa isa pang table na apat ang upuan.

Aish. Ano ba tong nangyayari sakin? Dali dali akong pumunta sa kung saan siya naroroon. Si Angelo. Table for two. Saming dalawa lang.

What am I thinking while ago? Bakit ba kasi ang preoccupied ko? Nakakainis!

Pagkaupo namin, ngumisi agad si Angelo na kinainis ko.

"Preoccupied ka masyado, ano ba yang iniisip mo?" tanong pa niya

"W-wala!" sabi ko. Medyo kinakabahan pa din ako at hindi ko alam gagawin ko.

"Okay?" sabi niya at tumawa ulit. Ano bang problema nito? Naiinis tuloy ako lalo sa ngisi at tawa niya. Im being serious here and then that's what I get? Baka sapakin ko siya eh. Ugh.

Habang pumipili kami ng kakainin namin sa menu ay bigla ko nanaman naramdaman ang kaba na kanina ko pang iniinda. Bakit ba ako kinakabahan? Nakakainis etong feeling na 'to. Ayoko ng ganitong feeling.

Stolen First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon