Thirty (Part 1)

163 6 0
                                    

Chapter Thirty (Part 1)

"What the fudge! Angelo! Mag5pm na pero wala pa rin si Kurt!" nag-iinit nanaman ang ulo ko. Prom namin ngayon pero stress na stress na ako. Nakasuot na rin sakin yung gown ko at saka nakamake up na rin ako. Maayos na nga rin pati ang buhok ko, suot ko na rin ang wedge ko pero yung taong inaantay ko, wala pa rin. Anong oras na? Alam naman niya na prom namin ngayon diba? Pero bakit hindi pa rin niya ako sinusundo dito? Diba sabi niya sakin siya magsusundo at magiging date ko ngayon? Pero asan siya? Asan na ang boyfriend ko?

"Sabi ko naman sayo, ako na maghahatid sayo. Camila, wala akong date. Parehas lang tayo ng pupuntahan ngayon. Bakit ba ayaw mo sakin magpahatid?" naiinis na tanong sakin ni Angelo. Kanina pa niya yan sinasabi sakin pero hindi ko siya pinapansin. Nakaupo lang siya sa sofa at hawak hawak niya ang buhok niya at nakatingin sakin. "Will you sit down? Kanina ka pa ikot ng ikot diyan. Nahihilo na ako sayo, Camila." reklamo pa niya

"Kasi naman. Date ko siya, ayokong ikaw maghatid sakin.."

"For Pete's sake naman, Camila! Ihahatid lang naman kita? Ano masama don? Di mo naman ako date pero hahatid lang kita." tumayo siya at saka lumapit sa akin. Hinawakan pa niya ang aking kamay "Please naman Camila? Alang alala ka na oh. Ang ganda ganda mo pa naman ngayon pero dahil sa pagaalala mo, pumapangit ka." kumunot noo ko sakanya at saka pinalo ko siya kaya ngumisi siya "Maganda ka, Camila. Pero dahil sa pagaalala mo sa ugok na yon, nastress ka lang. Wag mo na kasi alahanin yon. Ako na maghahatid sayo." nakatingin siya ng diretsyo sa akin.

Halos isang oras na ako nagaantay dito. Pagtapos kasi ako ayusan ni mommy, inantay ko na siya pero hanggang ngayon wala pa rin siya dito. Akala ko nga umalis na si Angelo pero hindi pa pala. Inaantay niya daw na makaalis ako pero dahil kay Kurt, na ngayon wala pa rin dito, siya nalang daw maghahatid sakin.

"Fine." pagsuko ko sakanya at nakita kong ngumiti siya.

Nang aalis na kami bigla namang bumaba si mommy at daddy mula sa second floor. Mukhang ang saya saya nila. Ngayon ko lang sila nakitang masaya. Talagang masaya na sila? Sana nga. Ayoko kasi yung cold ang pakikitungo nila sa isa't isa.

"Angelo? Ikaw na ba maghahatid sa princess namin?" masayawang tanong ni mommy kay Angelo nang makababa na sila ni daddy.

"Opo, tita. Yung ugok niya kasing boyfriend hindi sumulpot dito." paling iling pa siya.

"Ahh. Teka! Picture!" sabi ni mommy saka niya kinuha yung SLR niya kay daddy. "Oh Camila, mag-escort position nga kayo. Si Angelo nandito kaya siya ang escort mo, bayaan mo na yung boyfriend mo. Naiinis ako sakanya." may halong pagkadismaya pa na sabi ni mommy

Nilagay ko na ang kaliwang kamay ko sa kaliwang kamay ni Angelo. Nakaescort position kami ngayon.

"one... two... three...SMILE!" ngumiti ako nang sinabi ni mommy na smile ng makita ko ang picture namin ni Angelo na si mommy ang kumuha ang cute namin. Nakangiti rin si Angelo at halata sa picture na kumikinang ang mata niya.

"Osya, baka malate na kayo? Mag-iingat kayo don ah?" sabi naman ni mommy

Palabas na sana kami ng bahay nang magsalita si daddy

"Take care of her, Angelo."

"Yes, tito."

----

Nandito na kami ni Angelo sa hotel kung saan gaganapin ang prom namin. May mga photographer agad sa labas so it means talagang si Angelo na ang escort ko? Inaasahan ko talagang si Kurt ang magiging escort ko pero nagkamali ako, wala na ata siyang pakialam saakin. Ang hirap kasi sakanya, sabi siya ng sabi pero hindi naman niya tinutupad.

Pangalawang pagkakataon na, na hindi tumupad si Kurt sa pangako niya. Nakakainis lanh. Nagmumukha lang akong tanga.

"Hahanapin ko lang yung ugok mong boyfriend at baka nasa loob na. Siya naman diba escort mo?" sabi agad ni Angelo nang maipark na niya ang kotse niya.

Stolen First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon