Seven

381 15 0
                                    

Chapter Seven

Nandito ako ngayon sa isang convenience store. Bakit? Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito basta sinabihan lang ako ni Karla na pumunta raw ako dito or should I say tinext niya ako at ayun diretsyo naman kagad ako, kaso ngayung nandito na ako bakit wala pa rin siya? Early bird kaya yon, so bakit ngayun wala pa siya?

Pumasok muna ako sa loob ng convenience store para bumili ng makakain para habang nag-aantay ako di ako mabobored. So ayun kumuha ako ng mga chips at kung ano ano pa. Hanggang sa makarating ako sa chocolates section. Nakita ko na may isang Crunch na chocolate nalang ang naiwan kaya kinuha ko agad kaso ng paalis na ako sa chocolates secrion may nakabangga sakin.

"Ang laki laki ng daan babanggain mo lang ako?!" Iritadong tanong ko.

"Eh sa gusto kitang banggain may magagawa ka?"

Ang gulo talaga ng ugali nito. Parang kahapon bumait dahil gusto niya ako alukin ng friendship tapos ngayun arogante nanaman? Wow ha. Naiinis lang ako sakanya kaya iniwasan ko nalang siya at kinuha ko yung mga nahulog na bibilhin kong pagkain.

"Ako na kukuha" sabi niya tapos tinulungan niya ako sa pagkuha ng pagkain na nalaglag. Madami rin kasi akong bitbit bago ako pumunta dito sa chocolates section.

"Ang gulo ng utak mo kainis. Tabi nga!" kinuha ko nalang sakanya yung mga bibilhin ko at dumiretsyo na ako sa counter. Kaso sumunod naman siya.

Nang makabayad na ako hinarap ko siya,

"Bakit ka ba nandito?"

"Bumibili, ano sa tingin mo? Bakit pagmamay-ari niyo ba etong convenience store na 'to?"

Inirapan ko lang siya dahil nababadtrip na talaga ako at wala pa rin si Karla hanggang ngayon. Asan na ba yung babaeng yon? Palabas na dapat ako ng convenience store para tawagan so Karla kaso bigla naman ako binuhat ni yabang na parang bagong kasal. Pinagkatinginan tuloy kami ng mga tao dito.

"HOY-! TEKA-! ANO BA-! HOY IBABA MO AKO!!!" lagi nalang niya akong kinakaladkad nalang bigla at ngayon naman binuhat pa ako. Ano ba?!

"Wag ka na magsalita."

"INAANTAY KO PA SI KARLA ANO BA! SAAN MO AKO DADALHIN?!" nakalabas na kami ng convenience store at buhat pa rin niya ako, di ako makapiglas kasi baka mahulog lang ako.

"Di mo na siya maantay kasi hindi naman siya pupunta."

"At bakit?"

"Ako yung nagtext sayo."

"ANO?!"

Leche tong lalaking 'to! Kaya pala nagtaka ako at hindi nakaregister ang number sa phone ko at ako naman tong si tanga naniwala kagad. Nakakainis!

"Yea. Kaya sumama ka sakin."

"UGHHHH! NAKAKAINIS KA!!"

"Alam ko."

*****

Angelo's POV

Nandito ako ngayon sa kotse ko at nasa passenger seat si Camila. Hindi ko alam kung bakit ko hiningi kay Karla yung number ni Camila nung nakaraang araw. Siguro dahil gusto ko mapalapit kay Camila. Bakit? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko kapag malapit sakin si Camila, nalilito ako at minsan hindi ko na alam mga ginagawa ko.

Kagaya ngayon, ang gusto ko lang talaga makatext siya pero eto ang nangyari. Ang gulo talaga ng utak ko. Sobrang gulo na.

"Hoy Mr yabang, saan mo ako dadalhin?"

"Sa whatever"

Napakunot noo niya sakin habang nagdrive ako napatingin kasi ako sakanya.

"Ang gulo mo talaga kausap." sabi niya nalang at nanahimik na siya.

Stolen First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon